Kabanata 1

71 3 0
                                    

Bumoto at mag-komento!

Kabanata 1: San Lorenzo

“CLARITA FATIMA MARIANO CLAVADOR! It's already time! Get up, get up! We're in a hurry!” marahas akong napakamot sa ulo ko. Patuloy sa pagtapik kung sino mang bwisit na 'to sa butt ko. Sabi ko ng ayaw kong tinatawag ako sa buo kong pangalan eh. Pangmatanda.

“Get out of my room! Kung ayaw mong isumbong kita kay dad!” sigaw ko pabalik. Tinabunan ko ng unan mukha ko para di ko sya masayadong marinig.

“What? Meron ka pa bang ibang dad bukod sakin?” bakas sa boses nya ang irita. Omigas si dad pala akala ko si Trade, panganay sa aming magkakapatid.

“Edi kay mom kita isusumbong,” I said in a sarcastic tone. I remove the pillow on my face and stuck my tongue out.

“CLARITAAA!!” he roared. Shit! Namumula na ang buong mukha nya. Isa lang ibig sabihin nyan, galit na sya, hehe. Nagpeace sign ako sabay ngiti.

Mabilis pa sa alas-kwatrong kinuha ko ang tuwalya ko saka tumakbo papunta sa sarili kong banyo. Katakot talagang magalit ang tatay ko.

Tapos kong maligo, agad akong nagbihis dahil si Queenie, ang 3 years old kong kapatid, ay kinukulit ako na bilisan ang pagkilos ko dahil excited na raw syang makita ang mga kamag-anak namin sa San Lorenzo.

Minsan naguguluhan ako kung bakit makaluma ang pangalan ko tapos si Queenie makabago. Porque ba lumang gawa ako tapos sya bagong gawa?

Dinala na ni daddy ang malaking maletang dadalhin ko sa van na sasakyan namin. Isang buwan din kaming maglalagi doon dahil bakasyon naman ngayon.

“Buti naman at tapos ka na po señorita? Kanina ka pa po kasi namin hinihintay eh,” sarkastikong sabi Malisa habang nakasandal sa sasakyan at nakahalukipkip, pangalawa sya saming magkakapatid. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan nya, maraming lisa sa ulo yan eh. De joke lang.

“Upakan kita dyan eh,” sabi ko na may kasamang amba.

“Bigwasan kita dyan makita mo,” ganti nya.

Nag-make face lang ako sa kanya. “Nye-nye,” sabi ko sa kanya. Tinalikuran lang nya ako. Kung hindi ko lang buhat si Queenie, baka sinapak ko na 'to.

Nagtulakan pa kami kung sinong unang papasok sa van. Sa huli, ako ang nanalo dahil una, mas matanda sya sakin at pangalawa, hawak ko si baby. Asar-talo sya HAHA!

Hindi naging tahimik ang byahe namin. Dahil sa ingay ni Queenie, iyak ng iyak. Si Malisa na kung kumanta akala mo concert nya. Si Trade na naka-speaker pa tapos rock pa ang pinapatugtog. Tapos ako naman na paulit-ulit na sinisigaw ang, “Tumahimik nga kayo kung ayaw nyong busalan ko kayo!!” muntik pang masira ang vocal cords ko kakasigaw. Hmp!

Sumubsob kaming lahat dahil sa biglang paghinto ni daddy ng sasakyan. Buti na lang at nayakap ko agad si baby.

“Kapag hindi kayo tumigil grounded kayong lahat!” sabay na sigaw ni mommy at daddy.

“No! Mo-mmy en de-ddy. Ayem gowin. . . nu. . . wash. . . isponsh-bab,” (No! Mommy and daddy. I am goin' to watch spongebob.) reklamo ni Queenie. Agad naming tinakpan nina Trade at Malisa ang bibig nya saka awkward na ngumiti kina mommy at daddy.

Simula nung pinatigil kami sa pag-iingay, nakatulala na lang kaming magkakapatid sa bintana. Si baby Queenie ay nakahiga paharap kay Trade at mahimbing na natutulog.

Nilabas ko ang malaking bag ko na puro pagkain ang laman. Nang dahil sa tunog ng balot ng mga pagkain, napatingin silang lahat sakin pati si baby na nagising.

“What?” I mouthed. In that cue, agad nilang sinunggaban ang mga pagkain na nilabas ko.

Wow. Nahiya naman ako masyado sa kanila. Sana pala candy nalang ang dinala ko. Hmp! Isang balot ng marshmallows ang natira sakin.

Pasado alas-dos kami nakarating sa San Lorenzo. Kahit na ilang-daang taon na ang nakalipas, wala paring pinagbago ang mansyon at hacienda ng mga Mariano. Sa mother side ko 'to. Meron pang mga nagtatanim, nag-aani, at kung ano pang mga trabaho.

Sobrang inaalagaan ng mga kamag-anak namin 'to dahil dito ginaganap ang family reunion, dito kami nagpapasko at nagbabagong taon, o kung ano pang mga kaganapan sa pamilya namin. Ngayong summer naman, gusto nila kaming magsama-sa dito sa mansyon

Mga saktong trenta kami nyan dito. Sina lolo't lola, ang mga anak nila na sina mommy Elise at si daddy, si Tita Elysa at ang asawa nya, si Tito Edward at ang kanyang asawa, at si Tito Eduardo at ang asawa nya. Tapos yung tatlo ko pang kapatid at ang disi-sais ko pang mga pinsan.

Napangisi ako. “This is gonna be fun,” bulong ko sa sarili.

Nakabukas ang dalawang naglalakihang pinto kaya kitang-kita ang mga pinsan kong nagkakagulo na sa loob at ang mga tito't tita kong mukhang sobrang stressed na. Ang ingay nila, umaabot hanggang sa labas.

“MGA OGAAAAAGGGSS!!” sigaw naming magkakapatid ng makababa kami sa sasakyan. Napatingin sila samin sa baba. Lahat sila mukhang gulat na gulat. Kung ang mga pinsan ko ay masaya, yung mga Tito at tita ko naman ay lalong napasimangot.

Kami ata ng mga kapatid ko ang pinakamagulo. HAHAHA!!

Merong eight steps ang mansyon bago makababa papuntang labas. Kaya nung nag takbuhan sila papunta samin, muntik na silang gumulong pababa.

Sinalubong nila kami ng sobra pa sa napakahigpit na yakap. Buti na lang nakina mommy si baby Queenie kung hindi tulog yon.

“P. . . putsa. . pa. . . patayin nyo b-ba ka. . . kami?” nahihirapan kong sabi. Pag five seconds at hindi pa kumakalas ang mga to, patay na kami.

5..

4..

3..

2..

Putsa.

Sa wakas at kumalas na din sila bago pa kami malagutan ng hininga. Mga ogag talaga! Pagkakalas nila, binatukan namin sila isa-isa.




Kinagabihan. . .

Sabay-sabay kaming kumain sa hapag-kainan. Di nawala ang awayan sa pagkain dahil sa gusto ng isa, gusto na din ng lahat. Sa sobrang ingay namin, grounded kaming lahat. Pwera kay baby Queenie syempre.

Kaming sampung magpipinsan na babae, kasama na si baby Queenie, ay gustong mag-sleep over. Kaya nasa isang kwarto kami na may isang kama. Putsa talaga.

Buti nga at pinayagan kaming mag-sleepover eh. Wag lang raw kaming maingay.

“Oh so, anong gagawin natin?” bagot na tanong ni Pia.

“Matulog na lang tayo tutal wala rin namang gadgets,” sagot ni Kleya.

“Wala ring TV, tulog na nga lang tayo,” sabi ni Valerie.

Dalagang AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon