Kabanata 3

40 1 2
                                    

Kabanata 3: 19th Century

PUTSA SYA pa talaga umaray? Tinabig ko sya sa likuran ko saka dahan-dahang tumayo.

"Ate, tulong naman," sabi nya habang nakanguso.

"Wow naman. Pagkatapos mo akong bagsakan?" Irap ko. "Pero pasalamat ka at mabait ako."

Nilahad ko ang kamay ko sa kanya at tinanggap nya agad yun.

"Salamat!"

I roamed my eyes around the place. OK? "Why am I here?"

There's a lot of people wearing baro't saya and barong tagalog ba yun? What's their trip?

"Di ba gusto nyo ng pruweba? Eto na yun. Saka malalaman mo rin ang totoong dahilan kung bakit ka nandito."

"How do we get here?" I asked again.

Meron pang mga kalesa tapos may mga nagtitinda ng pamaypay na gawa sa- ano bang tawag don? Yung parang banig tapos ganun rin yung mga sumbrero.

"Where are we?"

"Nasa San Lorenzo pa rin!"

My eyebrows cocked. "This... is San Lorenzo pa rin?" I pointed where we are standing.

She only nodded.

Pero bakit ganon? Parang maka-luma lahat?

"Are you sure that we still in San Lorenzo?" I asked again. Kunot-noong nakatingin sakin ang isang babae na nakatambay sa tindihan ng mga prutas at nakataas ang isang paa sa bangko.

"Tinitingin-tingin mo?" Maangas kong tanong na may kasama pang tango.

Sasagot sana sya kaso tinawag sya ng siguro nasa mid 40's na babae. Napakamot na lang sya sa batok. Tumingin sya sakin saka maangas akong tinanguan rin. Aba't!

"Ate, bawasan mo yang pagiging mayabang mo dahil baka mapaaway tayo ng wala sa oras," sabi ni Julia habang tumitingin-tingin sa paligid.

Umismid ako. "Wala akong pake. Gusto mo makipag-wrestling pako dito eh."

"Tara dun tayo, ate!" Turo nya sa isang ale na nagtitinda ng mga kawayan na nasa three inches lang ata.

"Ano 'to, 'te?" Tanong ko ng makarating kami don.

Ngumiti ang ale sakin. "Bakit, bibili ka?"

Ngumiti din ako. "Tinatanong ko lang po kung ano po yan po."

"Akala ko pa naman bibili ka, ineng."

"Hindi porket nagtanong ng paninda, bibili na," bulong ko. "De joke. Magkano nga?"

Tumaas ang isang kilay nya. "Isang pilak, ineng."

Tumingin ako kay Julia. "Meron ka pilak dyan? Diba ikaw naman ang bibili?"

Lumapit sya sakin saka dumukot sya sa suot kong mahabang palda. What? Tumingin ulit ako sa suot ko tapos tumingin ako kay Julia na inaabot ang bayad ng dalawang kawayan.

Pagtapos nyang magbayad, dali-dali ko syang hinila sa isang tabi.

"Bakit ganito ang suot ko?" Turo ko sa damit.

"Syempre ate. Nasa 19th century tayo eh. Alangan namang mag-suot ka ng shorts at croptops?" Sarkastikong sagot nya.

Napatingin ako sa gilid ko. Nakita ko ang sarili ko sa isang bilog na salamin.

Sandali akong natulala sa sarili ko. What the duck? Ako ba yang nasa salamin? Lumapit ako sa salamin saka hinawakan ang mukha ko.

"Julia... A-ako ba 'to? Ako ba 'to? Ako ba 'to?" Tanong ko sa kanya habang niyuyugyog ang kanyang balikat pero nakatingin pa rin sa salamin.

"Obvious ba, ate?"

Binatukan ko sya. "Nagtatanong ako ng maayos oke?"

"Binibining Clarita, magandang hapon. Masaya akong makita ka rito sa pamilihan," sambit ng isang lalaki na sa tingin ko ay nasa mga mid 40's na may bigote.

Nakangiti sya sakin pero halatang kaplastikan lang. Sa likod nya ay isang matandang babae na sa tingin ko ay asawa nya at ang dalawang anak ata nila. Isang babae na sa tingin ko ay kasing edad ko lang. At ang lalaki naman ay naka-unipormeng pang-heneral? I don't know.

"Nagkaroon ba ng himala at lumabas ka sa tahanan nyo?" Mataray na tanong sakin nung asawa nya at nakataas pa ang kilay.

Tinaasan ko rin sya ng kilay. "Pano yung himala?" Mataray ko ring tanong.

The wife gasp na parang hindi makapaniwala saka pinaypayan ang sarili. Hinagod naman ng anak nyang babae ang likod nya.

"Wala ka bang natitira kahit konting respeto man lang? Ang bastos talaga ng bibig mo," sabi nung anak nilang babae.

Inismiran ko sya. "Anong bastos dun? Saka ang bastos nakahubad, special nakatuwad."

Pare-parehong nanlaki ang mga mata nila at napawaang ang bibig.

The man in general suit chuckled. "Anu-ano na ang lumalabas sa iyong bibig, binibini. Sabagay kung ano ang puno, sya rin ang bunga."

"Sinasabi mo bang bastos ang nanay at tatay ko? Nakikita mo 'tong salamin na 'to? Baka mabasag 'to sa mukha mo," maangas kong sabi.

Hinila ni Julia ang saya ko pero hindi ko sya pinansin.

Humalakhak ang mid 40's man. "Napasobra na ang tapang mo, binibing Clarita. Baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo?"

"Hindi ko nakalimutan. Kase, hindi ko talaga kayo kilala," pagsasabi ko ng totoo. "Now, can you excuse us?" Lumakad nako palayo sa kanila habang hawak ang kamay ni Julia.

"Ate! Bakit ka nag-english? Nasa unang panahon nga tayo," gigil na sabi nya.

"Aww... so cute!" Sabi ko na lang sa kanya.

"Oh, Clarita, Julia, nandyan lang pala kayo! Kanina ko pa kayo hinahanap," sabi ng isang babae na matapang ang itsura.

"Bakit?" Sabay naming tanong ni Julia.

"Anong bakit? Kanina pa tayo hinahanap ni tatay," sabi nya saka hinila kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dalagang AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon