CHAPTER 5:
ELLE
"Matutulog ako na girlfriend kita, gigising ako na girlfriend pa din kita"
Matutulog ako na girlfriend kita, gigising ako na girlfriend pa din kita"
Matutulog ako na girlfriend kita, gigising ako na girlfriend pa din kita"
Paulit-ulot na nagpa-flash sa utak ko ang mga huling kataga na sinabi niya kagabi bago siya umalis. Alam ko kapag nakita niya ako dito, at malaman niya na pakakasalan ko ang kapatid niya, kamumuhian niya ako. Hindi niya ako patatawarin....
Henry... he's here... we will meet... and soon he'll found out na pinagpalit ko siya sa pera.
"Oh he's here" ani ng mom ni Yohan "Hey son take your sit at may announcement ang kapatid mong si Yohan"
Marahang lumapit sa kinaroroonan namin si Henry. Napayuko na lamang ako nang makalapit siya sa amin.
"Elle?" sambit ni Henry
"You know her?" tanong ng ate ni Yohan
"Yes Yashi she's my girl---"
Yohan cutted her sentence off
"Ex-girlfriend Henry, ex-girlfriend" sarkastikong sabi nito
"Ex? Paano ko siya magiging ex? Hindi kami naghiwalay Yohan. Hindi ako pumayag" matigas na sabi ni Henry "Elle, love sabihin mo nga"
"E-Excuse me" akma akong tatayo nang higitin ni Yohan ang braso ko
"Stay here babe" anito "Tell Henry na wala na kayo... c'mon tell it!"
"Y-Yohan..."
"Teka ano ba ito? Bakit ganito kayo? Henry, Yohan" ang daddy nila ang nagsalita
"Allow me to explain Dad..."
Masama ang kutob ko nang madinig kong magsalita si Yohan.
"Elle and Henry were ex-lover. Kaya nakipaghiwalay si Elle kasi sinasaktan siya ni Henry diba babe? And ako naman, bilang mabuting kaibigan I help Elle tl move on hanggang sa mahalin namin ang isat isa "
"Hindi ko siya sinaktan! Sinungaling ka!"
"You did, ginawa mo siyang sex slave"
"Elle, sabihin mo na hindi totoo iyon. Ate Yanna, diba alam mo yan?"
"Wala akong alam" Yanna, the woman with a blonde hair
"Ate Yanna!" si Henry iyon na nangingilid na ang mga luha "Elle? Mahal ko..."
"artista ka natural lang na magaling kang umarte"
Di ko kayang makita siyang ganyan. Nasasaktan ako, pero andito na to paninindigan ko na.
"Tama na Henry, hindi ka na mahal ni Elle. Pinagpalit mo nga siya kay Sabrina diba?" Patuloy na pagsisinungaling ni Yohan. "Kinahihiya mo siya"
"No! Yohan stop lying!" sigaw ni Henry
Hindi ko matiis na makita si Henry na nasasaktan dahil sa akin. Naninikip ang dibdib ko, hindi ko kakayanin pa.
"Ikaw ang nagsisinungaling Henry. Mom, Dad you knew it. Yan ang sampid ng pamilya, the great pretender! the blacksheep"
"Stop that!" nadinig kong sigaw ni Yashi "Elle? You okay?"
Tuloy ang palitan nila ng maaanghang na mga salita. Nakakaramdamn na ako ng di maganda sa katawan ko. Mahigpit akong napakapit kay Yohan at Yashi hanggang sa maging malabo na ang paningin ko.
