Untitled Part 15

66 3 1
                                    

Invisible love

Part 15

By : butterfly

Characters :

Joseph dayo- anak ni alexandra at rye.

---ang kwentong ito ay karugtong mula sa kwentong sir, you want coffee, tea or me at secret place of my secret love. Ngayon ay season 3 na ng dalawang kwento na pinalitan ko ng title dahil sa kwentong ito ay iba na ang tauhan na gaganap. Ang kwentong ito ay hindi po hango sa totoong buhay, ito po ay kathang isip ko lamang po. Kung meron mang tauhan o kapangalan na tumpak sa lahat ng naganap. Humingi po ako ng despinsa hindi ko po binalak na gawing kwento ang karanasan ninyo.

Maraming salamat po…

-----------------------------

Ilang linggo na rin ang nakalipas mula ng makapasok na nga ako sa kompanya nila rye. Nasa akin parin ang tiwala ni alex. Hindi nga alam ni miss gabriela na ni sarili niyang anak ay inahas na pala nito. Sa loob ng isang linggo simula ng pagpasok ko sa mundo ni rye ay buti hindi nito natugunan na ako ang na si dereck alcantara ang nasa katauhan ni dave. Kahit may pagkakataon na kami mag uusap ay di parin mawawala sa akin ang mga katanginaan na si dereck lang ang gumawa at halos namalayan na siguro iyon ni rye. Pero sa paglapit ko kay rye hindi na halos matago sa puso ko na kahit magpahanggang ngayon ay mahal na mahal ko parin ito.

Linggo ng umaga ng makatanggap ako ng tawag mula kay alexandra. Gusto niyang makikita ako at para makakasama ko man lang daw ang aking inaanak na si joseph na kong saan ay kahit wala na ako ay ginawa parin nila akong ninong nito.

Linggong iyon na galing sila ng simbahan na kasama si joseph. Naghihintay ako sa kanila kong saan ay ang sinabing lugar ni alexandra sa akin para kami magkikita. Mga ilang oras lang ang paghihintay ko ay nakita ko na rin sila papalapit sa akin.

"hayyyy... tito dave. kamusta po." sabi ni joseph na anak ni alexandra at rye.

"mabuti naman at nakasama mo ang inaanak ko alex. wala bang nakasunod sa inyong dalawa." ako.

"tito dave... bakit hindi ninyo sasabihin kay daddy rye. edi sana kasama natin siya ngayon dito." siya.

nagkatitigan kaming dalawa ni alex sa narinig namin mula kay joseph.

"ahhh.. hijo.. hindi pa kase alam ng daddy mo ang tungkol sa akin." sagot ko dito.

"ang alin po tito na buhay kayo. diba magkasama naman kayo ni daddy sa work. di alam niya na buhay kayo." joseph.

"diba anak.... nasabi ko sayo na hindi dapat sasambat sa mga nag-uusap ng nakakatanda sayo." ani alex.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

invisible loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon