Chapter 2

10 1 0
                                    

CHAPTER 2


Chelsea’s Point of view


Pumasok ako ng maaga sa paaralan para makapag-umpisa ng maglinis sa sinabing laboratory room. Maraming kalat at sobrang alikabok sa laboratory dahil hindi na ito ginagamit.


Nilagay ko muna ang mga iba’t ibang gamit para sa experiments sa ibaba at pinunasan ang mga lamesa pagkatapos kong pinunasan ang mga lamesa ay tinignan ko ang oras sa phone ko. Mga 15 minutes na ako ditto pero hindi pa dumadating si Elijah, parating late nga naman.



I put my phone on my pocket and clean again. Makalipas ng 5 minuto ay dumating na si Elijah.



“What’s up, Lyn?”, tinignan ko siya ng masama. May gana pa siyang mangulit? Takteng lalaki to.


“May pa-what’s up what’s up ka pa diyan, tumulong ka na nga. Bihira late ka na nga”, inis kong sabi at naglinis na ulit.



“Ang sungit mo talaga”, sabi niya sabay tawa at tumulong na siya sa paglilinis. Hindi ko na lang siya pinansin baka mag-away na naman kasi kami.



Tahimik lang kaming naglilinis ng tumunog ang aking phone, sign na may tumatawag. Sinagot ko na kaagad ito at inilapit sa tenga.



“O, bakit ka napatawag?”, tanong ko kay Chase sa kabilang linya.


“May tournament tayo sa Sabado. After lunch pupunta na tayo sa Stadium malapit sa St. Juan para makapagregister ng maaga”, paalala niya sa akin.


“Sige, 2 days pa before that tournament. Bakit mo sinabi sa tawag? Pwede naman sa Mansion natin ah?”, taka ko.


“Wala lang, trip ko lang at wala kasing makausap. Haha”, tumawa siya.



“Takte ka, eh asan sila Kevin? Sila kausapin mo”, walang gana kong sabi sa kanya.


“Busy sila sa studies daw nila, himala eh”, tumawa kaming dalawa.



“Tangeks ka talaga, nag-aaral naman talaga silang mabuti. Ikaw lang talaga kasi ang tinatamad”, paalala ko sa kanya.


“Ay oo nga pala noh?”, I just rolled my eyes even though he can’t see it.


“Mag-aral ka na nga, busy ako. Goodbye!”, sabi ko sa kanya at hindi ko na pinakinggan ang huling sinabi niya at pinatay ko na. Naglinis ulit ako.



“Kamusta na pala sila Kevin?”, biglang tanong ni Elijah.



“Okay lang sila”, sabi ko habang kinukuha ko ang mga experimenting bottles.



“Ah, by the way nakiki-tournament ka pala sa mga ML? Nanood ako last tournament sa Auditorium haha nagulat ako na kayo ang nanalo… Ang galing mo”, ngumiti ako. Nanonood pala siya sa mga Tournament.


“Thanks”, pagpapasalamat ko.



“You’re welcome, o siya tapusin na natin ito”, I nodded in response at naglinis na naman.



Mga ilang oras na ang nakalipas ng matapos na naming maglinis at magligpit ng mga gamit sa laboratory room. Nagulat naman ako ng yayain ako ni Elijah na sumabay na sa kanya na kumain sa Cafeteria. Sinabi kong huwag na pero kapag sinasabi kong huwag na lang ay kinukulit niya akong parang bata dahil sa inis ko um-oo na lang ako para hindi na siya mangungulit. Kahit gusto ko siya ay naiinis parin ako sa kanya.


Kumuha na kami ng pagkain naming at umupo na sa isang table malapit sa exit ng cafeteria. Maraming nagbubulungan nung kasama ko siya. Daming nagtatanong kung kami na at ang iba ay nai-insecure sa akin.


Wala akong pakialam sa mga sinasabi nila kasi napilitan lang naman akong sumama sa playboy na ito at wala namang mawawala sayo kapag tinawagan kang insecure kasi naiingit lang sila sa iyo dahil wala silang bagay na nasa iyo.


Nagpasalamat ako kay Elijah dahil siya ang nagbayad ng kakainin ko, umaayaw ako at sinabi kong kanya-kanyang pera na lang pero siya na daw kaya bahala na siya.



“Pupunta ka ba sa Vic Hall mamaya?”, tanong ni Elijah. Uminom ako saglit at sinagot ang kanyang tanong.


“No, pupunta ako mamaya sa classroom magi-ML ako”, sabi ko sabay kain sa humburger ko.


“All by yourself?”, tumango ako sa tanong niya at tinignan siya.



“Of course, Kailan mo pa nakitang may kasama ako? I’m always alone”, sambit ko at kumagat na naman sa humburger ko.



“Bakit ayaw mong makipagkaibigan sa mga kaklase nating mga babae?”, tanong niya sabay inom sa kanyang coke.


“Nah, I just don’t want to have girl-friends. I just hate having friends especially girls”, sagot ko at kinain ko na ang last piece ng humburger at uminom.


“Ang mga kaibigan ko lang ay sila Chase at yung tatlo pa. Alam mo naman sila diba? Puro lalaki mga kaibigan ko”, sabi ko sa kanya. Opx! I went too far, kinuha ko na bag ko at magpapaalam na sana ako sa kanya ng inunahan niya akong magsalita.



“Can I come with you? Sasamahan na kita sa classroom natin”, ang sweet naman niya.



“Umm no, kaya ko na sarili ko at baka ma-issue pa tayo. Alam mo naman iba ang mga isip ng mga tao ngayon. Salamat pala dito”, tumayo na ako at magsasalita pa sana siya kaso sinabi ko ulit na kaya ko na sarili ko at nagpaalam na.



Ngayon ko lang nakasama si Elijah ng ganito, just this day and I thought nawala na ang pagkamabuti niya towards a person pero hindi pala ang nagbago lang sa kanya ay ang pagka-playboy niya at medyo masungit minsan.



Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at pagkapasok ko sa room ay napahinto ako sa gulat. Naghahalikan ang Ex ko at ang ex-best friend ko na si Pauline. Napahinto na rin sila sa paghahalikan ng marinig na nandito ako.


Tahimik ko silang tinignang dalawa at umalis na sa classroom. They are dating for almost 1 year. He dumped me because of that girl. At some reasons ay nasasaktan parin ako kahit matagal na kaming wala na. He was my first ever boyfriend but he cheated on me at ang masaklap pa ang nagustuhan niya ay ang best friend ko. I really hate her because she stole my guy.



That’s why I don’t want to have friends because they are all the same, ang akala mo lang ay mababait sila kahit matagal na kayong magkasama pa pero behind their back… they are destroying you. In short, they are stabbing you at the back when you are not around.

The player meets the gamerWhere stories live. Discover now