Chapter two: The Meet up

41 0 0
                                    

Sky's Pov

It's already 7 a.m. Mag-aayos lang ako and then going downstairs tas kakain .

A few hours later

"Aalis na po kami" we kissed mom , aalis na din si mom papasok narin sya sa work, hindi sila sabay ni dad kasi mas maaga si dad.

License Doctor si mommy before, pero nang maka-ipon , nag stop na siya at naging business woman na siya. Si dad naman ang tagapagmana nung company nila, he is now the CEO of that company kasi siya lang yung nag-iisang anak nina Mamita , pero ayaw ni mommy na dun mag trabaho kahit na inooffer na ni dad. Mas maganda daw yung nasa different companies sila , ewan ko ba.

Palagi silang busy, pero pag family time ,nandiyan naman sila like kapag sabay mag didinner, celebrating birthdays ganon pero hindi na nila kami naalagaan, lumaki sina kuya sa mga yaya namin na tinuring na rin nila(namin) tunay na magulang.

"Paps Henry, baka pwedeng ako nalang mag-drive, may lisensya naman ako eh, sige na paps"  Kuya Rain

huwag kang papayag paps, magyayabang lang yan eh

Ginagamit kasi namin yung kotse ni dad medyo high quality din kasi , feeling ko pagyayabang niya lang to na kanya , feeler.

"Hindi pwede" sumimangot lang siya.

Wala pang kalahating oras narating nanamin yung school. Maganda naman siya . Nice ang color ng school. Baby blue.

May basketball court , may pool area, may gym, May music room at marami pang iba. Yun yung nakalagay sa tarpulin nila, na nasa gate ka palang , matatanaw mo na.

"All Boys Academy"

Grabe ang unique naman nang name ng school (sarcasm tone) . Tinitignan ko si kuya, he looks bothered haha "tinitingin mo? punta ka dun pasa mo ito antayin kanalang namin dito"

At naging bossy na nga siya. Ipinasa ko sa office yung mga papers namin looks like naghahanap kami ng jobs . Pabalik na ko ng may nakabangga sakin at dahilan para mahulog ang cellphone ko.

"Watch your steps" a cold voice coming from this guy.

May naaalala ako sa boses niya

Pero di ko na siya pinansin , kinuha ko na kagad yung cellphone ko, may basag ng konti , magagamit pa naman . Pag tayo ko, nakita ko yung mukha niya, makapal kilay, ang tangos ng ilong -- Wait? bat ko siya dinidescribe ?

Nagkatitigan kami

Tumuloy na ko kung nasaan sina kuya baka hinahanap nako nun pero bago pako tuluyan lumayo, may narinig akong nagsalita "sorry"
siguro napansin niyang may basag yung phone ko. Liningon ko siya and then I smiled.

"Bat ang tagal mo naman? magpapasa ka lang naman?" bungad sakin ni kuya. Bat hindi kaya ikaw nalang ang nagpasa?

"Then dapat ikaw na ang nagpunta" sagot ko .

"Tama na yan, nagtatalo pa kayo , anong sabi  Sky?" Paps Henry

"Balik nalang daw Paps pag magbabayad na for enrollment, we should go na po"

Bumalik na kami sa bahay.

"Ang bilis niyo naman" si Heavenly nag-swiswimming eh tirik na tirik yung araw, ayos lang kaya tong batang to?

"Ang itim mo na" nagulat ako nang biglang nagsalita si Kuya Rain. Di ko mapigilang matawa lalo na sa reaction ni Heavenly haha lol.

"Hate you!" syempre nagwala nanaman ang aking kapatid haha.

Paakyat nako ng maalala ko yung guy na nakabangga sakin, bat ko ba siya dinescribe non? totoo kayang kaya hindi pa ako nagkaka-girlfriend kasi--ah hindi no. Etong mukhang to? Ampogi ko para maging ganun pero pogi rin naman --no , hindi.

Lalaki ka, Sky, hindi ka manlalalaki!

"Are you talking to yourself?"

"Ah jusko po mahabagin! Bat ka ba nambibigla?" Halos malaglag nako sa hagdanan nang may narinig akong boses sa kaliwang bahagi ng tenga ko . Mapapatay ko na tong kuya ko

"You're such a funny guy, last time sinabi mo hindi ka bakla? tas ngayon na coconfused kana ? hahaha , gay"

Ano to? kanina pa siya nandito? Tas ngayon lang ako kinausap? Eh di sana kung kanina pa , nagising nako sa kahibangan ko!

"Hindi ako bakla , gusto mo suntukin kita?"

"Puro amba , di gawin"

ah ganon, anong amba lang

*pushhh*

"Kuyaaaaa!!!" sabi ko suntok gagawin ko eh bat ko siya tinulak?!! ahhh kuyaaaa!

Dali-dali akong bumaba para icheck si kuya, buti nalang talaga nakaka dalawang hakbang palang kami "Kuya, sorry" instead na magalit siya sakin , inasar pa talaga ako "Bakla ka talaga" tinulak ko siya tas inalisan.

Lagi nalang kaming ganto, nagtatalo , pero siguro hindi makokompleto yung araw ko kapag di kami nag-aaway. Nag start lang naman ito nung around 10 years old ako, masaya naman ako, nasa puder ako nina na Mamita non, hiniram nila kasi ako , baby palang ako. Gusto kasi nila na may inaalagaan silang bata, tas nung nag buntis si mommy sakin, they decided na doon na ko patirahin.

Alam ko naman na may mga kapatid ako, Si Rain tas si Heavenly.  Masaya nako kina Mamita , nang binawi na ako, hindi narin kasi nila kaya mag-alaga, enough na daw yung 10 years kasi napasaya ko sila.

Medyo nakakailang noong tumira na ko sa totoo kong bahay. Andoon yung pamilya ko, nakikita ko rin naman sila ng madalas pero hindi ako sanay na makakasama ko sila.

Months past,  feeling ko halos lahat ng atensyon ng mga magulang namin na sa akin .Siguro nga kasi ngayon lang nila ako nakasama ng matagal at ayun na yung naging reason why kuya hates me. Kasi siguro before , siya lang yung anak na lalaki sa bahay, tapos medyo hindi na siya napapansin noong dumating ako pero syempre bata pa ako , hindi ko man lang marealize yun.

Dinner time , magkatabi kami ni kuya non , nagulat ako ng buhusan niya ako ng tubig , hindi yun accidental, sinadya talaga. Galit na galit si daddy nun sakanya kasi bakit niya daw ginawa yun and then kuya walked out.

Now, ayun padin yung pinaka memorable na ginawa sakin ni kuya haha, kasi isipin bata pa kami nun pero ayaw niya na sakin. Narealize ko lang naman yun nung mga nagbibinata na kami, the way he treated me, parang hindi kapatid. Pero ayos lang , sanay naman na ako, ngayon pa, binata na kami.

Kita ko nanaman yung basag ng cellphone ko, hindi siya maganda . Maybe sign na to na kailangan ko nang bumili ng cellphone.  Medyo matagal na rin kasi ito. Almost 2 years na din. Pupunta nalang ako sa mall bukas .

"Sean Andersen"

"Woah" tanging nasabi ko sa nakita kong pangalan. Ang sosyal , pang mayaman. Lumabas siya sa friend suggestions ko, infairness, may dating --- no , wala.

Pero habang tinitignan ko yung picture niya, may naaalala ako , is this lu--? ah yes, yung nakabangga ko kanina. Siya pala yun? Ang galing naman , biruin mo wala akong balak hanapin pangalan niya tas biglang lumabas.

(also him earlier)

"Hahanapin ko ba pangalan nun?"

"Para naman tanga? Ano isesearch ko? Mr. Guy na nakabangga ko sa All boys sch.?"

"Oh kaya, mr. Nice Shirt? argh nababaliw nako! bat ko ba gusto makita siya uli"

"Argh! paano ko ba to nasasabi sa sarili ko! Wag na nga, baka sabihin niya crush ko pa siya"

"Bat ko ba hinahanap? Ewan ko sayo self!"

Our Second LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon