Chapter 10: Trending

32 8 2
                                    

Chapter 10: Trending

Aurora's POV

"Good morning bessy! Tumayo ka na dyan dahil aayusan pa kita!" sigaw ni Honney na ikinatakip ko ng unan sa tenga ko, "Gising na ko, tama na"

Hinatak niya ang unan sa mukha ko kaya nagtalukbong ako ng kumot, naramdaman ko naman ang paghiga niya sa tabi ko

"Nandito na si Clyde" dahan dahan kong ibinaba ang kumot habang nakatingin sakaniya, "Talaga?" napahalakhak naman siya

"Kapag kay Clyde ang bilis bilis mo, nakakatampo naman bessy" saad niya at nag-pout, "Sorry na, ayoko lang siya paghintayin"

"Maligo ka na, male-late na tayo" tumango naman ako "Punta ka nalang sa kwarto ko pagtapos mo" tumango ulit ako at kinuha ang phone ko pag-labas niya sa kwarto

May message sa'kin si Clyde na agad kong binuksan, "I'll meet you infront of the school, I'll do my best to pick you up. Nagka-emergency sa bahay" basa ko sa message niya

I replied, 'It's okay, I can go to school alone. I hope your family is okay' itinabi ko na ang phone ko at bumuntong hininga

~°~

"Bessy, 'wag na 'yan. Gusto mo bang ma-detention tayo?" tanong ko kay Honney, "Oo na, hindi na" saad niya at nilagyan ako ng onting liptint

"Okay na 'yan?" tumango naman ako, "Simple lang pero maganda ah" saad niya habang nakatingin sa salamin, "Thank you, alis na tayo?"

"Teka, 'di ka susunduin ni Clyde?" kumunot naman ang noo ko, "Nasanay lang ako na lagi ka niyang sinusundo" napatawa naman ako

"May emergency daw sakanila baka sa school nalang kami mag-kita" napatango tango naman siya, "Anong emergency daw?" nag-kibit balikat ako

"Hindi niya sinabi, tatanungin ko nalang siya mamaya" tumango naman siya, "Tara na, pahatid nalang tayo kay kiya Matt" tumango naman ako

Kinuha na namin lahat ng kailangan namin at sumakay na, mabilis lang kaming nakarating sa school. "Wala pa rin siya?" umiling naman ako

"Hindi na siya nag-reply, hindi din siya sumasagot sa call" saad ko, "Hihintayin mo pa siya?" I shrugged, "Hindi na siguro? Male-late na tayo" tumango naman siya

Dumiretso na kami sa loob, halos lahat ng estudyanteng makasalubong namin nasaamin lahat ng mga mata. Nabubulungan sila pero hindi nalang namin pinansin

"Bakit kaya iba na kasama niya?" rinig naming saad ng isang grupo ng kababaihan, "Baka nag-sawa na siya doon sa kaibigan niyang nerd" rinig ang tawanan nilang lahat

Hinawakan ko naman ang braso ni Honney, "Huwag na" bulong ko, "Punta na ko sa building ko, kita nalang tayo mamayang break" tumango tango naman siya

"Kevin" tawag ko nang nakasalubong ko siya sa hallway, tumakbo ako papunta sakaniya. "Nakita mo ba si Clyde?" umiling naman siya

"Kala ko magkasama kayo" bumuntong hininga naman ako, "May emergency daw sakanila, sabi niya kasi sabay kaming papasok"

"Baka natagalan lang, puntahan nalang natin mamayang uwian para hindi ka na mag-isip" ngiting saad niya na ikinatango ko

"Sige, thank you" ngiting tugon ko at tahimik na pumasok sa classroom, "Bessy!" tawag sa'kin ni Ash, kumunot naman ang noo ko nang may humarang sa'kin na lalaki

Siya si Aaron, siya yung nakausap ko dati tungkol sa G4. "Transferry ka?" kumunot naman ang noo ko, "Hindi, ako si Aurora. Aurora Morgan" pakilala na ko

"Yung nerd?" tumango naman ako, "Ganda niya na 'no!" sigaw ni Ash na ikinalingon ni Aaron at balik ng tingin sa'kin, "Nay kailangan ka pa ba?" umiling naman siya

The Guitar Girl (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon