Chapter Three

21 0 0
                                    

Sean's Pov

"Ayoko pumunta" pagdadabog ko kay mama. Pinapapunta niya kasi ako sa mall ngayon para mag grocery, eh kaso nakakatamad , lalo na at tirik na tirik yung araw tas mag mo-motor lang ako.

"Sa ayaw at sa gusto mo, pupunta ka Sean, aalis kami ni ate mo Liane, mag papa manicure at pedicure kami"

Argh, mga babae nga naman talaga, inuuna pa pag papalinis ng kuko kaysa mamil.

"Yung pera ma?" syempre medyo nainis ako, pero hayaan ko nalang mahal ko naman silang dalawa eh

"Ah Sean, do me a favor din, pwede daan ka saglit sa Samsung Store , check mo kung magkano s20+ nila, baka kaya ko naman i-installment yun, thank you!"

Wow, kala mo mayaman kami

Maliligo nako nang biglang tumunog yung cellphone ko " You have a new friend suggestion"

Legit to? ngayon lang ata ako nakakita na friend suggestion tapos nag notif?

"Sky Jazhin Al-Fuente"

Aba , pang mayaman datingan ah, teka parang familiar yung apelyido niya,
"Thank you so much Mr. Al-Fuente for donating half million pesos for the fund of Brgy. Pinagpala"

Oo, tatay niya kaya yun? Pamilya niya kays yung nagbigay ng pondo para saming hindi mayaman? Wow, sana all.

Click add*

Stalk ko muna siya sag---

"Sean! Bilisan mo maligo! Aalis na kami oh"
Nako, si ate naman talaga, mamaya na nga lang kita stalk, maliligo muna ako.

~

Grabe buti konti lang tao ngayon sa mall, ayoko kasi ng masyadong crowded masasapawan yun aircon, de joke . Syempre pupunta muna ako sa samsung store tatanungin ko lang kung magkano , request naman ni ate eh kaya lang nahihiya ako magtanong, argh bahala na nga.

"SAMSUNG STORE"

"Excuse me miss, how much is this?" biglang nagsalita yung guy , hawak hawak niya yung phone na s20+ , woah ang swerte ko naman , makikinig nalang ako sakanila.

Naka white-shirt lang siya tas shorts, tas tsinelas lang, simple lang ng dating niya pero mukhang mayaman at gwa--teka? siya ba yung nakabangga ko last time? Nandito ba siya dahil sakin? dahil nabasag yung phone niya?

Lumapit ako sakanya , tas tinitigan ko maiigi yung mukha niya , ah oo siya nga!

"What are you doi-- Sean?" ha? paano niya nalaman pangalan ko ? my nalaglag ba akong identification card nung nagbanggaan  kami?

" Oh hi? Paano mo nalaman pangalan ko?"

"You added me on Facebook, actually kanina lang"

"Ah , oh , I guess so, haha lumabas ka kasi sa notif ko and then your surname got my attention, I supposed to sta-- Nice to meet you again , Sky" muntik ko na masabing iistalk ko dapat siya , buti nalang self.

"Nandito ka ba dahil nasira ko yung cellphone mo? Sorry uli" dagdag ko and then he smiled again pero now sinagot niya na ako

"Yeah but no need to apologize, sign na rin siguro yun para bumili nako ng new phone"

Mayaman nga.

"Ahm sir, tapos na po ba kayo mag-usap hehe, btw, yung price po nito ay P 55, 990.00 sir, and then may freebies rin po kami , samsung pods and then mini bluetooth speaker and also pala sir , kung bibili po kayo nito now in cash, you'll have a free wireless charger and headphone"

Daming freebies pero ang mahal,  pede kaya hingiin to sakanya after niyang bilhin tong phone? just kidding

"I'll buy it"

"Cash po sir or installment?"

"Do you think nag iinstallment ako?"

Hala ? May pagka-mayabang din to ah? alis na kaya ako tutal nalaman ko naman na kung magkano eh.

"Ah wait Sean, pakihintay nalang ako"  pagpipigil niya sakin, bakit? anong gagawin namin?

"Pero mag gro-gocery pa ako eh" palusot ko sakanya pero totoo naman, palusot ba tawag dito?

"Then I'll go with you"

Hindi nalang ako nakatanggi , bakit ganon? bigla nalang akong nanghina tas sumunod nalang sakanya? parang may mali? nangyari na ba ito dati ? o sa panaginip ko?

"Hintayin mo ako diyan Khai, sandali lang ako"

"Sige hihintayin kita dito aking mahal, bilisan mo lang ha?"

"Mahal din kita"

Ah eh, iba naman tong nasa isip ko eh! sa panaginip ko ito eh, medyo corny pa nga.

"Hey! I'm done, let's go" naalala ko nung una namin nag meet ako pa nag english non , ngayon siya na, sunod sunod pa(face palm).

"Pupunta ka bang S&R?"

ha? bakit naman ako pupunta dun?

"Hindi, bakit?" nag iisip lang ba siya nang itatanong sakin? yung totoo? okay lang kaya siya?

"Ah , kasi you said you'll go to the grocery and then kala ko sa S&R tayo pupunta"

nasa baba nalang yung supermarket, lalayo pako? ah sabagay mayaman kasi, bat diko ba naisip yun?

"hehe" hindi ko na alam wala nakong masabi, basta sinundan niya lang ako kung saan ako pupunta.

Madami akong binili, utos din naman ni mama yun eh, tapos tinulungan na din ako ni Sky magdala. Napansin ko nga na medyo hindi siya sanay mag grocery haha, para siyang baby "ko---nti nalang malapit na tayo sa pinag-park-an ko ng motor ko, akina yan , makaka-uwi kana thanks nga pala sa pagtulong tas sa milk tea" sabi ko sakanya at nag wave lang siya umalis na din. Akala ko pag mayaman ka dika na mabait haha lol buti nalang iba si Sky .

"Dito nako" tinignan ko sina ate at mama, nakatingin sila ng masama sakin, may ginawa ba kong krimen?

"Ba-bakit kayo nakatingin sakin? Sobrang pogi ko na ba?"

"Bakla ka ba Sean?! Ano itong nakita ng ate mo na nakadikit sa kwarto mo? Khai? naka calligraphy pa, pangalan ito ng lalaki diba?"

oooh, wait paano ko ba ito eexplain? bat ko  ba ginawa to! argh

"Wala yan ma, babae yan, elementary crush ko yan, eto sina mama tsaka ate tamang hinala kayo"

Magaling, magaling kang mag palusot! Effective kaya? Gagana kaya?

"Sabagay, may Khai rin naman sigurong babae, basta siguraduhin mo lang na hindi ka bakla Sean ah, ayoko ng kapatid na bakla" woah, demanding, buhay mo ito ate Liane?

Hindi naman ako bakla eh, gusto ko lang naman malaman kung sino si Khai, bakit siya laging lumalabas sa panaginip ko , silang dalawa ni Luis , bakit? bakit sa akin pa?

Our Second LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon