#05

1 0 0
                                    

'MALI PALA ANG AKING GINAWA'

Nung una, masaya ako dahil sa pinapansin moko. Pero bakit nung ako'y umamin lumayo ang loob mo sakin? Di mo ba tanggap lahat nang katangian ko? O baka naman iba talaga ang gusto mo?

Iba ang gusto mo at hindi ako kaya lumayo ka't hindi na muling nagpakita pa. Iniwan mo akong mag-isa pagkatapos mong malaman na mahal pala kita.

Namimis ko na ang masasayang araw natin noon na nawala lang dahil binago ng panahon.

Iniisip ko ang mga bagay na ginagawa natin nuon kumakain nang sabay, aakyat sa may mangga at doon mag sisisigaw, uuwi sa ating mga bahay habang dala dala ang stick sa kinain nating isaw.

Pero iba na ngayon. Mula nong lumayo ka nag iba ihip nang mundo ko. Umaakyat ako nang mag-isa sa puno nang mangga sabay sigaw nang putang-ina asa kana! Iiyak nalang bigla, dahil sa tuwing maalala kita diko mapigilan ang luha na tutulo saking mga mata.

Panay ang tanong kung asa'n kana? Ba't ka nawala? Pero ni isang sagot wala akong natanggap. Napakahirap, sising sisi ako dahil sana pala tinago ko nalang ang sekreto kong mahal kita.

Mali ba na akoy umamin? O mali dahil kaibigan ko ang minahal ko? Andaming tanong sa isip ko, para na akong tanga kakaisip sa sagot ng bakit.

Mahal kita kaibigan kong ngayon ay lumayo na. Aakyatin ko nalang mag isa ang puno nang mangga, kakain nalang nang isaw na mag isa. Dadalhin ang mga ala-ala hanggang sa tayo'y muling magkita.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RANDOM POEM/POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon