#01

2 0 0
                                    

MUSIKA
       -Lona kishore💗

Sa dinami dami nang problema sa mundong ito ang musika ay pwedeng maging sandigan nang mga tao.

Tutugtugin ang mga kantang gusto mapawi lamang ang problemang dala-dala nito.

Musika na kahit saan maririnig sa ganda'y balahibo moy tumitindig

Ito ay may lyriko na sinulat ng mga tao na nais ilabas lahat nang pinagdadaanan nito.

Binibigyan nang tono para maparinig sa mga tao ang emosyong nais ilahad nito.

Ito ang kanilang paraan upang  mailabas ang pait na kanilang dinanas.

Ito'y isa rin sa mga sumbungan, taguan at higit sa lahat ang paraan upang magamot ang pusong sugatan.

Kukunin ang radyo at ipapatugtug ang mga musikang kailanman di pinagsasawaan.

Sumasabay sa kanta na tila wala nang problema dahil ito'y parang kaibigan na sa panahon nang iyong pangangailangan ikaw ay dadamayan.

Hindi man ito tulad nang tao na humahaplos sa likod mo sa tuwing dinadamdam ang problemang dala mo.

Hindi man nito pinapahiran ang mukha mo sa tuwing tutulo ang luha sa mga mata mo pero kaya nitong pakalmahin ang sakit sa puso na parang papatay sayo.

Unti-unting pakakalmahin ang emosyong hindi mo na kayang kontrolin.

Gagawa nang tunog  upang ika'y unti-unting  makatulog.

Matulog upang maibsan ang sakit sa puso na dinadamdam.

Ang musika ang siyang nakapagandang pakinggan.

Papakinggan sa tuwing tayo ay may pagdadaanan.

RANDOM POEM/POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon