“Sino kaya ang mananalo sa Mobile Legends Tournament? Voltz o SSP?”, lahat ng mga nanonood ay sinisigaw kung sino ang bet nila. Karamihan sa kanila ay Team SSP, ang aking team.
“At yun naka Maniac si Real Sapphire. Isang player na lang wiped out na ang Team Voltz”, Naghihiyawan ang mga tao sa Auditorium dahil sa Maniac ko. Nag-push na ang mga kakampi ko at ako naman hinabol ko pa ang isang kalaban para hindi na siya makapag-def sa base nila.
Sobrang likot niya pero nagawa ko paring pinatay ito.
“Wiped out ang Team Voltz at tapos na ang laban. Nanalo ang Team SSP. I’m so impressed, ngayon lang ako nakakita ng babaeng nanalo at sumali sa isang ML Tournament. Nagawa pang talunin ang pinakamalakas na ML Team. Congratulations Team SSP, pumunta na kayo ngayon dito sa stage at kunin ang Trophy at 20,000 pesos ninyo”, bago kami pumunta sa stage ay nakipag-shake hands muna kami sa mga kalaban namin.
“Congrats po, ang lakas mo naman”, nakangiting sabi ng isang team sa Viper.
“Thank you po”, ngiti ko pabalik sa kanya.
“By the way, I’m Lexy”, pagpapakilala niya.
“I’m Chelsea”, pakilala ko rin. “I’ll talk to you soon, Lexy”
“Okay, nice meeting you Chelsea. Nice game”, nginitian ko lang siya at pumunta na ako sa stage kasama ang mga tropa ko.
“Team SSP everybody,Let’s give them a round of applause. Congratulations for winning the Tournament”, sabi ng Announcer sabay bigay sa amin ang Trophy at ang 20,000 pesos. Kinuhanan kami ng picture at nagtanong ang announcer sa akin.
“What’s your name hija?”, tanong niya sabay abot sa akin ang isang mic.
“Chelsea Lyn Salvador”, pagpapakilala ko.
“What a beautiful name. By the way, first time mo bang sumali sa ML tournament?”, tumahimik lahat at hinihintay ang sagot ko.
“Second time ko po ito, kadalasan kasi nakiki 5v5 lang kami sa skuwelahan ng mga barkada ko”, ngiti kong sagot.
“Napabilib mo kaming lahat dahil ikaw lang ang kauna-unang babaeng sumali sa ML tournament na nakita namin at isa pa ay tinalo mo ang isang pinakamalakas sa lugar natin. Diba mga lods?”, naghiyawan na naman ang mga tao dito sa auditorium.
“Keep it up, Chelsea. Again congratulations Team SSP”, nag-thank you kaming lahat ng mga barkada ko at doon na nagtatapos ang mga tanong ng announcer pagkatapos ay marami ng lumapit sa amin at nakipag-picture.
Umuwi na kami sa Mansion naming mga mag-babarkada, paminsan-minsan lang kami umuuwi sa kanya-kanya naming bahay. Okay lang naman sa mga magulang namin na dito na kami pero huwag daw naming kalimutang dalawin sila.
At oo nga pala, ako lang ang babae dito sa Mansion. Wala akong kasamang ibang babae, alam naman ng mga magulang ko ito and they trust my friends. May isang araw kasi na niligtas nila ako sa kapahamakan and my parents owed them a lot.
We have our own mansion at this age of 18 years old, nag-ipon kami kasi noon pa.
“Yes, panalo na naman tayo!”, masayang sabi ni Chase.
Tumalon ang mga ibang barkada ko at yung iba naman ay paulit-ulit na kinakanta ang lyrics na ‘We are the champion’. I just shake my head and just smiled while watching them.
YOU ARE READING
The player meets the gamer
FanfictionThe player meets the gamer Isang babaeng pinag-iidolo ng mga lalaki dahil sa skills niya sa paglalaro ng Mobile legends na si Chelsea Lyn Salvador ay sobrang gusto niya si Elijah Smith, isang dakilang playboy sa kanilang University. Noong hindi pa p...