Introduction

3 0 0
                                    

"Carmen, kayo na ni Alfonso ang bahala sa anak ko ah...... nararamdaman ko na kasi na malapit na yung oras ko...... hanggang ngayon di ko parin matagpuan ang tatay ng anak ko at ang hirap umalis sa tuwing naiisip ko kung paano nalang yung Cristine ko" pag iyak ni mama. Di ko mapihilang tumulo yung luha ko pero pinilit kong hindi umimik dahil baka mabuko ako. Nag tulog tulogan ako habang nakikinig sa usapan nina mama at tita Carmen.
San kaya pupunta si mama? Iiwan niya rin ba ako?
Ang tagal na namin dito sa ospital namimiss ko na yung bahay.
Ang alam ko kasi may sakit si mama kaya kami nandito para maigamot sya. Kaya nga lang sobrang tagala naman. Tsaka ngayon maririnig ko pa na iiwan nya ako.

"Oo Gwen, pangako aalagaan ko si Cristine. Ituturing ko syang parang sarili kong anak" pag iyak naman ni tita Carmen

"Carmen.... itago mo yan, matagal ko na yan pinag ipunan. May sinulat akong last will dyan, basahin mo pag wala na ako...." patuloy na pag iyak ni mama

"Gwen wag ka munang magsalita ng ganyan ano ka ba, naniniwala akong gagaling ka pa" hagulogol naman ni tita Carmen

Sobrang naguguluhan na ako sa mga sinasabi nila pero hindi parin ako umimik.
Saan ba kasi pupunta ang mama ko? Mag iibang bansa rin ba sya tulad ni papa?

"Carmen, ikaw ang pinaka malapit kong kaibigan at ikaw lang ang pinag kakatiwalaan ko. Alam ko na magiging mabuti ang buhay ni Cristine sa piling mo dahil alam ko kung gaano kalaki ang puso mo at alam ko rin na mahal mo si Cristine kaya kunin mo na yan at itago"

Di ko parin maintindihan yung usapan nina mama at tita Carmen pero maya maya ay lumabas na ng kwarto si tita Carmen kaya unti unti akong bumangon at tinignan si mama.
Nakita kong dali dali nyang pinunasan ang mga luha sa mata nya.

"Mama bakit ka umiiyak?" Pagkukunwari ko.

"Hindi, napuling lang ang mama. Halika dito anak, tabihan mo muna ako" sabi ni mama sabay tapik sa kama.

Agad ko naman syang tinabihan at yumakap ako ng mahigpit sakanya. Si mama lang kasi ang meron ako. Yung papa ko lasi nag ibang bansa, yun yung sabi ni mama sakin at walang signal tsaka wifi dun kya di nya kami matawagan. Hindi ko pa nakikita yung papa ko pero okay lang naman dahil andito naman si mama.

"Anak, mahal na mahal ka ni mama" pagsasalita nya.

"mahal rin kita mama" sagot ko sabay higpit pa ng yakap ko sakanya.

"Anak naaalala mo ba yung bahay ni tita Carmen?" Pagtatanong ni mama

"Oo! Yung malaki tapos may swimming pool!" Excited kong sagot

"Diba sabi mo sakin noon na gusto mong tumira dun?" Nakangiti nyang tanong

"ayoko po. Malaki naman rin bahay natin kaso wala nga lang swimming pool" sagot ko kay mama

Tumawa ng mahina si mama tapos hinalikan nya ako sa noo.

"Doon ka muna kina tita Carmen ah, kasi namimiss ka na ni tita Carmen eh" sabi nya habang sinusuklayan nya ang buhok ko ganit ang mga daliri niya.

"Sige po. Kaso napaka suplado ng anak ni tita Carmen, lagi nya ako inaaway sa tuwing pumupunta tayo dun" nakasimangot kong sinabi.

Hindi sumagot si mama at huminga lang siya ng malalim ilang sandali rin ay nagsalita na sya.

"Matulog na tayo anak" imik nya.

Tumayo ako at pumunta doon sa sofa dahil mas gusto ko doon matulog. Tinignan ko si mama at nakita kong mahimbing na syang natutulog kaya kiniss ko nalang sya sa pisngi at agad na pumunta sa sofa. Hindi nagtagal hanggang sa nakatulog narin ako.

.....................

"Bata, gising" pag gising sakin ng isang nurse.

Tumingin ako sa paligid habang naguguluhan dahil ang daming mga nurse sa kwarto ni mama. May isang Doktor rin.

She's my girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon