Two: Cry

2 0 0
                                    




I was walking in the sidewalk when I heard the giggles. Napayuko ako at napahawak sa aking ulo ng natamaan ng isang plastic bottle. Agad namang nagtawanan ang mga nasa paligid ko. Naiiyak man ay pinilit kong yumuko at pulutin ang water bottle sa aking paanan. Ang sakit ng pagkakabato sa akin. Hindi pa nakatulong ang pagtawa ng mga taong naroroon.

A beep made me look on the side. I saw Holly smirking with her girl friends, Zelda and Evie. Naka-open ang bintana ng kanyang sasakyan. Jordan, his boyfriend, was the one who's driving. They are graduating student, mas matanda sa akin ng ilang taon.

"Bingo!" Maarteng sigaw ni Holly.

Nagtawanan si Zelda at Evie. Umiling naman si Jordan at ngumisi. Mabagal ang takbo ng kanilang sasakyan. Sinasabayan ang bagal ng aking lakad. I ignored them and started walking ahead. Itinapon ko ang water bottle sa basurahan at nagpatuloy na sa paglalakad. Desididong balewalain sila.

"Akala namin basurahan! Si Ivelle lang pala." Sigaw ni Evie.

Masama akong tumingin sa kanila at umiling. Naglakad na akong muli. This is just the start of my day and I hate it already. Hindi talaga sila sanay na hindi nakakagawa ng nakakasakit sa akin. Ang mga tao naman sa paligid ko, kahit mukhang naaawa na sa akin ay hindi gustong mangielam, sa takot na madamay pa dahil sa akin. Wala naman na sa akin 'yon dahil sanay na ako.

Papasok ng klase, nakita ko ang pagbubulungan ng mga kaklase kong babae. Sa kabilang gilid naman ay ang mga lalaki na nagtatawanan. They were looking at their phone. Napatingin naman sa akin ang aming tumatayong class president, si Aaron. Anak siya ni Mayor Montemayor.

Hindi siya masama sa akin ngunit hindi din naman mabait. Palaging nasa gitna ang pakikitungo niya sa akin. Tuwing nabubully ako sa loob ng room ay hindi siya nangingielam pwera nalang kung naapektuhan na sa pag-aaral.

"The class will start. Go to your places." Utos ni Aaron na agad namang sinunod ng aking mga kaklase.

Takot ang lahat kay Aaron dahil sa pangalang dala-dala nito. Nakakatakot nga din naman kasi ang sobrang pagiging seryoso niya. Kahit ako ay natatakot sa kaniya lalo na kapag tinitignan niya ako kaya naman yumuyuko nalang ako. Feeling ko lagi ay may mali akong nagawa at pagagalitan niya ako.

Umupo na ako sa aking upuan. Hinawi ko ang dumi sa aking desk na paniguradong sinadaya ng mga kaklase ko at inilagay na sa gilid ang bag. Hinalughog ko ang aking bag dahil nawawala ang aking mga libro. Nasapo ko ang aking noo ng maalalang ibinato ko nga pala iyon dun sa lalaki na nasa bukal. Terror pa naman ang teacher ko sa subject na ito. Paniguradong palalabasin ako at ipapahiya. Labag man sa kalooban ay tumayo na ako at kinuha ang bag.

Nagtinginan naman sa akin ang aking mga kaklase. Ang iba'y binalik ang tingin sa kanilang ginagawa samantalang ang iba naman ay nakataas ang kilay sa akin at kuryoso sa aking gagawin. Nakayuko akong naglakad palabas.

"Saan ka pupunta, Ms. Madrigal?" tanong ni Aaron.

Napatingin naman ako sa kanyang seryosong mukha. "Ah, nawawala kasi yung mga libro ko kaya di na ako papasok dito."

"Iresponsable." Bulong ng isa.

"May extra akong libro sa subject ni Mr. De Lara. Kukuhanin ko lang sa locker ko." ani Aaron, seryoso pa rin.

"Ha?" Gulat kong tanong. "Ay hindi na. Ayos lang, pasensiya na sa abala."

Hindi ako pinansin ni Aaron at dire-diretsong lumabas sa room. Malapit lang naman ang locker sa room namin ngunit di na ako umasa pa. Lumabas ako at nagsimula ng lumakad palabas.

Nahinto lang ng nakitang papalapit na si Aaron at hawak sa isang kamay ang libro. Nakakunot ang kanyang noo habang tinitignan akong naglalakad sa hallway. Balak ko sana siyang lagpasan ngunit napabalik lang ng hawakan niya ang aking braso.

Found Love in the ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon