"NAKAKAINIS KA naman, Herms, bakit hindi ako ang tinawagan mo? Bakit itong si Emily pa? Ang lapit-lapit ko lang sa Fifth Ave, hello. Kung susumahin tatlong tumbling isang kembot lang, nasa LRT station na ako." Angal ni Florence. As usual siya na naman ang topic ng pagkikita nila dahil sa epic na pagco-collapse niya at ang maka-bagong bayani na si Siggy.
Dahil magkakalapit lamang ang opisina nila sa isa't-isa ay nagyayang maglunch out ang mga ito para live daw ang k'wentuhan nilang tatlo, wala daw thrill kung sa telepono lamang sila mag-uusap-usap. Hindi siya makatanggi dahil alam niyang seryoso ang mga itong susugudin siya sa opisina kung hindi siya papayag.
"Hello din, Miss Florence Abigial! Kung naalala mo na nasa Laguna ka ng mga panahon na iyon. Paano nga kita tatawagan, aber? Sige nga. Kaya wala akong choice kundi itong si Emily ang tawagan kahit na alam ko kung gaano kataranta ang isang ito. Mukhang una pa itong mapupunta ng emergency room kesa sa 'kin, eh." Turo pa niya kay Emily.
Sa halip na magalit sa sinabi ay ngumiti pa ng pagkatamis-tamis ang huli. "Kasi naman teh, sinong hindi matataranta ang pogi talaga ng savior mo. Magulo na nga ang utak ko noong tawagan mo ako mas lalo pang nagulo noong makita ko siya."
She can't help but to roll her eyes. Bumalik na naman po kay Siggy ang usapan. Kulang na lang yata ay gawing ulam sa kanin ng mga ito ang binata kung pag-usapan. At lahat yata ng magagandang adjective ay nagamit na ni Emily para ilarawan ang binata.
"Guwapo ba talaga, Ems? Dali k'wento ka pa!" Florence asked while giggling.
Tuluyan na yata siyang nawala sa paningin ng dalawa dahil bumaling ang mga ito sa isa't-isa, na para bang sinasabing siya lang ang hindi nakakita ng pagiging pogi ni Siggy. Nakita naman niya hindi lang siya kagaya ng mga itong OA kung maka-react.
"Sobra! Kulang ng justification ang TV sa ka'guwapuhan niya. Kung hot siya sa TV, mas lalo sa personal. And imagine, DJ pa siya. Ang pogi-pogi niya, iyong tipong pogi na hindi ka magsasawang tingnan. Tapos hero na hero pa ang peg sa buhay. Kung may sasagip na ganoon ka-pogi sa akin, willing akong mag-collapse anytime."
She can't help but to smile. Tama naman kasi ang kaibigan. Kulang ang description na pogi dito. May nakapag-video ng insidente nila sa LRT at napabalita pa iyon. And knowing what the social network and media can do, overnight it went viral. Nagulat pa nga siya ng sabihing isa DJ sa radyo ang binata dahil doon mas naging sensationalised ang balita. Madami ang humanga sa kabayanihang ipinakita nito. Madami din ang kinilig at tumaas ng todo-todo ang pogi points nito. At dahil doon ay nadamay ang tahimik niyang mundo sa pagiging sikat nito. Siya daw ang prinsesang sinagip ng magiting na kabalyero. Nakahinga lang siya ng maluwag ng hindi na sabihin sa TV ang rason kung bakit siya nahimatay dahil baka kapag sinabi iyon ay muli na naman siyang mag-collapse. At dahil din doon ay hindi na pumayag ang Daddy at Kuya niya na hindi siya ihahatid sa umaga kahit na anong gawin niyang tanggi.
"Buwis buhay lang talaga makakilala lang ng pogi?" Nakataas ang kilay niyang tanong.
Umirap si Emily sa sinabi niya. "Gano'n talaga para makakita ng love kailangang magsakripisyo. Palibhasa kayong dalawa naranasan n'yo ng magmahal. Paano naman kaming mga NBSB?" Pinalungkot pa nito ang tinig.
"Huwag kang magmadaling magmahal, Ems, dahil minsan ang mismong pagmamahal ang sakripisyo." Hindi niya maiwasang isantinig. It was supposed to be a joke pero malamang ng sineryoso ng dalawa.
Kita niya ang pagkagat ng labi ng kaibigan. She smiled at them.
"O, wala akong ibig sabihin sa sinabi ko. Words of wisdom lang 'yun. Huwag masyadong bigyan ng kahulugan." Depensa niya. Alam na kasi niyang mag-aalala na naman ang mga ito sa kaniya.