Kabanata 2: Julia
OH YEAH so ngayong double grounded na kami at bawal lumabas ng isang buong araw dito sa Mariano Mansion, parang tanga akong nakatayo dito sa tapat ng nakabukas na double doors habang nakatanaw sa mga pinsan at mga kapatid kong lalaki na nakasakay sa mga kabayo.
Pahamak talaga si Kleya kahit kailan. She said na pupunta raw kami sa isang Water Falls na lalakarin lang. Nung palabas na kami sa bintana, bumukas ang pintuan at si kuya Trade iyon and that's it nisumbong nya kami. Pia didn't locked the door pala.
Tumingin sakin ang pinsan kong si kuya Drei at nginisian ako. Binelatan ko lang sya bago maglakad-lakad dito sa loob.
Napadpad ako sa isang mahabang pasilyo. There's so many paintings here. I looked first at the paintings that have 'Familia Mariano' written above.
From 1850-1900. Ang pangalan ng nasa unang painting ay Gorio Mariano. Mabigote at matapang ang itsura. He was born on 1850 and died on 1898. What? He was young when he died. 48 years old?
In the second painting was named Lucia Delgora Mariano. She has this angelic look. She was born on 1853 and died on 1898. Why they died so young?
In the third painting was named Freya Mariano. She has this brave look just like her father. Born on 1875 and died on 1898.
In the fourth painting was named Simon Mariano. Kamukha nya ang mother nya. Born on 1870 and died on 1898.
Bakit parang pare-parehas silang namatay nung 1898? What happened?
Nagtingin-tingin pako saka napagdesisyonan na pumunta na lang sa kwarto. Humiga ako sa kama saka pumikit at di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
-
"Hmm? Five minutes, dad," irita kong sabi sa yumuyugyog sa balikat ko.
Tinabig ko ang kamay nya pero ibabalik nya at magpapatuloy sa pagyugyog.
"Mamaya nalang po ako kakain."
"Ate, ate gising po kayo," sambit ng isang maliit na boses. Krystal? Younger sister of Pia. But how could it be possible? She died 3 years ago because of dengue.
Napamulat ako at nanigas sa kinahihigaan ko. What the duck? Kingina please tell me I'm dreaming. Please.
"Ate gumising ka na dyan. Tanghaling tapat nasa labas ka."
Huminga ako ng malalim bago, "KYAAAAHHH!!! LUMAYO KA SAKING KINGINA KA!!"
Dumakot ako isang kamay na dahon at binato sa kanya-- what? Dahon? I looked at where I am seating right now.
Puro tuyong dahon at sanga sanga.
"Ano ba naman ate!" Napatingin ako sa babae ka-face to face ko. What the duck?
"Krystal?!" Pagkasigaw ko ng pangalan nya, biglang nandilim ang paligid ko.
-
Nagising ako dahil sa tulo-tulo na pumapatak sa mismong bibig ko. Hinawakan ko yun at parang malapot? Nilapit ko sa ilong ko at kingina! Ang baho!
Napabangon ako bigla. Tumingin ako sa taas at nakita ko si Krystal na nakadapa sa isang sanga at natutulog. May tumutulo mula sa bibig nya. Hanep wag mong sabihing-
"YAAAAAAKKKK!! KADIRIII!!" Naghanap ako ng pwedeng pagpunas o ipangmumog pero wala!
I took them hem of my crop top and wipe Krystal's saliva off my lips.
"KADIRI! KADIRI! KADIRI!"
Nagulat ako ng biglang may mahulog sa tabi ko. "Aray!"
Dahan-dahan syang tumayo habang nakahawak sa balakang nya at nakangiwi.
"Ate ganda naman eh! Bat ka ba nasigaw?"
"Abat! Eh pano tumulo laway mo saken."
"Di naman natulo laway ko eh."
Tumaas ang isang kilay ko. "Anong hindi? Ayan oh ebidensya," turo ko sa kanang pisngi nya na may laway.
Hinwakan nya muna ang pisngi nya bago punasan gamit ang white dress nya.
"Sorry naman, ate."
I just rolled my eyes. "Where are we?" I asked as I roamed my eyes around the forest?
"Nasa bundok tayo, ate. Mt. Tres Marias." Sagot nya habang nakayakap sa puno at mukhang nagpapa-cute.
Oh yeah? In a mountain? Oh well, I'm just inside my dream.
"Okay? So what are we doing here?"
"Sundan mo po ako!" Masaya nyang sabi at tumalon pa.
I followed her until she stopped in front of an arch made of twisted roots.
"Oh? Wag mong sabihing pupunta tayo ng Olympus, Krystal?" I sarcastically asked.
She looked at me with confusion in her eyes. "Huh? Julia po ang pangalan ko. Saka, ano po yung Olympus?"
What? Her name is Julia? But she really looks like Krystal. So confusing.
"Ok. So, Julia, what are we going to do here?" Tanong habang nakahalukipkip at parang tangang nakatingin sa arch.
"Okie! Sa oras na pumasok kayo dyan, mapupunta ka sa panahon ng mga kastila."
Umismid ako. "Oh really? Maniniwala na ba ako?"
"Gusto mo ng pruweba?"
"Malamang, Julia."
"Okie po." In that cue, she pushed me real hard papasok sa arch. Sa pagkabigla ko, nahila ko rin sya.
Nilibot ko ang paningin ko sa kadiliman.
"Bakit ang dilim dito- WAAAAHHH!!!!" DI KO NA NATULOY ANG SASABIHIN KO DAHIL BIGLA KAMING NAHULOG SA ISANG BUTAS!
Bakit... ang... bilis... namin?!
"Ouch!" Napadaing ako dahil bumagsak ako sa semento. Akmang tatayo nako ng may bumagsak sa likuran ko. King... ina.
"Aray!" Daing ng bumagsak sakin, si Julia.
BINABASA MO ANG
Dalagang Astig
Historical FictionPaano kapag napunta ang isang gangster sa panahon pa ng kastila?