Mission Possible

1 0 0
                                    

CRISTINE POV:

"Eto yung mga pinabili ni sir Alfonso, nasa loob na ng bag mo yung mga documents kung sakaling hihingin ng school mo. Tsaka ayan sa plastic na yan ang mga kailangan mo tulad ng mga ballpen o kaya naman papel o ruler kaya kuha ka lang dyan kung gagamitin mo na. Pinagluto ka rin ni nanay Leni dahil hindi ka naman bibigyan ng allowance kaya mag baon ka nalang. Ayusin mo fren ah! Tsaka pag may nakita kang gwapo dun ibigay mo number ko" pagbibiro ni Karen

"Gaga ka talaga. Excited na ako!" Nakangiti kong sinabi.

"HINDI KO KAILANGAN NG YAYA SA SCHOOL DAD! HINDI AKO BATA NA KAILANGAN BANTAYAN!" Pagsigaw ni Ken

"Nagtatalo nanaman sila" sabay buntong hininga ni Karen.

"Oo nga eh pero sana hindi magbago yung isip ni tito Alfonso no" pagaalala ko

"Hindi naman siguro, bumaba ka na baka maiwan ka pa" Karen

Sabay na kaming bumaba ni Karen at iniripan lang ako ni Ken.
Ayoko ng away pero pangarap ko to eh kaya pasensya ka na Ken.
Nagpaalam na ako kay tita Carmen at sumakay na ako sa kotse ni Ken. Syempre hindi ako umupo sa harap baka sipain nya ako palabas. Mas mabuti na yung sigurado hahahaha!

Tahimik lang si Ken habang nagd-drive havang ako naman ay ninenerbyos.

"Magkaklase ba tayo?" Pagtatanong ko

Hindi nya ako sinagot at patuloy lang sya sa pagd-drive. Manan mana ka talaga sa tatay mo HMP!

Hindi nalang ako umimik at tumingin nalang ako sa labas ng bintana. Sana may maging kaibigan ako dun. Kahit isa okay na okay na yun.

Maya maya ay nakarating na kami at nagparking na si Ken.

"Ken pwede mo ba akong samahan sa classroom ko? Hindi ko kasi alam kung sa- - -"

Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko dahil nagmadaling tumakbo si Ken palayo.
Ansama talaga ng ugali!
Huehuehue pano na to?
Tinignan ko yung ID ko at nakalagay dun ang 'Section Luna' san ba yun? Ang daming gusali dito, san ko to hahanapin? Huehuehue

Naglakad lakad ako hanggang sa nay makita akong babae na naka uniform. Siguradong nagtatrabaho yan dito.

"Excuse me po? Bago po kasi ako dito, san po ba yung section Luna?" Pagtatanong ko

"Oh so you are the transferee? I am miss Bianca, ako yung adviser ng section Luna, papunta rin ako dun kaya sumabay ka na" nakangti nyang sinabi

Ang ganda nya. Bagay syang maging studyante dito!

"I was given the instruction na excuse ka raw for 'Battle of Academies'?" Pagsasalita nya.

Battle of academies? Ano yun?

"Ano po yun?" Naguguluhan kong tanong

"1 month yung battle of Academies, doon maglalaban ang school natin at ang MountHigh Academy. Sabi kasi ng principal na kailangan nakabuntot ka kay Mr. Salazar? Alam ko kung bakit ka nagaaral dito but dont worry I'll keep it a secret" sabay ngiti nya ulit.

"Secret? Hindi naman po kailangan, hindi ko kinakahiya yun" sagot ko naman

"Tama, kasi dahil dun nakapag aral ka sa isa sa mga sikat at mahal na Academy sa buong Pilipinas. Kaya tama ka, wala kang dapat ikahiya" miss Bianca

Nakarating narin kami sa classroom at nasabi ko na ba na napakalaki ng paaralan na to? Pati yung classroom dito napakalaki! Inasahan ko na magiging maingay pagpasok namin kasi ganun yung mga nakikita ko sa pelikula. Pero hindi eh, hindi ganon ka ingay. May mga nagchichikahan na mga babae sa likod pero hindi ganon ka lakas ang mga boses nila. May mga naglalagay ng makeup, at halos silang lahat ay nagcecellphone lang.
hindi naman pala totoo yung sa mga pelikula e

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's my girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon