invisible love Part 3

45 2 0
                                    

Invisible love

Part 3

By : butterfly

Characters :

Jelyn, erick and jc – waiter and waitress ng coffee shop.

Derek – isang lalaking baguhan sa shop.

Rye

Jaime – tito.

Tricia              

James and Michael Alcantara

---ang kwentong ito ay karugtong mula sa kwentong sir, you want coffee, tea or me at secret place of my secret love. Ngayon ay season 3 na ng dalawang kwento na pinalitan ko ng title dahil sa kwentong ito ay iba na ang tauhan na gaganap. Ang kwentong ito ay hindi po hango sa totoong buhay, ito po ay kathang isip ko lamang po. Kung meron mang tauhan o kapangalan na tumpak sa lahat ng naganap. Humingi po ako ng despinsa hindi ko po binalak na gawing kwento ang karanasan ninyo.

Maraming salamat po…

-----------------------------

Matapos kong magbihis ay agad akong lumabas...

Nakita kong natapos na pala sila sa paglilinis. Nakita kong nakatayo si rye sa casher at sa nakita ko ay meron itong binibilang. Tiningnan ko siya sa di man kalayuan, pero nakita ko siyang napatingin sa akin saglit at bigla din itong bumalik sa pagbibilang ng makita niya akong nakatingin din sa kanya.

Biglang may tumawag sa aking pangalan. “dereck, pakitulungan mo nga ako dito. Hindi ko kase maaabot ang glass na iyon e,” si jelyn ang tumawag sa akin para ipaabot ang isang glass na nakalagay sa taas ng stanty. Lumapit naman ako sa kanya at “o, sige po!” Inabot ko nga ang glass.

“ito kase si rye. Bakit pa sa mataas pa ilalagay ang glass na iyan. Alam naman niyang siya lang ang matangkad dito. Buti nalang talaga dereck nandito ka na at hindi ko na tatawagin si rye para magpatulong.” Habang abot ko ang glass ay nagsasalita si jelyn.

Sa pag-abot ko ng glass ay hindi ko alam na may laman pala ito...

May lamang tubig ang glass sa pag-abot ko nito ay nabuhos sa aking damit. “ohzzzzzzzzzzzzzz!!!!” sabi ko.

“OMG! Rye bakit hindi mo sinabi na may laman palang tubig ito.” Sigaw ni jelyn kay rye.

“ahhhh so----rry... nakakalimutan ko palang sabihin na may laman yan kahapon, paglagay ko diyan.” Sagot nito.

“hayan tuloy! nabasa ka na tuloy dereck.” Ani jelyn. Pagbalik ng pansin sa akin.

invisible loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon