Beginning: Away

6 1 0
                                    

A/N: Hi! I published this book without proof-reading it. I hope you'd still like it regardless of its flaws. Thank you!

I looked at the beautiful scenery in front of me smiling. This place never fails to make me amazed by its beauty. Hindi man kita ng lahat dahil tago at tila ba'y ayaw ipakita ang kagandahan, I am truly glad that I had the chance to see some of it. I will forever treasure the beauty of this place. Despite the pain, I appreciate the comfort its giving me.

Umihip ang malakas na hangin kasabay ang paglipad ng aking kulot na buhok. Sinikop ko ito at inilagay sa aking kaliwang balikat. Habang nakatingin sa kawalan, bumuntong-hininga ako. Nararamdaman ko na naman ang pagbabasa ng aking mga mata dahil sa luhang nagbabadya. Pinilit ko itong pigilan at huminga ng malalim.

How did my life ended up like this?

All I want to have is a peaceful life with my mother. Sinikap naming makapag-ipon para makalipat dito sa probinsya ni Mama, sa Ambil, dahil hindi na namin kaya ang buhay sa Maynila. It gives us so many burdens that we both decided to continue living in this place. Hindi makahanap ng permanenteng trabaho si Mama dahil palagi siyang pinaalis ng mga nagiging amo niya. Sa ganda ni Mama, nahuhumaling sa kanya ang mga asawa ng nagiging boss niya kaya kalaunan ay sinisisante nalang siya.

I thought that living here means that we're starting over. But I thought wrong. It's just a start of something worst. I never imagined our life to be in this disaster. I never questioned her means because it is paying her much and it is lighter than her usual jobs. Naalala ko pa tuloy ang unang beses na nalaman ko kung anong klaseng trabaho ang pinasok ni Mama dito sa Ambil.

"Ivelle, anak!" sigaw ni Mama, kumakaway sa akin at itinuturo ang baldeng hawak niya.

I smiled and waved back. I run towards her and hugged her tight. She chuckled and kissed my forehead. Kung iisipin, ang dami na naming pinagdaanan ni Mama sa buhay na ito pero narito pa rin kami at pinipilit mabuhay.

"Ang raming binigay sa akin ni Oscar, tignan mo. Hindi tayo magugutom niyan!" masayang sambit ni Mama.

I looked inside the bucket and got amazed in the numbers of the fishes. Iba't-ibang klase ng isda ang nakita ko. Lahat ay mukhang mamahalin. I even saw a salmon fish! Marami nga kaming uulamin ni Mama nito at hindi mamomroblema sa kakainin. I looked at her happily then to the fishes inside. Ipinakita niya din sa akin ang wallet niya na may sampung libo. Kumunot ang aking noo.

"Bakit ka raw binigyan niyan, Ma?" kuryoso kong tanong dahil wala akong ideya kung paano nakilala ni Mama iyong si Oscar.

Namilog ang mata ni Mama at parang namutla. Bumuka ang kanyang bibig ngunit walang lumabas ditong salita. I waited for her answer but she only smiled. I saw pain in her eyes but it eventually changed into her usual stare. What for?

"Wala, anak. 'Wag kang masyadong mag-alala riyan. Naging kaibigan ko iyong si Oscar noong tinulungan niya akong maghanap ng trabaho dito sa Ambil." ani Mama, smiling awkwardly.

I nodded. But not convinced. I know my Mom very well. She is bad at lying unlike me. May tinatago sa akin si Mama at ayaw niyang malaman ko. Ngunit, mas may tiwala ako kay Mama. I'm sure she knows how hard life is to us kaya hindi na niya pahihirapan pa ang sarili. I decided to shrugged it off and forget about it. I thought I was just overthinking.

Tuwing umuuwi si Mama galing trabaho ay may ngiti sa kanyang mukha. Hindi katulad ng dati niyang mga trabaho, kaya naman napapanatag ako. She never informed me about her job. I asked her once but she told me that it is just a normal province job. Kaya naman I assumed it is what she does back when we were still in Manila. Naglilinis siya ng bahay at naglalaba o kaya naman ay nakikitinda sa palengke. Iyon nga lang, hindi maalis sa isip ko ang pagdududa. My mom would always go home tipsy. Ang kanyang damit tuwing umaalis ay tipikal na pambahay samantalang kapag uuwi naman ay nakakaakit na. This time, she's wearing a leopard plunging neckline dress. Halos kita na ang dibdib ni Mama na isang hawi lang ay lalabas na ang tinatago. She would always show me what's inside her wallet. This time, it has five thousand pesos.

Found Love in the ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon