Chapter 11

493 35 2
                                    

                       Shenna's POV
Pag-uwi ko sa bahay galing sa paaralan, naalala ko na diko pala chinarge yong phone ko kaninang umaga kaya ngayon na lang,humiga ako sa kama at nag-iisip ng malalim sabay yakap ni Mr. Ted yong fluffy kong teddy bear.

Maya-maya, di ko namalayan na nakatulog na pala ako I mean ganyan talaga mangyayari kapag nakahiga ka lang tapos wala kang ibang ginagawa.

(Dreaming)
*beep beep* '' Shenna sabay ka na sakin'' sigaw ng isang pamilyar na boses.

Nagising ako, nahapo at tumingin si bintana. '' Hala si Raffy! magtatago ako'' nataranta ako sa paghahanap ng mabuting kakataguan. *tok tok tok* '' Shenna! alam kong andyan ka! ayaw mo bang pumunta sa camp?'' sabi niya na pinapatuloy ang pagkatok sa pinto nang biglang lumalakas ang pagkabog.

'' Huh!!'' sigaw ko at tuluyan ng nagising. '' such a weird dream, ano kaya ibig sabihin nun?'' napadaing ako at napailing saking ulo nang naalala ko yong camp, '' hala! anong oras na!'' tumingin ako sa orasan at alas 5 na pala ng madaling araw, ang himbing ng tulog ko ahh, di pa nga ako nakakain ng hapunan kagabi. '' hala!'' sigaw ko ulit, ''di pa pala ako nakapag-empake sa mga bagay na dadalhin ko''  so ayon, minamadali ko na o baka ako pa'y maiiwan sa outing na to. I'm a light traveller kaya ang tanging dala ko lang ay dalawang maliit na pillow, yong cellphone ko , charger , damit , panyo, tuwalya , etc. Ilang minuto ang lumipas lumagpas na ang alas 6 nagme-message na sakin si Sophia na papuntahin na ako sa bahay ni Connor.

    Pagbaba ko galing sa kwarto, nagreklamo na yong tiyan ko kaya binuksan ko yong refrigerator at gumawa ng sandwich. Paglabas ko ng bahay, tumingin ako sa kanan, tumingin ako sa kaliwa, '' yess! wala si Raffy'' napakamot ako saking ulo '' teka! panaginip lang yon ah! *tampal-noo* wow Shenna ha! gusto mo ring mangyari iyon?'' kinakausap ko ang aking sarili.

Pagdating ko sa bahay ni Connor, nakaupo sila sa gilid ng gate, '' hi guys! ano ginawa nyo ?'' tanong ko. '' nakaupo 🤣 hala ha! di naman sya halata!'' pilosopong sagot ni Connor, '' ay sorry, galit? '' sumimangot ako. '' by the way nasaan na si Sebastian?'' wika ko habang kumuha ng bottled water sa bag ko.

'' On the way na sya, on the way na siya sa puso mo! '' bumanat si Connor, nanlaki ang aking mga mata at pumasak. *coughing* '' ano ka ba!'' tinaasan ko sya ng boses.'' nakita mo namang umiinom ako diba?'' reklamo ko at bumuntong hininga. *Beep beep* '' Kayo ba ang bagong kaibigan ng anak ko?'' tanong ng isang middle aged na lalaki.

'' ho? sino ba tinutukoy mo?'' tanong ko, '' uy tito'' wika ni Connor, '' Uy halina kayo pasok na'' anyaya ng lalaki. '' Teka! baka kidnapper yan ahh!'' sigaw ko pa sabay tagpi kay Connor. Binuksan ni Sebastian ang door ng kotse. '' Wala pa si Raffy?'' tanong pa ni Connor, *clears throat* '' hayaan nyo na! pasok na kayo dali! o baka di natin maabutan yong ibang mga activities doon sa camp''. Pagkatapos naming narinig yon kay Sebastian, pumasok na kami sa kotse.

'' Shenna! tabihan mo na si Seb'' mungkahi ni Connor.

    '' ulol'' magkatabi sana kami ni Connor nang nakikipag-switch places siya kay Seb.

Lumingon ako kay Sophia at sabay kaming tumawa.

 Lumingon ako kay Sophia at sabay kaming tumawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
HOY CRUSH! CRUSHBACK!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon