Chapter 34

124 29 36
                                    

Lora's POV

"Yaya Yina, huwag mong kalimutan i-prito ang minarinate kong karne ng manok," paalala ko kay yaya Yina. Siya kasi ang nakatoka sa kusina.

"Sige po ma'am Lora," sagot nito habang hinahalo ang mga sangkap sa nilulutong pakbet.

"Ma'am Lora, lulutuin na po ba natin ngayon ang beef hinalang o mamaya na lang sa tanghali?" tanong ni manang Esther.

"Mamaya na lang manang," sagot ko dito.

Nakalabas na kasi ito sa ospital 2 weeks na ang nakakaraan. Hindi lang namin ito hinayaan munang magtrabaho kaya umuwi muna ito sa kanyang pamilya sa probinsya nito. Kagabi lang ito nakabalik dito sa bahay.

"Okay po ma'am Lora."

Beef hinalang ang isa sa mga paboritong pagkain ng mag-aama ko. Best recipe ito ng aking lola na pinamana sa akin. Bago man ito mamatay, tinuruan niya ako kung paano lutuin ito.

"Ihanda mo na lang ang lamesa manang, mayamaya bababa na ang mga 'yon," utos ko kay manang Esther.

Kailangan maging maganda ang almusal naming lahat. Dapat maraming pagkain ang nakahanda dahil marami ang kakain. Sabi nila, kapag maraming pagkain sa lamesa ibig sabihin maraming pagpapala ang darating.

Isa pa, nandito si Horace - ang asawa ng anak ko. Naaawa nga ako kay Seonaid dahil hindi naman madali ang pinagdadaanan nito. Mahirap ang sitwasyon niya ngayon, masakit na makalimutan ka ng taong mahal mo kaya hanga ako sa tapang ng anak ko dahil nakikita ko sa kanya ang tiwala at pag-asa na gagaling si Horace.

Sana nga gumaling at bumalik na sa dati si Horace para maging maligaya muli ang anak ko.

Nalaman namin ni Daniel kahapon na isinama ni Seonaid si Horace pauwi sa bahay. Tumawag kasi si Shannon sa amin na sa bahay tutuloy si Horace. Hindi naman kami ni Daniel tumanggi, mas gusto ko nga ito para makasama ko pa rin si Seonaid. Nasa syudad kasi ang mansion na tinirhan nina Seonaid at Horace simula nang bumukod sila bilang mag-asawa.

"Good morning po ma'am," bati sa akin ng binata.

Ngumiti ako dito. "Oh, gising ka na pala," sabi ko.

"Mabuti pa mag-almusal ka na iho," dagdag ko.

Ngumiti ito sa akin. "Hindi na po ma'am Lora, uuwi po muna kasi ako. May kukunin lang po kasi akong mga gamit ko," sabi nito.

"Sigurado ka ba?"

"Opo ma'am."

"Huwag mo na nga akong i-ma'am iho. Tita Lora na lang."

Ngumiti ito sa akin. "Sige po tita Lora."

"Nga pala ano pala ang pangalan mo ulit? Pasensya na huh? Tumatanda na kasi," sabi ko.

"Markus po ang pangalan ko tita Lora," mabilis nitong sabi. Ngumiti ito sa akin.

Ngumiti na rin ako dito. Nagpaalam muna ulit ito sa akin bago tuluyang umalis. Siya kasi ang private nurse ni Horace na ni-recommend ni dok Merioles.

Mabuti pa gisingin ko na sina Seonaid at Horace pati na rin ang asawa ko para makakain na kami habang mainit pa ang mga pagkaing pinahanda ko.

Itutuloy...

Wait For Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon