CHAPTER 3
Chelsea’s Point of view
Hindi talaga ako makapaniwala dahil nanalo na naman kami sa tournament, gusto ko na ring umiyak eh pero imbes na umiyak ay tumalon ako sa saya. ₱20,000 na naman kasi ang nanalunan namin at kasama na ang isang trophy.
“Congrats sa inyong lahat na magkakampi”
“Congrats po sa inyo, ang gagaling niyo”
“Congratulations for all of you, nice game”
Pagbabati ng mga ibang nanonood at mga ibang players sa loob ng Stadium pagkatapos ang awarding namin. Nagpasalamat naman kaming lahat ng mga kasama ko sa lahat ng mga bumabati sa amin at binati rin namin silang lahat dahil magagaling din sila.
May dalawang lalaki ang sumalubong sa amin habang nakikipagkaibigan kami sa ibang players. Mukhang sila ay isang judge na nanonood kanina sa amin.
“Team SSP, right?”, tanong niya. Tumango naman kaming lahat.
“Opo”, sagot ng ibang mga kasama ko.
“Congratulations sa inyong lahat”, ngiting pagbabati niya. Pinasalamatan naman namin siya habang naka ngiti.
“By the way, My name is Lee and this is my friend Gio… Nakita namin talagang magaling ang iyong team sa lahat tulad ng pagla-line up niyo, sa rotation niyo, sa pag-ambush at iba pa. Isa kami sa tumitingin sa mga malalakas na player sa iba’t ibang lugar dito sa Luzon. Hindi ko na pahabain ang sasabihin ko, ang gusto ko lang na sabihin ay prino-promote ko ang iyong team. Next month ay pupunta tayo sa Vigan sa Ilocos Norte, may ML tournament doon at 2 days tayo doon. Kami na bahala ang gastos niyo sa pakikipag-tournament at ang pamamasyal niyo doon”, nagulat naman kami sa sinabi ni Mr. Lee.
“Sir, totoo po ba yang sinasabi niyo? Okay lang po na maki-tournament kami doon kaso kami na ang babayad ng mga gagastusin namin. Nakakahiya po”, sabi ko. Tumango naman ang mga kasama ko.
“Okay lang yan, sagot na namin at tsaka huwag kayong mahiya. Matalo man kayo o hindi basta may experience kayo sa ibang lugar na tournaments at kami rin ang babayad”, ngiting sabi ni Mr. Gio.
Putek, nakakahiya talaga parang panaginip lang lahat ng ito. Hindi sa ayaw namin pero nakakahiya talaga, may kanya-kanya naman kaming pera. Ang inisip na lang namin ng mga kasama ko ay galingan ang pakikipaglaban sa tournament sa Vigan.
Again, marami na namang nagcongratulate sa akin sa laban namin noong sabado pagkapasok ko sa school. Meron naman ding mga babae na ayaw sa akin dahil daw maraming nagkakagulo sa akin na lalaki. Wala na akong pakialam, kasalanan ko ba kung iniidolo nila ako?
“Sikat ka na pala kagaya ko, Lyn”, may pagkaasar na tawa ang sabi ni Elijah.
“At least hindi manloloko kagaya mo and stop calling me Lyn”, walang gana kong sabi sa kanya habang nakatalikod parin. Nagsusulat kasi ako.
“Naks naman haha pero congrats, sungit”, bati niya sa akin.
“Tsk, thanks”, pasasalamat ko habang nililigpit ko na ang aking notebook pagkatapos kong inilagay ito sa bag ko ay papaharap na sana ulit ako ng sakto naman na nahagip ang mga mata ko na nakatingin sa akin si Hanz, ang aking ex-boyfriend. Nagtitigan kami for about 5 seconds at ako na ang umiwas ng tingin na para bang naiirita ako sa kanya.
“Ayiiehh, gusto niya si Hanz”, biro sa akin ni Elijah. Anong gusto? Ikaw ang gusto ko, tanga.
“I don’t like him… I hate him”, irita kong sabi.
“Sus, deny pa. Eh ano yung titig niyong dalawa kanina? Akala mo hindi ko yun nakita kanina?”, sabi niya sa akin na nakikilig. Masusuntok ko na naman talaga itong lalaking ito.
Huminga na lang ako ng malalim at hindi na ako nagsalita.
“Pre, tigilan mo na nga ang pangungulit kay Chelsea at isa pa hindi mo ba alam na Ex-boyfriend niya si Hanz?”, tumahimik bigla si Elijah sa sinabi ng kanyang kaibigan na si Rafael.
“Lyn, sorry hindi ko alam na ex-boy---", I interrupted him.
“Okay lang”, mabilis kong paga-accept sa kanyang apology. Hindi mo kasi alam na ex ko siya kasi busy ka sa paglalaro ng feelings ng mga babae. Aakmang magsasalita na naman sana siya nang pumasok na ang aming guro.
Nagdi-discuss siya about sa PE namin. Dadala daw kami ng extrang damit naming dahil maglalaro daw kami ng may putik, iyan lang ang sinabi niya dahil surprise PE daw iyon at ayaw niyang sabihin kung ano ang gagawin naming sa activity namin. Nakatingin lang ako sa bintana habang nakikinig sa mga sinasabi ng guro. Dami pang alam na surprise, wala namang nakakasurprise sa mga PE Activities namin.
“By pair ito… Now go and choose your partner. Pagkatapos ninyong makapili ng partner ay tatawagin ko ang mga boys isa isa kung sino ang napili nilang partner”, nagsitayuan na lahat ng mga kaklase ko except me. Hihintayin ko na lang kung sino ang lalapit sa akin.
“Sungit partner tayo / Chelsea partner tayo”, tinignan ko ang dalawang nagsabay na nagsalita. Laking gulat ko nang makita ko kung sino ang isang nagsalita. Si Hanz.
“Ako ang nauna”, inis na sabi ni Elijah.
“Hindi ako”, sabi naman nitong Hanz.
“Elijah, I will be your partner. Hanz go to Pauline”, simpleng sabi ko sa kanila. Napabuntong hininga na lang siya at sinunod ang aking utos. Habang papaalis siya ay nakikita kong malungkot ang kanyang mga mata.What’s wrong with him? Hindi ba sila okay ni Pauline?
YOU ARE READING
The player meets the gamer
FanfictionThe player meets the gamer Isang babaeng pinag-iidolo ng mga lalaki dahil sa skills niya sa paglalaro ng Mobile legends na si Chelsea Lyn Salvador ay sobrang gusto niya si Elijah Smith, isang dakilang playboy sa kanilang University. Noong hindi pa p...