Chapter 13

446 35 2
                                    

Barbara's POV
Nag-aalala ako kay Sebastian kaya ko sila tinulungan in the first place kasi sa pinakadulo ng campsite may mga sabi-sabi kasi na haunted ito dahil sa pinakamalawak na lugar, lahat ng nakakapunta don ay nahihirapan nang bumalik, nakabalik naman yong iba na buhay kaso yong iba naman, hindi na talaga nila nakikita muli wika ng nanay ko sakin.

'' Diba yong isa sa rules na ibinigay sa nagbibigay ng activity sa inyo ay bawal magkahiwalay? anyare?'' mausisang tanong ko.

'' Di kasi namin sya napansin kung saan na sya napadpad, ang huling sinabi nya lang samin ay kukuha lang daw sya ng mga magagandang litrato'' sagot ni Shenna.

'' Tulong!!! kung may tao man dyan! Help me!! I'm lost!'' sigaw ng isang lalaki.

'' that's him! buti di pa sya lumagpas sa campsite 9, tara bilis!'' tumakbo kami papalapit sa tunog naming narinig.

'' Sebastian? ikaw ba yan!'' sigaw ni Connor. 

      '' Connor! is that you!!'' patuloy na sigaw ni Sebastian, '' stay where you are Seb'' wika ko pa. '' Barbara?'' nagulat si Seb.

  '' Uy! anong ginawa mo dito? saan yong kasamahan mo?'' tanong ng nakakita kay Seb.

   Naabutan na namin si Seb at biglang tumalikod si Barbara. '' Oops that's my mom'' bulong ko sa kanila.

   '' Barbara? anong ginawa mo dito?'' tanong niya sakin.

    '' tinulungan silang hanapin siya! '' tinuro ko si Sebastian, '' ayan ! sa susunod mag-ingat ka , sobrang lawak kasi ng lugar dito'' payo ni nanay.

   Biglang lumapit si Sebastian kay Shenna at niyakap ito, '' buti nakita pa kita'' wika niya. '' ah '' walang ibang masagot si Shenna at naguguluhan kung bakit bigla siyang niyakap ni Seb.

  '' Uhh Seb? stop hugging me already'' binitawan na sya ni Seb.

  '' uhh guys, mauuna na ako ha? bye, may gagawin pa kasi ako'' namamalaam na ako, '' teka! Salamat pala sa tulong ahhh'' wika pa ni Shenna. '' Walang problema yon, natutuwa ako dahil nakatulong ako sa inyo'' nginitian ko sila at umalis.

  Pagdating ko saking cabin, naupo nalang ako sa upuan at diko namalayang may tumulo na luha saking mga mata, hinawakan ko ang aking  pisngi at pinusan ang luha na lumabas saking mga mata, what is wrong with me?  parang nahihirapan akong huminga dahil  biglang sumikip ang aking dibdib habang nakita ko si Seb na may kayakap, tama pala ako,may gusto sya kay Shenna.

      Bumalik na sina Connor sa tent nang inaantay na pala sila sa nagbibigay ng activities, humingi sila ng  apolohiya dahil lumagpas na ang alas tres tapos hindi sila nakagawa sa painting. Nagpaliwanag din sila kung bakit di nila nagawa ito, buti na lang nakaintindi din yong babae agad sa kanila, binigyan sila ng chance at babalikan sila sa pagsapit ng alas kuwatro bago mag-announce na naman sya ng ibang activity kung meron pang oras.
                    Shenna's POV
'' Seb? ipakita mo nga samin ang mga nakuha mong litrato, para naman magamit natin yon bilang isang ideya sa pagpipinta natin'' suhestiyon ko habang nakahawak na ng paintbrush, '' ah basta ako magsisimula na! may naisip nako'' bahagi ni Connor '' 🎵🎶brush brush brush! magpipinta ako! brush brush brush🎶🎵ano ba talagang gawin ko?'' nakaya pa nyang kumanta ehh naguguluhan pa pala sya. '' Guys! di ako magaling dito? pahingi tips dyan please 🥺 '' pagmamakaawa pa nya.

''hmm? wala ako masabi ehh, just paint, di nga maintindihan yong ibang painting, yong mga Abstract'' bahagi naman ni Sophia. Napakamot sa ulo si Connor '' hayst! wala akong talento sa pagdra-drawing'' wika niya at ipinatong niya ang kanyang ulo sa balikat ni Sophia. '' Try and try until you die, ay mali! try and try until you can do it!'' daldal pa niya.

HOY CRUSH! CRUSHBACK!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon