Chapter 9

550 34 0
                                    

                  Lian's POV
    Pagkatapos kong nabasa yong last chat ni Raffy, tatawid na sana ako sa kalye  nang di ko namalayang may kotseng malakas tumakbo at nadaplisan ako, nabagsak ako sa lupa sabay hawak saking  balakang, '' ang sakit nun ahh!'' sigaw ko.  Biglang lumabas ang driver sabay lapit sakin at nagtanong kung nasugatan ba ko, may masakit ba ? o  kung gusto ko raw magpadala  sa hospital para sigurado, siya na raw bahala sa mga expenses.

    Maya-maya, lumabas din si Sebastian sa kotse,  '' dad! ano na! patay na ba yan?!'' insultong pagsasalita nya.

      '' Hoy! aba aba ! anak mo pala yan manong? turuan mo nga yan ng  mabuting asal at tamang pag-uugali, ang bastos ehh!'' marahan akong tumayo habang hinahawakan ng nakadaplis sakin ang aking kamay.

   '' sigurado ka bang okay ka lang talaga Miss?''  tanong niya ulit sakin.

   '' don't worry po manong okay lang talaga ako and besides you already have a serious problem, yong anak mo! ma-attitude'' I rolled my eyes.

  Tinalikuran ko na sila at tumawid na sa kabilang daan.

                    Seb's Dad POV
     ''  bakit mo ako pinahiya sa harap ng isang hindi kilalang tao!! diyos ko naman Seb! kailan ka kaya matutong maging isang mabuting tao'' pinunasan ko ang aking mga pawis.

      '' pag wala ka na sa buhay ko'' sagot nya sakin habang naglagay ng airpod sa kanyang tainga. Napatampal-noo na lamang ako at bumuntong hininga'' by the way? ba't mo ako sinundo? nag-iba na ba isip mo! babalik na ba ako sa OLPA?'' wika pa nya.

'' Hindi ka na makakabalik sa OLPA, sinundo kita dahil may pag-uusapan tayo on the way papauwi sa bahay''. Pumasok na ako muli sa kotse.

'' At ano naman yan? wag mong sayangin oras ko para dyan ah!'' reklamo ni Seb.

'' Sa pagdating kasi sa Sabado, bibigyan kita ng free time, magsama ka ng kaibigan kung gusto mo, maganda dun! aba e perfect yon para kumuha ng litrato'' sabi ko sabay tawa.

'' talaga ba dad? seryoso?'' lumapit si Sebastian sakin at '' thank ..'' kala ko yayakapin nya ko '' you dad'' pero ayy kinuha lang nya yong phone, napangisi na lamang ako at nagwika saking sarili '' ayy masyado lang pala akong assuming''.

                   Sebastian's POV
  Sobrang na-excite talaga ako base sa narinig ko galing kay dad,  pagkatapos kong kinuha yong phone, nagsimula na akong nag-isip kung sino papasamahin ko,  sobrang nahirapan ako sa pagpili pero in the end buo na yong desisyon ko , sina Shenna, Sophia at tsaka si Connor.

   Inisa-isa ko sila sa pagpapa-alam na lalabas ako at isama ko sila. Sumang-ayon rin naman sila kasi ang tagal na daw nilang di nakapagpasyal sa ibang lugar so ayon sobrang saya ko. Maya-maya, biglang nagtext sakin si Raffy.

      '' Huy! bro sama din ako oo'' kumunot yong noo ko pagkatapos kong binasa ang message ni Raffy, '' ha? papayagan ka ba?'' I replied pero sa totoo lang parang ayaw ko sya talagang isama.

   '' ah! oo naman, d na rin kasi ako nakapagpasyal sa ibang lugar, miss ko na yang mga ganyan'' sagot pa niya.

  '' teka paano si Lian? sama din ba sya?'' dami kong rason .

     '' ahh naaksidente raw ehh, sana okay lang sya, cool-off kami bro! kaya parang balik single na rin ako, teka pano mo nalaman?''napakagat nalang ako saking labi pagkatapos kong binasa ito, wrong move. '' ahh wala -wala, si-sige kung gusto mo!'' huling reply ko sa kanya at inilagay yong phone ko sa bag.

                         Shenna's POV
     Di ako makapaniwala na isasama daw ako ni Sebastian sa isang camp for one night , I mean di kami gaanong close no, so ayon... tinawagan ko si Sophia para ipaalam sa kanya.
(on call)
     '' uyy! alam mo ba? niyaya ako ni Sebastian para sumama sa kanya sa isang camp'' wika ko.

      '' ditto! ako din, excited na nga ako ehh, bukas na bukas bibili ako ng maraming popcorn for our upcoming outing''.  sagot niya habang narinig ko ang mga ''zippp'' na tunog, '' maa! saan mo inilagay yong tent?'' sigaw na boses ni Sophia.

     '' Aba! naghanda ka na? iba ka talaga ehh no hahaha'' tumawa na lamang ako.

     '' ay sorry, ano yon Shen?di kasi ako nakikinig ehh, soweee peace?'' mahina niyang boses.

     '' hahaha okay lang Soph ano ka ba🤣 '' natutuwa talaga ako kay Soph automatic handa agad.

     '' by the way, ghurl? ano bang laman ng papel na binasa mo kanina?'' mausisang tanong ni Sophia.

     '' ahh wala lang yon, konting sakit lang sa kalooban'' huminga ako ng malalim.

     '' ano ngaa?'' pangungulit nya sakin, '' promise me wala kang ibang sasabihan ?'' tanong ko sa kanya. '' Oo naman ano ka ba'' sabay tawa. '' Mahal ko sya pero may mahal siyang iba''  wika ko pa. '' Ano yan? halaa siguro first heartbreak yan ni Connor'' hula-hulaan ni Soph.

   '' Alam mo Soph? naiintindihan ko na din sya kung bakit ayaw niyang sabihin sayo yong tunay niyang nararamdaman  I mean, natatakot lang talaga syang maulit yong pinakamasakit  na pangyayari na nangyari sa kanya dati'' share ko lang.

'' ahh, pero di naman ako nagmamadali, mas mabuti pang lumalim yong relasyon namin bilang isang kaibigan lang, your heart takes time to heal when it is really injured and love takes time, parang math problem lang, analyze, di dapat magmadali o baka magkamali ka sa sagot'' *tongue clicks*.

'' chourr, saan mo natutunan yan ghurl?'' sabay tawa, '' wala lang naisip ko lang'' biglang naputol yong call .

'' Sorry your load balance is... hala! wala na pala akong load'' napakamot na lamang ako sa ulo, wala akong ibang magawa kaya I opened my messenger nang nagmessage na naman sakin si Raffy.

'' Hi miss beautiful, flowers for you 💐'' napangiti na lamang ako , siguro kinikilig nako, wahhh hahha OMG! heto na naman tayo.

'' Good evening Raff'' reply ko sa message niya.

Natagalan si Raffy sa pagreply sa message ko kaya akala ko busy lang talaga sya nang biglang*ting*'' knock ! knock!'' halaa! magjojoke sya! '' who's there?'' napangiti na naman ako, '' Shenna'' *hummed* hmmm '' Shenna who?'' kumuha ako ng maliit na unan at niyakap ito, '' Shennamaan nako sayo'' di ko matiklop yong baba ko dahil sa nabasa ko, is this for real? '' Ehh! Corny ng joke'' sagot ko pa with pa matching gantong emoji (😅).

(In the morning)
Nagising ako na di ko nahanap cellphone ko, '' halaa! nasaan na yong cellphone ko'' kinakapa ko yong ilalim ng unan ko kaso wala talaga ehh, lumuhod ako at tinignan ko yong ilalim sa kama baka nahulog lang nang diko namalayan kaso wala paden ehh, pagtingin ko sa itaas ng lamesa, doon na nakalagay cellphone ko, paano?'' naguguluhan ako, I switched it on kaso ay! 1% ? lowbat ahh paano ko to madala sa paaralan.

Wala nakong magawa kundi maligo na lang, pagkatapos kong naligo, nagbihis na ako ng uniporme at bumaba.

'' alam mo nak? alas dose ka na nakatulog kagabi, nabagsak pa nga yong phone mo sa mukha mo, sino ba kachat mo?'' seryosong tanong nya sakin.

   '' kaklase ko ma'' sagot ko kaagad at umupo na sa mesa para kumain ng almusal.

   (Inner me) '' buti na lang di nya nabasa yong convo namin ni Raffy'' .

To Be Continued.....

            
            ~Hoy Crush! Crushback!~

HOY CRUSH! CRUSHBACK!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon