Kabanata 20

114 44 0
                                    

Sikreto

Lulan ng lumang karwahe, mahina ang ginawang pagtakbo ng medyo may katandaan ng kabayo.

Hindi ko lang talaga lubos na maisip kung ano ang napasok sa kokote ni Kulas at ipinagkatiwala nya ako sa mga mandirigmang ito.May ibinulong pa sya sa akin bago kami bumyahe na mas maganda raw kapag ang mga mandirigma ang magtuturo sa akin ng pakikipaglaban,mas marami raw akong matutunan.

Inulit nya pa ang sinabi na hindi sila mahahalina sa akin...kukutyain at iinsultuhin pa daw ako kapag nagpatanga-tanga ako.I smirked ng tumingin sa bahagi ko ang mga mandirigma na nakaupo sa unahan,tumawa ulit sila.

Nakakainis na nga sila eh!At ang iingay pa.

"Huwag kang mag-alala, ako na rin ang mag-uuwi sa inyo pagkatapos ka nilang sanayin."dinig kong wika ni Manuel na katabi ko.Medyo may distansya naman kami sa isa't-isa kaya ayos lang at isa pa mas gugustuhin kong makatabi sya kaysa sa mga pilyong mandirigmang nasa unahan na maiingay.

"Sila rin ba ang magsasanay sa akin?"tanong ko na nababahala.I can't stand it anymore kapag nalamang sila rin ang magsasanay sa akin. "Maari kang pumili kung sino ang magtuturo sayo."mataman nitong sabi at hindi na kami muling nag-imikan.

Seriously, medyo hoarse ang boses nya, gusto ko pa sanang magtsikahan dito ngunit naalala kong ayaw kong mapaglapit sa kanya.Hindi ko pa rin sya pinagkakatiwalaan bukod sa may mga pagkakapareha sya sa hari nila.

Ano ba Ellaine?Ang hari na naman ang iniisip mo?Hinilot ko ang aking sentido at medyo napapikit.

Papalubog na ang araw at tahimik ang kagubatan na aming tinatahak, hindi na ito medyo masukal kaya hindi kami nagkasagi-sagi sa mga sanga.Medyo malawak din naman ang daanan na walang tumutubong ano mang mga puno at halamanan kaya bukod sa mahinang pagpatakbo ng kabayo ay wala ng ibang dahilan kung bakit mabagal ang aming pag-usad.

Lumipas ang ilang minuto at dumilim na nga, mabuti nalanh at may lampara sa unahan kaya makikita pa rin namin ang tinatakbuhan ng kabayo kahit medyo madilim.

Tumigil ang pag-andar ng karwahe at nabuwal ako sa kinauupuan, mabuti nalang at agad akong nasalo ni Manuel.

Nagtama ang tingin namin ilang segundo ngunit agad ko itong bumawi at nagpaumanhin na dito."May malaking bato sa harap!"sigaw ng bugnuting mandirigma, agad namang lumabas si Manuel at umikot sa harapan.

Kinuha nya ang malaking batong iyon na parang sisiw lang ito kong kargahin."Uhmm.. Malapit na ba tayo? "

"Malapit na."sagot sa akin ni Manuel na nakaikot na pala at muling umupo sa kinauupuan nya kanina, katabi ko.

Medyo dumistansya ako sa kanya dahil narandaman ko ang bahagyang pagkawala ng space sa pagitan namin, medyo dumikit sya ah!"Sige, uno! Pronto! "sigaw ulit ng bugnuting mandirigma at nagsimula muli sa pag-usad ang karwaheng sinasakyan.

Kitang-kita ko sa malayo ang malaking apoy na sa tingin ko ay nangangahulugang doon na ang kanilang tribu, ngunit lumiko ang aming sinasakyan kaya medyo kinabahan ako. Hindi pa pala yun? O baka naman?

Agad akong nagkandarapa sa pagkatakot ngunit agad itong nawala ng mapansin kong nagbago na ang aming tinatahak, hindi na ito kagubatan bagkus ay isang malawak na disyerto...

"Oy! Amigo! "dinig kong kamustahan nila sa mga lalaking nakaupo sa malaking lamesa doon,kahit na dumaan lang naman kami doon.

Diretso pa rin ang usad namin nang liningon ko ang grupo ng mga kalalakihan na nakaupo sa malaking mesa na medyo malayo na sa amin."Sila ang mga babaryan na gumagawa ng armas,kanina ngang umaga ay nagpadala na sila sa Cualgo ng kanilang gawa."

The KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon