Untitled Part 14

39 2 0
                                    

Invisible love

Part 14

By : butterfly

Characters :

Miss gabriela- kinikilalang ina ni alexandra.

---ang kwentong ito ay karugtong mula sa kwentong sir, you want coffee, tea or me at secret place of my secret love. Ngayon ay season 3 na ng dalawang kwento na pinalitan ko ng title dahil sa kwentong ito ay iba na ang tauhan na gaganap. Ang kwentong ito ay hindi po hango sa totoong buhay, ito po ay kathang isip ko lamang po. Kung meron mang tauhan o kapangalan na tumpak sa lahat ng naganap. Humingi po ako ng despinsa hindi ko po binalak na gawing kwento ang karanasan ninyo.

Maraming salamat po…

--------------------------

Hindi ko akalain sa loob ng 3 taong nakalipas ay nakikita ko na ulit ang bahay na kong saan kami nakatira noon ni dave. Walang pinagbago ito maliban lang sa mga duming nakakalat sa paligid at parang isang hunted house na hitsura.

“welcome to our home.” Nasabi ko sa mga maids ko. Habang nasa harap na kami ng bahay.

“wow sir.. ang ganda ng bahay.” Si veronica.

“oo nga po sir.. sobrang ganda at napakalawak ng bahay.” Isang maid.

“konting linis lang yan at mababalik na rin sa dati ang hitsura niyan.” Maid 2.

“---------almost 3 years din na walang nakatira dito. Akala ko ay hindi na ako makakabalik sa bahay na ito. Akala ko ay guguho nalang din ito kagaya ng pagguho namin ng kaibigan ko.” Nasabi ko habang nakatitig ako sa kabuoan ng bahay. “pumasok na kayo sa bahay natin yaya.” Dagdag ko habang nakatingin na ulit ako sa kanila. Sumunod naman sila sa akin nauna silang pumasok sa loob at naiwan ako sa labas. “dave, ngayong nakakabalik na ako. Mababawi ko na rin ang masterpiece na kinakailangan ko ang hustisya sa pagkamatay ninyo ng pamilya ko. Ngayon na magsisimula ang tunay na laban, na sana noon ko pa ginawa. Hintayin nila ang pagbabalik ng bagong dereck. Ipinapangako ko na hindi ako titigil hangga’t hindi ko natatapos ang gagawin ko. Kung bakit ako bumalik dito sa pilipinas ay para sa katarungan.” Salita kong nabanggit habang nakatingin ako ulit sa bahay at sabay bumalik sa isipan ko ang mukha ni dave at pamilya ko.

Hindi ko halos namalayan na lumipas na pala ang mga araw at sinimulan ko na nga ang aking mga plano. Binalikan ko ang mga nakaraan ko kong saan ay ibang dereck na ang kanilang makasalamuha, dereck na palaban, dereck na walang kinatatakutan at dereck na nasa katauhan ni dave fernandez. Alam kong wala akong kinatatakutan dahil ni isang kakilala ko ay walang nakakakilala na ako ito at nagtatago lang sa katauhan ng ibang tao. Pero hindi parin mawawala sa isipan ko ang mga sakit ng nakaraan ko kaya hindi ko na halos maibabaon pa sa limot. Mga pangyayari na kong saan ay kitang-kita ng dalawang mata ko at hawak hawak ko sa mga kamay ko ang hinay-hinay na pumikit na mga mata ni daddy at patay na katawan ni maddy. Mahirap ibaon sa limot yun pang ni wala akong alam kong sino ang nasa likod ng pagpaslang sa kanila. Kaya ngayon sa pagbabalik ko, hindi lang isang palaban na dereck kong di isang tusong dereck na ang makikita nila.

invisible loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon