Chapter 1

4 0 0
                                    

“ Anak , gising na. May naghahanap sayo sa labas…parang boyfriend mo ATA…” sabi ni mama habang binubuksan ang bintana sa kwarto ko.

“Ang aga-aga pa ma, sarap pang matulog.’’ Paliwanag ko habang sinisqueeze ang kumot. Ang lambot kasi e, sarap yakapin.

“Bahala ka! Si Bryle ata ang naghahanap…” Nagulat ako sa sinabi ni mama. Yung boyfriend ko kasi nandito. Yan tuloy, napatalon ako sa kama.

“ Ma, bat ngayon mo lang sinabi.?”

“Anong hindi ko sinabi? Ang bingi mo…” Saklap naman sa sinabi ni mama. Fine, ang bingi ko na.

“Ma sabihin mo muna sa kanya na maliligo muna ako. Susunod lang ako sayo ma. Thanks!” Pemunta agad ako sa banyo, naligo at nagbihis pagkatapos. Lumabas na ako sa kwarto at pumunta sa sala.

“ Hi baby, morning” Bati ko kay Bryle at nag smack kiss sa pisngi. Ngumiti lang siya.

“ Ang aga mo naman. May pupuntahan ba tayo ngayon?” tanong ko.

“Gusto ko lang. Miss ko na kasi ang baby ko.” Charr! Ang aga mo naman magbiro! Pero okay lang. Kinuha  niya yung kamay ko at hinawakan ito.

“Miss agad? Kahapon lng nga tayo nagkita e.”  I added. Hindi siya sumagot.  Natulala lang siya bigla.

‘May problema ba?” tanong ko ulit. Humarap sya bigla sa akinant niyakap ako. Ay sus, sweet naman.

“I love you , Denise…Mahal na mahal kita.” Bulong niya sa akin. I’m flatter!

“I love you too, Bryle.” Hinigpitan niya ang pagyakap sa akin. I can’t breathe!

“Bryle…” Hush, bumitaw siya sa akin. Salamat naman at makahinga na ako.

“May problema ba? Okay ka lang ba?” tanong ko naman ulit.

“ Gusto mo bang pumunta sa Quezon?” Ayun, iniba niya ang usapan. Feel ko, may problema tong si Bryle, natatakot lang sabihin sa akin.
“Sige, ngayon na?” Kinalimutan ko na lang yung tanong ko kanina.
”Hmmm…OO. Kung okay lang.”

“SIge. Pupuntahan ko muna si Mama. Magpapaalam lang ako.” Tumalikod na ako sa kanya at pumunta sa kusina. Nakita ko si mama nagluluto.

“Ma aalis po ako. Pupunta po kami sa Quezon.” Paalam ko sa kanya.

“May pupuntahan tayo ngayon,”

“San po Ma?” At humarap siya sa akin.

“Nakalimutan mo ba?”

“Yung alin po?”

“Ngayon yung check-up mo. At pagkatapos nito, pupunta na tayo sa clinic.” Ay, may check-up pala ako ngayon. Muntik na…..!

“Ahmm, sige ma. Sasabihin ko na lang na hindi ako makakaalis ngayon.” Nag grin lang si mama. Tumalikod na ako sa kanya at bumalik sa sala.

“Ahmm, Bryle. Hndi kasi ako pwde ngayon e. May pupuntahan kasi kami ni mama …”

“Okay lng. Mamayang hapon , okay lang ba?”

“Oo namam. Ako na lang yung pupunta dun. Huwag mo na lang akong hintayin dito sa bahay.” Ngumiti lng siya at tumayo. Tumayo na lang din ako. Awkward kasi pag ikaw lng nakaupo.

“Alis na ako.” AHH, kaya tumayo siya.

“ Aalis ka na? Kain muna tayo dito. Malapit naman din yung maluto…”

“Busog pa kasi ako, baby e. Kita lang tayo mamayang hapon. “  Nag nod lang ako sa kanya.

“ Take care of yourself. Mag ingat ka.” He added at nilapitan ako.

“ Hali ka nga dito….” Oh, hes inviting me to hug him. At ayun nga, niyakap niya ulit ako. Trolols, namumula na ako.

“Ingat ka din.” Sabi ko. Hinalikan niya ako sa pisngi. Smack kiss! YAY, pulang pula na ako.

“ Kinikilig kaba?” tanong niya sa akin. Hindi ba halata?

“ Hindi no! Sige alis ka na. Bye!” Haha. Pinapaalis ko siya. Mahirap na kasi kapag ganun. He won’t stop teasing me until maiiyak na ako. Yan si Bryle.

“HAha. Kinikilig siya!”  sigaw niya habang papunta sa pintuan. Hindi ko na lang siya pinansin. Pumunta na lang ako kay mama sa kusina.

“ O nak, nasan si Bryle?”

“ Umalis na ma.” 

“ Sige, upo kana. Kakain na tayo.” Umupo na lang din ako. Gutom na kasi e. 

The Heartbroken Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon