CHAPTER 4
Chelsea’s Point of View
Kasama ko ang lahat ng mga kaklase ko dito sa likuran ng paaralan namin. Exciting pala itong activity namin pero hindi ko maiwasang mainis sa mga kaklase kong babae dahil nandidiri sila dahil marurumihan na naman daw ang mga damit nila, pati na rin ang katawan nila.
Putek, sobrang arte nila. Eh maliligo naman sila mamaya at labhan naman din nila mga damit nila eh.
“Next is Ms. Salvador and Mr. Smith”, pumunta na kami sa starting line at nang sinabi na ng guro naming na ‘Go’ ay nagsama kami ni Elijah na tumakbo sa unang activity namin.
Pinagbabato kami ng mga tapos ng nakaactivity ng mga water balloons para mabasa kami pagkatapos ng water balloon ay tinalon naming ang mga Wheels ng mga sasakyan. Muntik pa naman akong madapa doon.
Then we climb to the ropes para pumunta kami sa kabila, tinutulungan ako ni Elijah na umakyat hehe, kaya ko namang umakyat pero ang hirap kasi hindi ko maabot ang mga malalaki ang distansya ng mga ibang tali. Marami namang nakilig sa amin. Hindi ko sila pinansin at pinagpatuloy lang naming ni Elijah ang activity kasi may timer eh, putek.
Dumapa kaming dalawa, bale may dalawang butas na icra-crawl naming at maputik doon. Hindi kami masyadong mabilis na nakalabas sa loob na may mga putik dahil madulas. Buti naman ay palagi kaming magkasabay ni Elijah, pagkalabas namin ay pinagbabaril kami ng Water gun at sabi nila ay umikot daw kami sa baba para ang kalabasan ay marumi na marumi na talaga ang aming mga damit. Ang huli na gagawin naming ay barilin namin ang dalawang pingpong ball, mga 3 meters away from us. Paalala lang, hindi totoo ang baril namin ah?
Buti na lang ay palagi akong naglalaro kapag fiesta naming ng baril-barilan kaya sanay na ako. Ang ikalawang baril ko ay natamaan ko na ang pingpong ball ko at kay Elijah naman ay hindi pa kaya tinulungan ko na lang siya. Tinignan naman niya ako.
“Shooter ah”, tumawa siya ng nakakaloka.
“Shut up, tulungan mo na nga akong itali sa magkabila nating paa itong tali na ito”, pagkatapos naming tinali ang isa naming mga paa ay no choice kami kaya hinawakan ko ang kanyang bewang at siya naman ay ang balikat ko para hindi kami mahulog na dalawa. Hindi maiwasan ang aming mga kaklase ang makilig sa aming dalawa.
Pagkalakad na pagkalakad namin sa finish line ay sakto namang natumba kaming dalawa, ang pwesto namin ay parang sa pelikula. Nasa itaas ako ni Elijah at sobrang lapit ang aming mga mukha.
Tud.tud.tud.tud
Putek sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa gulat ko at sa kilig ko pero hindi ito pwede.
Nagising ako sa realidad at tumayo agad sa pwesto naming dalawa.
“Okay lang ba kayo?”, alalang tanong ni Hanz sa amin.
“O-okay lang kami”, nauutal na sagot ko. Tumango siya habang tinitignan niya ang mga dalawang braso ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kanang braso ko.
“May sugat ka sa braso mo oh”, napa-aray ako ng hawakan niya ang sugat ko. Ba’t hindi ko naramdaman na may sugat pala ako?
“Pupunta na tayo sa clinic”, aya niya sa akin pero pinigilan ko siya.
“Huwag na, Hanz. Ako na lang… Kaya ko na ang sarili ko”, sabi ko sa kanya. Magsasalita pa sana siya nang inunahan ko siya.
“Thank you but I can get there by myself kaya huwag ka ng makulit”, ngiti kong sabi sa kanya at umalis na sa harapan niya at lumapit ako sa guro namin.
“Excuse po maam, pupunta muna ako sa Clinic. Papalinisan ko lang ang aking sugat sa braso ko”, nahihiyang pagpapaalam ko sa guro namin.
“Sige, iyan lang ba ang sugat mo?”, tumango ako.
“Pagkatapos mong magpalinis ng sugat ay maligo at magbihis ka na ah?”, paalala niya.
“Opo maam”, sambit ko. Bago ako pumunta sa clinic ay nag-announce muna ang guro namin na pagkatapos daw naming linisin ang aming mga sarili ay maglilinis muna daw kami sa aming classroom at uuwi na daw kami kasi meron daw silang pupuntahang mga guro.
“Mag-time out muna kayo bago kayo umuwi sa kanya kanya ninyong bahay”, ngumiti at na-excited kaming lahat sa balita ng guro naming. Sinagot naming siya ng ‘sige po maam’ at pumunta na sa building.
Instead of going to the clinic ay pumunta na agad ako sa Bathroom naming mga babae. Sosyal noh? Pagkatapos kong maligo ay tumulong ako sa paglilinis sa classroom at umuwi na kaming lahat.
Nakatingin ako sa mga estudyanteng nagtatawanan at nagkukwentuhan habang naglalakad papauwi. Ako lang kasi ang walang kasama pero okay na sanay naman ako. Pagkatapos ng ilang minute ay may kumalabit sa aking balikat kaya tumingin ako kung sino iyon.
Sila Rafael at Elijah….
“Tigas talaga ng ulo mo noh? Sabi mo pupunta ka sa clinic pero hindi pala”, walang emosyong sabi ni Elijah. Yumuko lang ako at hindi nagsalita, hindi ko parin kasi matanggal sa isipan ko ang posisyon naming dalawa kanina.
“Tahimik mo”, sabi niya at may kinuha siya sa kanyang bulsa. Hinawakan niya ang aking kanang braso, magsasalita sana ako ng sinabi niyang huwag daw ako magsalita o magalit na hinawakan niya ang braso ko dahil ilalagay lang niya ang band aid sa sugat ko.
“Ikaw wala kang sugat?”, tanong ko sa kanya. Umiling siya at tinignan na niya ako pagkatapos niyang nilagay ang band aid sa aking braso.
“Wala, ingat ka sa pag-uwi mo”, pagkasabi niya iyon ay umalis na sila. Hinabol niya ang goodbye ni Rafael sa akin bago sila makalayo sa akin. Nakatulala lang ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin ang dalawang naglalakad papalayo sa akin. Naramdaman ko na naman nag-init ang aking mga pisngi.
Kahit playboy ka, Elijah. Gusto pa rin kita. Alam kong babalik ang dati mong ugali.
Sabi ko sa isipan ko at naglakad na ulit ako. Ayaw ko muna pumunta sa Mansion kaya pumunta ako sa Mang Inasal, nagcra-crave kasi ako. Buti na lang wala pa masyadong nakapilang tao kaya naka-order agad ako at pumunta na sa isang table para umupo.
Hindi ako masyadong makagamit ng cellphone dahil merong mga lalaki na gustong makipag-picture sa akin pero mga ilang minuto na ay komportable na ako kasi wala ng nanggugulo sa akin.
“Why are you always with Elijah? Kayo na ba?”, napatingin ako sa nagtanong.
“Why are you asking that question? What is it to you?”, hindi ko sinagot ang tanong ni Pauline at ako ang nagtanong sa kanya.
“Answer my question”, inis na sabi niya.
“It’s none of your business, meron ka pang ganang makipag-usap sa akin. Pumunta ka na nga sa kaparehas mong manloloko”, maldita kong sabi sa kanya. Huminga siya ng malalim, alam kong gusto na niya akong sigawan o atakihin na.
“Hanz? Hindi ka pa ba updated? Wala na kami… I dumped him”, sabi niya.
“Updated? Kahit naman updated ako o hindi… Wala naman akong pakialam”, walang gana kong sagot sa kanya. Buti nandito na ang order ko baka lumalim pa ang pinag-uusapan naming at mauwi ito sa away.
“I’ll talk to you soon, Chelsea. Alis na ako”, paalam niya. I looked at her and rolled my eyes. Kahit huwag ka ng makipag-usap sa aking, traydor ka.
YOU ARE READING
The player meets the gamer
FanfictionThe player meets the gamer Isang babaeng pinag-iidolo ng mga lalaki dahil sa skills niya sa paglalaro ng Mobile legends na si Chelsea Lyn Salvador ay sobrang gusto niya si Elijah Smith, isang dakilang playboy sa kanilang University. Noong hindi pa p...