Three: Pity

0 0 0
                                    




I feel sad for her one-sided feelings. I know how heart-breaking it is especially that the love you're giving is not reciprocated. Pero kung ako ang magmamahal at ganiyan ang mangyayari sa akin, ayos lang.

At least I got the chance to fell in love with someone. Hindi ako kailanman manghihingi ng pagmamahal sa iba dahil sa totoo lang, it was me who fell not the other one. Ngumiti ako.

"Freya." Mahinahon kong tawag sa kaniya.

Hindi siya umimik at naiintindihan ko kung hindi siya magsasalita.

"Gusto ko lang sabihin sayo na wala akong balak agawin si Aaron sayo. Everyone knows how you like Aaron so much so why would I intervene? Sino ba ako, 'diba?" I slightly laughed at my last sentence.

Napatingin siya sa akin. Nakakunot ang noo at magkasalubong ang kilay.

"Don't be jealous to me. Aaron has a kind-heart kaya ganyan siya sa lahat, hindi lang naman sa akin." I told her.

"Hindi siya ganiyan sa akin..." She bitterly said.

Ngumiwi ako sa sinabi niya, "Uh, but you know na mabait talaga si Aaron sa lahat... And I'm sorry if I made you feel like I'm snatching Aaron away from you." Umiling ako bilang pagpapakita na hindi talaga iyon mangyayari.

"I am not. Wala akong balak. Natabig ako, I was caught off-guard kaya nadulas. That's it. At tungkol dun sa libro, concern lang si Aaron sa perang pinag-aaral sa akin ni Mama. He's kind, you know."

Ngayon, nakatitig na sa akin si Freya. Nagtataka siguro sa sinasabi ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang confidence ko para kausapin siya. But one thing that drove me to doing this, is to make her heart be at peace. Hindi ako kailanman magiging ka-kompetensiya niya.

And obviously, walang gusto si Aaron sa akin. Sabi sa akin ni Mama, kapag interesado daw sayo ang isang tao, makikita mo iyon sa kanilang mga mata. I saw nothing but pure concern in Aaron's eyes towards me as his classmate and that's it. Walang labis at walang kulang.

"Gusto ko lang sabihin na...I am not a threat. And you shouldn't treat me as one." Natawa akong bahagya. Nagkasalubong ang kanyang kilay.

"Why wouldn't I treat you as my competitor?" Masungit niyang tanong.

"Kasi hindi naman ako kagusto-gusto." I said honestly. "Who would like a girl whose mother is working as an escort? I am also not rich. I am not like you. You are much likeable than me."

"But you're pretty..." Pabulong niyang sabi tila kinakahiya na sinasabi niya iyon sa akin ngayon.

"Walang kwenta ang ganda ko kung ganito ang sitwasyon at estado ko, Freya." Tumango-tango ako para malaman niyang seryoso ako.

Matagal kaming napatulala sa whiteboard bago siya tumayo. Tinignan niya ako at inilahad ang kamay sa akin. Nagtataka naman akong tumayo rin at tinignan ang kamay niyang nasa ere. Mariin niya akong tinignan bago ang kanyang kamay. Inabot ko ito. We shook hands.

"Oh, well. I will not treat you as a threat, then." Nakangiti niya ng saad.

Ngumiti din ako at tumango. Inayos ko na ang gamit ko at nagpasya ng lumabas. Pero bago pa ako makalabas ay tinawag ako ulit ni Freya.

"Uh... About what happened earlier... I just want to say that I am sorry and I regret hurting you." Malungkot niyang sabi.

Nagulat ako sa sinabi niya. She was the first one that did that to me. Sa lahat ng nakasakit sa akin, siya lang ang nakitaan ko ng pagpapakumbaba at pagsisisi. I can't help but shed a tear. Pinalis ko ito agad. Namilog naman ang mata ni Freya ng makita iyon.

Found Love in the ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon