Kabanata 15

115 47 0
                                    

Ang Reyna Sa Silangan

Inaayos ko ang mga gamit ko sa harapan ng lamesa ng biglang dumating si Carolina sa harapan ko kasama sina Wanda at Yana kaya naman ay tumigil ako at humarap sa kanila.

Kasagsagan palang ngayon ng klase at wala pa rin ang propesor namin kaya ang iba ay nagtsitsismisan kahit na sinabi naman sa akin ni Klea na hindi mahilig sa tsismis ang mga may dugong maharlika.Speaking of Klea,hinahanap sya ngayon ng Carolinang nasa harap ko.

"Balita ngayon sa bayan na namatay na ang ina ng kaibigan mo."dagdag pa nito kaya nabaling ang lahat ng atensyon ko kay Carolina.

Nagsisinungaling na naman ang impakta.Malamang!Bukod sa binibwisit kami nito palagi ni Klea ay magaling rin itong humabi ng salita.

"Kawawa naman pala."wika pa ni Wanda sa turan ni Carolina.Inirapan ko lang ito kaya hindi makapaniwalang bumulalas si Carolina."Aba't ang nimpang ito!"akmang hihilahin nya ang aking buhok ng biglaan ang pagdating ng propesor kaya nagsibalikan sila sa kanilang upuan.

Tinaliman muna ako nila ng tingin bago tuluyang umupo,ngitian ko sila kaya mas lalo silang nainis.Napatawa nalang ako sa isip-isip dahil madali lang naman palang inisin ang mga impaktang ito.

Nasa harap namin si Propesor Atlas at sa mukha nya ay mukhang mabigat nga ang problema nito."Si Gurong Quora na muna ang magtuturo sa inyo dahil uuwi ako sa tahanan ko sa kaharian sa Silangan."agad namang lumabas sa pintuan ang ginang saka yumuko sa amin kaya yumuko rin kami bilang respeto sa kanya.

"Namatay ang reyna ng kaharian sa Silangan at bilang isa sa mga nilalang doon ay kailangan ako roon upang magbigay pugay--"

"Propesor!"putol ni Leo saka nagtaas ng kamay.Agad naman itong nilingon ng propesor at pinatayo."Hindi po ba,ina ni Klea ang reyna ng Silangan?"wika nito saka tinuro ang upuang nasa tabi ko.

Napatigil ako ng mapagtantong wala pa nga si Klea at posibleng...Nilingon ko ang banda nina Carolina na pinaypayan ang sarili at ngumiti-ngiti sa akin.Totoong ang reyna ng Silangan ay ang ina ni Klea?

Napakurap-kurap pa ako at naalala ang pagpapakilala ni Klea noong patungo kami sa Norte at sinabi nga nyang prinsesa sya sa Silangan!Naalala ko rin ang kwento ni Esmeralda sa akin na gusto nyang mawala ang namumuno sa Silangan sapagkat pinapagaling din nito ang kanyang inaatake.

Damn!

This is all messed up!

"Oo at dahil doon ay ikakansela ang pagpapakasal ng Haring Emanuel sa prinsesa ng Norte at mukhang ang prinsesa sa Silangan ang papakasalan nya."Huminto ang mundo ko sa huling tinuran ng propesor.

Nakangiti ang ilang kababaihan at naghihiyawan,malulungkot daw sila kung ikakasal ang hari ng tuluyan mabuti nalang daw at ikakansela sa ngayon.Mas may araw daw sila upang magpasikat at paibigin ang hari sa kanila.

So ganito karami ang magiging karibal ko?Okay fine,I'll avoid him.Hindi lang pala si Natalia ang pagbibigyan ko ng pansin,pati na rin pala ang lahat ng kababaihan including Klea.

Naalala ko pa yung kinwento nya on how much she fancy him.I smirked at bigla-biglang umakyat ang dugo ko.Punong-puno na ako sa kanya!

This time,totoo nato!I hate him!I fucking hate him!

"Siguro po ay mas makakabuti kong pupunta rin tayo sa kaharian ng  Silangan,hindi po ba?"suhestiyon ni Leo na agad namang sinang-ayunan ng kahat except doon kay Ginang Quora na mukhang na-aackwardan na sa sitwasyon nya ngayon.

For sure naman kaya sang-ayon ang lahat ng mga hinayupak kong kaklase kasi wala naman talaga itong interes sa pag-aaral lalo na ngayon at hindi si Propesor Atlas ang magtuturo sa amin.


The KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon