"YOU'RE CUTE." Puri ni Siggy sa kaniya.
She couldn't help but to roll her eyes. "Stop saying that. Pakiramdam ko poddle ako."
Tumawa lang ito. "Sorry, can't help it. Bagay sa 'yo ang ganyang damit. You should wear something like that often."
Muli nitong sinuyod ang kabuuan niya. And again, she couldn't help but to blush. Hanggang bumbunan na yata ang pagblu-blush niya dahil sa paraan ng pagtitig nito. Obviously, nagustuhan nito ang suot niyang damit. Summer theme daw ang charity function ng Mommy nito kaya naman napilitan siyang magsuot ng summer dress. She was wearing a haltered sundress. Hanggang sakong ang haba noon pero malambot ang tela, sumasabay iyon sa bawat galaw niya. Maging ang kombinasyon ng kulay ay malamig din sa mata, sky blue and pale yellow.
"Para naman akong sira kung papasok ako ng nakaganito araw-araw. Sa lamig sa office namin malamang pulmonya ang aabutin ko." At baka mamaya kapag pumasok siya ng nakabestida biglang magpamisa ang mga katrabaho niya. Kapag espesyal na okasyon lang siya nagsusuot ng ganoong damit sa opisina at kalimitan lang din ay kapag may social function sa kanila.
Tumango-tango ito. "On the second thought, huwag na nga lang talaga. Baka biglang dumami ang karibal ko sa 'yo."
Hay, naku, humirit na naman po.
Akmang magsasalita siya ng tumaas ang kamay nito. "Alam ko na ang sasabihin mo. Aakusahan mo na naman akong nambobola o kaya humihirit na naman."
She just chuckled. "Wala akong sinabi."
"Wala nga, pinigilan kita, eh."
They both laughed. Hanggang sa makababa sila ng sasakyan ay hindi matapos-tapos ang pamumuri nito sa kaniya. Sa isang golf course ginaganap ang charity function ng Mommy nito. Talagang itinaon yata iyon ng ginang para sa summer. Madami-dami na ding tao ang naroroon ng dumating sila. Buong ingat na inalalayan siya ni Siggy sa siko patungo sa direksiyon ng sa hula niya ay mga magulang nito.
Hindi niya maiwasang kabahan. Kaya mo ito, Hermione. Walang malisya ito, friends lang naman kayo hindi ba?
Siggy must feel her tensed. Isang assured na ngiti ang ibinigay nito sa kaniya na tila nagsasabing mag-relax siya.
"Sigifredo!" Masiglang bati ng ginang sa binata. Naaliw siya ng makitang napangiwi ang binata sa pagbanggit ng ina sa tunay nitong pangalan.
"Maraming salamat, 'My, sa pagkakalat sa tunay kong pangalan." Anito sa ina. Tinawanan lang ito ng ginang. "Hi, Dad."
"I'm glad you made it, hijo."
"Alam ko namang katakot-takot na pangongonsensiya ang gagawin ni Mommy kapag hindi ako pumunta." Sagot nito. Pagkatapos ay bumaling ito sa kaniya. "Mom, I want you to meet, Hermione. Hermione, my Mom and my Dad."
"Oh! It's nice meeting you, hija." Magiliw na bati sa kaniya nito. Nakipagbeso-beso din ito sa kaniya. She instantly felt her warme welcome. "Call me Tita Margaret. You look like your mother."
Natutuwang napangiti siya. "Madami nga pong nagsasabi. Pasensiya na po ulit kayo kung hindi makaka-attend si Mommy. She really wanted to."
Iwinigayway nito ang kamay sa harap niya. "It's really okay. Saka nakausap ko na naman siya kanina. And I'm sure marami pang araw para magcatch up kaming dalawa."
Bago pa sila umalis ng bahay ay kausap na ng Mommy niya ang ginang. Bigla kasing nagkaroon ng business trip ang mga magulang niya. At dahil masyadong sweet ang mga magulang kung kaya't hindi ang mga ito makaalis ng hindi kasama ang isa't-isa.