Chapter 33: Visit

31 7 2
                                    

Chapter 33: Visit

Aurora's POV

"Ara, can I come in?" rinig kong tanong ni Honney, "Sure" saad ko at ibinalik ang tuon ko sa ginagawa ko, "Are you feeling better?" tumango naman ako

"Oo, thank you pala. Maayos na ko ngayon" ngiting sagot ko, "Pumunta pala sila Avery dito nung isang araw kasama si Dave?"

Tumango naman ako bilang sagot, "Madami akong ginagawa kaya hindi ko na sila naharap" saad ko, "Bessy" tinigil ko naman ang ginagawa ko

Tumingin ako sakaniya, "Alis tayo nila Ash mamaya" aya niya, "Bessy, madami akong ginagawa--" agad niyang pinutol ang sasabihin ko

"Ara, lumalabas ka nalang sa kwarto mo tuwing papasok sa school. Uuwi ka tapos mag-aaral ka, you should take a rest" 

I bit my lips to stop me from crying, "I don't want to waste my time crying for a person who's never coming back. I have to continue my life, right?" 

Napa-pikit naman siya at napa-buntong hininga, "Look, you don't have to worry about me. Just give me time to accept everything that was happening" 

Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako, "Bessy, ayoko lang makita ka ulit na umiiyak...pero kung ganito?"

"Mas gusto ko pang ipakita mo sa'min kung gaano ka nasasaktan kesa sa ngumiti ka sa harap namin" tumango naman ako

"Magiging ayos din ako, alalahanin mo muna sarili mo habang hindi ko pa kayo kayang isipin. Ayoko namang ako lang ang iniisip niyo" 

"Bessy, sana talaga maging maayos ka na. Ang dami kong gustong ikwento sa'yo" ngiting saad niya na ikina-ngiti ko din

"Good luck sa exam natin" tumango naman siya, "Good luck, malapit na tayong mag-graduate" 

Tumayo naman siya, "Una na ko, mag-pahinga ka din, okay?" tumango naman ako, "Thank you, bessy. Thank you sa lahat" 

Umalis na din siya sa kwarto kaya napa-buntong hininga ako, sinara ko muna ang laptop ko at bumaba. "Nay? Umalis na po ba sila Honney?" tumango naman siya

"Oo, anak. Buti bumaba ka dito" ngiting saad niya at nag-punas ng kamay, "Opo, nay. Aalis po muna ko, 'wag niyo nalang din po muna sabihin sa iba"

Bakas naman ang pag-aalala sa mukha niya, "Babalik din po ako, nay. Kailangan ko lang po ilabas yung nararamdaman ko" ngiting saad ko

Hinawakan niya naman ang dalawa kong kamay, "Mag-iingat ka, anak. Hihintayin kitang bumalik" tumango naman ako

"Opo, nay. Thank you po"

~~

Naka-ngiti naman akong nag-sindi ng kandila at inabot ang binili kong bulaklak, agad naman akong na-hatching. "Good afternoon, daddy" ngiting saad ko

"Ngayon nalang po ulit kita nabigyan ng flowers" ngiting saad ko at suminghot. "Daddy, sana nandito ka ngayon" I suddenly burst into tear

"Alam ko pong ayaw mong makita akong umiiyak pero daddy gusto ko. Ayokong maipon sa dibdib ko lahat ng sakit"

"Baka bigla nalang akong sumabog" saad ko at bahagyang napatawa, "Hindi ko na naiintidihan nararamdaman ko, pa. Nalulungkot ako pero nagagalit ako sakaniya"

Bumuntong hininga ako, "Naiinis ako, daddy. Bakit kailangan niya pang umalis? Kaya ko naman maghirap basta kasama siya"

"Ganon nalang ba kadali para sakaniya 'yon? Para lang din kaming nag-hiwalay. Alam ko namang aalis siya, akala ko mag-babago isip niya"

Nag-simula na akong mahirapang huminga, "Alam ko naman pong parte ng pagmamahal ang masaktan. Pero mas pipiliin kong masaktan kapag kasama siya"

Agad may humatak sa kamay ko, "Are you f*cking crazy?" tanong niya at tinayo ako sa pagkaka-upo ko sa tabi ng puntod ni papa 

The Guitar Girl (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon