Pagkatapos naming kumain, naglinis na ako sa mga pinggan habang si mama naman naligo na. Yun nga pupunta kami sa clinic, schedule kasi ng check up ko ngayon. Nang matapos, tinawagan ko yung bestfriend ko si Novah. Gusto ko kasi siyang isama sa lakad namin ni mama, natatakot kasi ako e. Kaya dali dali kung denial ang number niya.
ME: May lakad ka ba ngayon?
Her: Wala naman, bakit? May pupuntahan ka ba ?
ME: Ahh, oo. Pupunta kami ni mama ngayon sa clinic.
Her: check up mo? Sige samahan na kita. Wait me there, 5 minutes adyan na ako.
Me: Okay.
At hinung up ko na ang call. Buti na lang may bestfriend ako na katulad niya… Yung bagang mabait, maalagain at mapagmahal. Swerte ako dahil naging kaibigan ko siya. Awee, I love you Novah. LAUGH OUT LOUD! Back to reality, pumunta na ako sa kuwarto ko upang makapagbihis na matino na damit. Ilan minuto din,lumabas na ako sa kuwarto, dumiretso sa sala at umupo habang hinihintay si mama at si Novah.
Dingdong! Dingdong!
“ Ay, baka si Novah na yan. “bulong ko sa utak ko. At agad kongpinuntahan ang pintuan. Pagukas ko sa pinto……
*bogsh!*
“Haha! Gulat ka noh?|” Sira talaga tong si Novah. Aatakihin na siguro ako dito kung hindi ko binabaan ang temper ko.
“Sira ka ba? Ginulat mo ako!”
“Anong problema dun? Diba gusto mo naman yung mga surprise, surprise.?”
“ Yun nga, surprise ba yung ginawa mo? Pag namatay ako, ikaw yung isusunod ko.”
“ Eto naman, kay ganda ng umaga… galit na agad! Sorry na! “ Ayan siya, mabait! Yan yung gusto ko sa kanya!
“ Sige na nga. Pasok ka na!” Nginitian niya ako. Pumasok naman siya at umupo.
“ Alex san si Tita?” tanong niya sa akin. Sakto, pababa na si Mama.
“Ayan nap ala siya e. Tara na!” sabi ko naman at tumayo sa inuupuan ko. Pero bago kami umalis, nagtanong muna si mama kay Novah kung kanina pa ba siya.
“Ah, hindi namn po. Mga 5 minutes ago po.” HAHAH. May nalalaman patong ago ago ang babae na to. HAHAH. Tumawa namn si mama.
“Tara na at baka malat pa tayo.” Nag dali dali akong umalis kasi ng may lakad pa ako mamayag hapon. Mag dedate pa kami ng Baby ko.
Sumunod naman sila sa akin. At buti, may taxi kaagad. Sumakay agad kami, e pano nagmamadali kasi ako. Ng nasa may Roxas St. na kami, parang hindi na ako kompotable. Para bang hindi ako makahinga. Para bang nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko. Binuksan ko ka agad ang bintana ng taxi par makalanghap ako ng hangin kaso hndi parin e. Kaya kinuha ko ang kamay ni Novah. Nagulat siya bigla sa paghawak ko sa kanya.
“ Oyyy, Alex, ano? May masakit ba? May problema ba? “ bulong niya sa akin. OO hindi ba halata?
“ Hindi ako makahinga?” Putol putol na pagkasabi ko. Talaga namn hindi na ako makahinga.
“ Tita, si Alex po. Hindi daw siya makahinga.” Dali dali niyang sinabi kay Mama. Si mama naman, agad niyang hinaplos ang dibdib ko. Namumutla na siguro ako…
“Manong, pakibilisan niyo po.” Sigaw ni Novah sa driver ng taxi. Si mama parin, hinahaplos ang dibdib ko.
“ Ma.....hindi…….ko na …….ho kaya. Masakit…na ho siya …ma.” Hinang hinga ako. At bigla akong nahimatay. Ewan ko na kung ano na ang nagyari sa akin. Hindi ko na alam ang lahat.
Pagkagising ko, unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. At nakita ko lang, nasa isang kuwarto ako, may sagabal sa kamay ko at yun palay dextrose. Dikaya nasa ER ako? Nasan sina mama? At bakit ako nandito?