TAHIMIK siyang nagbabasa sa library nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya.
Nang mag-angat siya ng tingin, ang nahagip ng kanyang mga mata ay isang lalaking matangkad, na ang unang-unang mapapansin ay ang mga mata nitong tila laging nakatawa.
Nakangiti ang lalaki. Nakasuot ng puting puti. Tingin niya, isang medical student.
"Miss Evelita Vales?"
"Yes?" May pagtataka sa kanyang mukha. "Kilala mo ako?"
"Matagal na." Nakangiti pa rin ito pati mga mata.
"By the way, I'm Ricardo Moreno." Iniabot nito ang kamay.
Parang wala sa sariling kinamayan niya ang lalaki. Lumuwang ang ngiti nito at agad naupo sa kanyang tabi.
"Hindi ka naman pala masungit na gaya ng kuwento ng iba."
"M-May nagsabi sa iyong masungit ako?"
"Yeah! Ang tagal ko na sanang gustong makilala ka. Ang kaso, may feedback nga ako na you don't easily talk to strangers. And besides, guwardiyado ka raw ng tatay mo."
"Yeah. That's true. Hatid-sundo nga ako ng papa ko kaya hindi talaga ako puwedeng makipag-usap kahit na kanino. Magagalit 'yon kapag nakita ako."
"Hindi naman niya tayo nakikita ngayon."
Napangiti siya sa kaprangkahan at kalakasan ng loob ng lalaki. At di man niya aminin, lihim siyang humahanga sa hitsura nito.
Guwapo sa madaling sabi. Tipong boy-next-door. Para na niyang nakita ang katauhan ni Tonton Gutierrez sa lalaking ito. Mukhang very sweet. Parang gentleman. Mga katangiang siya yatang naging dahilan kung bakit hindi niya magawang pagsungitan ito.
At may isang bagay siyang napuna. Parang may napukaw na damdamin ang lalaking ito na hindi niya kayang ipaliwanag pa.
"Puwede bang friends na tayo, simula ngayon?" Nang-aakit ang mga ngiti ni Ricardo.
"S-sure."
Hindi niya maubos maisip kung bakit siya napapayag ngunit naubos ang oras niya sa library nang hindi niya namamalayan.
Enjoy kasi siyang nakikipag-usap kay Ricardo. Si Ricardo na naging very vocal sa pagbubukas ng sarili.
Nasabi na nitong lahat-lahat ang mga personal na bagay hinggil dito. Ang tatay nito, isang doktor ng baga at puso kaya iyon rin ang kursong kinuha nito dahil gusto raw nitong tularan ang ama.
Ang ina naman nito, isang dermatologist kaya wala raw itong problema sa skin problems. Ang dalawang kapatid na nakatatanda na pawang babae, may mga asawa na at sa Amerika na naninirahan. Mga nurses ang mga kapatid nito na nag-abroad nang makatapos at doon na rin nakakita ng mapapangasawa.
"Now its your turn. Gusto kong malaman ang maraming bagay tungkol sa iyo.
"B-bakit?" atubili niyang tanong.
"I want us to be closer to each other."
"Wala naman akong masasabi sa iyo tungkol sa aking sarili. Maliban sa education ang course na kinukuha ko, nothing so special about me."
"Wala kang kapatid? How about your father? Your mother? I want myself to be familiar with them.
Napakunot-noo siya. Tila gustong mainis. Pakiwari niya, parang gusto dominahin ng lalaking ito. Ngunit ang inis niya ay naitago lamang niya sa sarili at hindi magawang maibulalas sa harap ng lalaki.
"Don't get me wrong." Wari ay nababasa nito ang kanyang iniisip. "Interesado lang talaga akong makilala ka nang husto."
"Puwede ko bang malaman kung bakit?" Pormal siya nang magtanong.
BINABASA MO ANG
HIWA SA DANGAL
General FictionNatuklasan ni Evelita ang dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang Ate Marie at hindi niya akalaing sasapitin rin niya ang kasawiang inabot nito. Lumalatay iyon sa puso... Tumutupok sa kanyang katinuan... Kumakain ng kanyang sistema... Bumabaliw sa kan...