Untitled Part 6

43 3 0
                                    

Invisible love

Part 6

By : butterfly

Characters :

Jelyn, erick and jc – waiter and waitress ng coffee shop.
Derek – isang lalaking baguhan sa shop.
Rye

---ang kwentong ito ay karugtong mula sa kwentong sir, you want coffee, tea or me at secret place of my secret love. Ngayon ay season 3 na ng dalawang kwento na pinalitan ko ng title. dahil sa kwentong ito ay iba na ang tauhan na gaganap. Ang kwentong ito ay hindi po hango sa totoong buhay, ito po ay kathang isip ko lamang po. Kung meron mang tauhan o kapangalan na tumpak sa lahat ng naganap. Humingi po ako ng despinsa hindi ko po binalak na gawing kwento ang karanasan ninyo.

Maraming salamat po… 

-----------------------------

 

“dereck, sundan mo si rye.” nasabi ni jc sa akin.

“pare, sige na sundan mo siya.” erick. Sunod naman nito.

“ano pang hinihintay mo dereck sundan mo si rye.” ani jelyn.

Wala na akong naiisip nun na sundan pa si rye. dahil wala na akong masasabi pa sa kanya, wala na din akong mukhang maihaharap sa kanya matapos kong magtapat sa kanya ng aking tunay na nararamdaman  at sa tingin ko ay wala na rin akong maipaparamdam sa kanyang pagmamahal. Para saan pa kong pipigilan ko siya na hindi naman maging kaming dalawa. Kailangan niyang mapag-isa kaya siya umalis agad, kaya bakit ko pa siya pipigilan. Ako kailangan ko ding mapag-isa ngayon, kaya ayaw ko siyang sundan. Dahil nga ikakasal na kaming dalawa sa iba. Pero iniisip ko sa oras na iyon. Saan na ang pagiging magkaibigan naming dalawa, kahit yun man lang ang hindi masisira ang pagiging malapit na magkaibigan.

Gusto ko na sanang ihakbang ang aking mga paa pero hindi ko makayang igalaw ito. Dahil sa takot na aking nararamdaman ngayon. Takot na baka hindi na ako papansinin pa ng taong minamahal ko. hanggang sa nakita ko pa si rye na palasing ang lakad. Hanggang sa nakita ko din siyang natumba kaya wala na akong dalawang isip na tumakbo at pinuntahan siya. kahit marami na ang nakatingin sa amin wala akong pakialam basta kailangan ko siyang tulungan. Kailangan kong ipaparamdam sa kanya na kahit hindi man maging kami basta mahal ko siya. mamahalin ko parin siya kahit may nagmamay-ari na sa kanyang iba.

“rye!!!” sigaw ko ng makita kong natumba si rye. tutulungan na sana siya ng isang lalaki pero napigilan ko ang lalaki. ayaw kong may tutulong sa kanyang iba, gusto kong ako ang tutulong sa kanya. “pare, ako na.” nasabi ko sa lalaki.

Hanggang sa narinig ko ang instrumental song na KUNG MALAYA LANG AKO by. Kris Lawrence.


Kung Malaya Lang Ako – Kris Lawrence

Nang ikaw ay dumating
Nadama’y iba sa damdamin
Kilos mo’t mga paglalambing
Ang siyang lagi ay umaakit sa akin

 

“umalis ka na dereck. Huwag mo akong lapitan.” Sabay niyang tulak sa akin ng makahawak ako sa kanyang braso. Sa ginawa niyang pagtulak sa akin ay ang akin ding pagkatumba.

invisible loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon