NAG-AAPUHAP siya sa dilim. May takot na nakakulong sa dibdib.
Nag-iisa siya sa lugar na iyon. Lugar na hindi niya matukoy kung ano. Mayamaya, narinig niya ang isang malakas na sigaw. Tinatawag ang kanyang pangalan.
Nang lingunin niya ang may-ari ng tinig, ang nakita niya ay ang kanyang papa. Nagtatakbo ito palapit sa kanya. Sa tingin niya, mabalasik ang anyo nito. Para siyang sisilain.
Napansin niya na mahahaba ang kuko ng kanyang papa at siya ay nasindak sa takot. Mahahaba rin ang balahibo nito sa kamay na parang isang halimaw.
Napatili siya nang makitang halos gadipa na lang ang layo nito sa kanya at nakaangat ang mga kamay na parang mananakmal.
"Dito, Evelita! Dito!" Isang tinig iyon na animo nagmula sa ilalim ng lupa.
Wari ay nagbigay ng lakas ng loob sa kanya ang narinig at humahangos siyang napatakbo. Nagliwanag ang kanyang mukha nang makita sa kanyang sa kanyang daraanan ay ang kanyang Ate Marie.
Pero patay na ang kanyang Ate Marie! Papaanong narito iyon sa kanyang harapan at tinatawag siya?
Halika rito, Evelita. Bilis!" muling tawag ng kanyang Ate.
Nilingon niya ang panganib. Isang maling hakbang at maaabutan siya ng kanyang papa. Isang nakausling bato ang pumatid sa kanya. Mga balahibuhing kamay ang pumigil sa kanyang mga paa habang ang mga kamay naman niya ay hawak ng kanyang Ate Marie.
Isang malakas na tili ang pinakawalan niya at siya ay nawalan ng ulirat.
"EVY! Gising! Evy!"
isang matinding sampal buhat sa kanyang ina ang nagpabalik ng malay niya
"Ma, ang Ate Marie! Nakita ko ang Ate Marie!"
"Ano ba ang pinagsasasabi mo? Paano mong nakita ang iyong Ate Marie?"
"Ha?" Noon siya parang natauhan.
Na-realized na panaginip lamang ang lahat. Pero isang napakasamang panaginip. Ang mensaheng ibig ipakahulugan ng panaginip na iyon ang tunay na bumabagal sa kanya.
Bakit naging halimaw ang kanyang papa sa panaginip?
At ang kanyang Ate Marie....bakit kailangang mapanaginipan niya ang kanyang Ate Marie? Buhay na buhay iyon sa kanyang panaginip Handang tulungan siya sa panganib na nakaamba sa kanya. Ang panganib, ang kanyang papa.
"Bakit? Ano ang nangyari?"
Napakislot siya nang makita ang ama na naka-frame sa pinto.
"Nanaginip ang anak mo. Nagsisisigaw."
Ang presensiya ng ama ay nagdulot ng kalituhan sa kanyang sarili. Napalunok siya at umaalon ang dibdib sanhi ng malalim na paghinga.
"Gusto mo bang samahan kita dito sa kuwarto mo?"
"Hindi na Mama."
Nahiga siya. Inalalayan siya ng ina. Kinumutan siya nito. Hinimas ang buhok. Hinimas ang pisngi. Nakatitig ito sa kanya at parang maiiyak.
"A-anak..."
"Ang samang panaginip, Mama."
"Tungkol saan?"
Sa halip na tumugon, sinulyapan niya ang ama. Nakatingin rin ito sa kanya. Tingin na may kahulugan.
Agad siyang nagbawi ng tingin at ibinaling iyon sa kanyang mama,
"Sige na, 'Ma. Okey na ako"
"Are you sure?"
"Yes, 'Ma..." Hinimas niya ang pisngi ng ina.
BINABASA MO ANG
HIWA SA DANGAL
General FictionNatuklasan ni Evelita ang dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang Ate Marie at hindi niya akalaing sasapitin rin niya ang kasawiang inabot nito. Lumalatay iyon sa puso... Tumutupok sa kanyang katinuan... Kumakain ng kanyang sistema... Bumabaliw sa kan...