'Biro na nagkatotoo'
Dedicated to: DAVE KELLY CALUNSAGHindi ko inakala na mahuhulog ako sayo ng bigla. Biro ng barkada na sinabayan din ng iba ang siyang naging dahilan upang mapalapit tayo sa isa't-isa.
Hindi ko alam kung bakit ako naapektuhan sa biro nila. Napapangiti ako pag pangalan mo binibigkas nila.
Para bang isang granada na sumabog nalang bigla pagkatapos, namulat nalang ako sa salitang 'Mahal na Kita'.
Paano ba ito nagsimula? Dahil sa komento ko na masunurin ka na binigyan ng issue ng baliw nating mga barkada
. Mga biro ng barkada na siyang naging dahilan kung bakit tayo nahulog sa isa't-isa .
Nung una kang nag chat sakin di ko alam kung ano ang gagawin, kusa nalang gumalaw ang kamay ko ng di ko napapansin.
Hanggang sa tumaas ang convo natin at umabot dun sa part na talagang umamin kana saakin.
Todo kilig ako noon, dahil sa pagkakaalam ko may feelings na din ako sayo.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Nagsimula ito sa tuwing tinatawag ko ang co-scouts ko pero pangalan mo lagi na memention ko.
Para akong tanga, nalakasan ko pa yung boses ko kaya ayun, dinig na dinig ni Jemima.
Si Jemima na siyang nagkalat sa sekreto kong Mahal din kita. Kinalat niya ang sekretong yun sa baliw nating barkada, kaya ang biro ay lumala, at napagtanto nila na ang biro ay nagkatotoo na.
Masaya ako dahil umabot tayo sa status na M.U. at mas sumaya pa nung nalaman kong botong-boto satin ang barkada na umabot pa sa pagpaplano sa kasal nating dalawa.
Sobrang nakakatawa dahil sa pamamagitan ng biro nila, natuto akong mahalin ka.
Buong akala ko hindi na ako iibig pa dahil sa pag iwan sakin nung ex kong kababaeng tao, babaero din pala.
Mahal na Mahal kita, kaklase kong may galit at tampo sa kanyang ama.
Sana 'wag kang magbago, Patuloy mo paring paghahawakan ang mga pangako mo. Yung pangako mong papakasalan mo ako, lagi yung nasa puso't isip ko mahal ko.