Chapter 14: Arrival

30 6 0
                                    

Chapter 14: Arrival

Aurora's POV

Agad akong napabalikwas sa higaan ko nang biglang nag-ring ang phone ko, "Hello?" pikit matang saad ko, "Antok na antok naman ang anak ko" agad na nanlaki ang mata ko at napa-upo

"Mommy, ikaw po pala 'yan. Sobrang puyat lang po" saad ko kaya bahagya siyang napatawa, "Susunduin mo ba ko sa airport mamaya?" muling nanlaki ang mata ko

"Uuwi na po kayo dito, mommy?" muli siyang napatawa, "Parang ayaw mo naman, ate" sabat ni Avery, "Syempre gusto, tawag nalang po kayo kapag susunduin ko na kayo"

"Sige, anak. Matulog ka na ulit" napangiti naman ako, "Okay po, mommy. Ingat po kayo, see you" saad ko at ibinaba ang tawag, napahiga ako sa kama ko at bumuntong hininga

Bumangon na ko at nag-ayos bago pumasok sa kwarto ni Honney, sinabi ko na din sa mga tao dito sa bahay na dadating na si mommy kaya agad naman nilang nilinis ang bahay

"Honney!" sigaw ko at dinaganan siya, "Aray" daing niya at nag-talukbong ng kumot, "Pauwi na si mommy" saad ko kaya agad siyang bumangon, muntik pa kong mahulog sa kama niya

"Tara na, mag-paparty ba" agad ko siyang nilingon, "Ayan, party" saad ko at napa-iling, "Welcome back party?" tanong ko, "Iyon ba doon? Basta 'yon, kahit tayo tayo lang" 

Agad naman akong tumango, "Tara na, bibili pa tayo decorations" agad naman siyang tumango at dumiretso sa cr samantalang bumaba naman ako para kumain saglit

Tahimik lang akong kumakain nang biglang tumunog ang doorbell, ako na nagbukas dahil abala silang lahat sa paglilinis. "Master, anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko

"Why are you so shocked? You didn't saw my message?" agad kumunot ang noo ko, "Message? Hindi, nagmamadali kami eh" paliwanag ko

"What's with the rush?" tanong niya, "Pauwi na si mommy kasama si Avery" agad naman siyang tumango, "What can I do to help?" umiling naman ako

"Ayos lang, simpleng party lang naman. Punta ka ha?" agad siyang tumango, "Sure" ngiting saad niya at inabutan ako ng isang bag na ikinalaki ng mata ko

"Bigay 'yan ni mommy, sabi niya magugustuhan mo daw 'yan" saad niya, "Nakakahiya kay tita" saad ko at akamang ibabalik ang regalo pero binalik niya sa kamay ko

"Don't be, it's a thank you gift" agad kumunot ang noo ko, "Anong mayroon?" tanong ni Honney na nasa likod ko lang pala, "Kanina ka pa d'yan?" agad siyang umiling

"Kakababa ko palang" agad siyang napatingin sa bag na nasa kamay ko, "Teka, di'ba 'yan yung tinignan natin kahapon sa mall" agad akong tumango

Binaling ko muli kay Clyde ang mata ko, "Maybe she saw the both of you" tumango naman ako, "She? Sino?" tanong ni Honney, "Si tita, pasabi kay tita thank you" saad ko

"Pasok ka kaya muna" saad ni Honney na ikinangiti ko, "Good terms na nga" bulong ko kaya bahagya niya kong siniko na ikinatawa ni Clyde, "Ako nalang bibili?" tanong ni Honney

"BIbili ng?" tanong ni Clyde, "Decoration para sa party mamaya" sagot ni Honney, "Samahan ko na kayo" agad na tumango si Honney

Pinasok ko muna yung bag ko at nilapag sa living room bago muling lumabas ng mansion, sobrang ganda nung bag. Ang mahal mahal, kailangan ko na mag-isip ng regalo kay tita

"Wala ka bang ibang gagawin?" tanong ko na ikinailing niya, "Tara na" saad niya at pinagbuksan ako ng pinto, "Sana all" saad ni Honney at binuksan ang pinto sa backseat

Papasok na sana ako sa kotse nang biglang may sumigaw ng pangalan ko, "Aurora!" si Ace, tumakbo siya papalapit. "Para sa'yo" ngiting saad niya at inabot sa'kin ang flower boquet

The Guitar Girl (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon