Chapter Eleven

12.3K 231 27
                                    

YOU CAN do this, Hermione. Tandaan mo lakas ng loob ang kailangan. Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili habang papasok ng Tea Fairy. Pero habang papalapit siya sa kinaroroonan ni Siggy at ng mga kaibigan nito parang umuurong na ang lakas ng loob na inipon niya habang biyahe.

"I can do this. No guts, no love." Pangungumbinsi niya sa sarili. Dalawang linggo na siyang naninibago sa binata. Tila may iba dito, tahimik na tahimik lang ito at parang laging malalim ang iniisip. Nagsisimula na din siyang mafrustrate dahil hanggang sa mga oras na iyon ay hindi na di nito nagtatanong sa kaniya.

Agad siyang nginitian ni Bethsaida ng tuluyang makapasok sa tea house ng mga ito. Kahit nakatalikod ay hindi niya napigilang hanggaan ang binata. Kahit hindi pa ito humaharap ay iba na ang epekto sa kaniya nito, Siggy made her heart beat crazy.

Isang buntong-hininga pa ang ginawa niya bago tuluyang lumapit sa binata. Seryoso itong nakaharap sa laptop nito. Kita niya ang pagkagulat sa mukha ni Siggy ng makita siya. Mabilis na tumayo ito.

"Hermione!" Wika nito sa gulat na tinig.

Dama niya agad ang pag-alalay nito sa kaniyang siko pang maupo. She stood still. Damang-dama din niya ang pag-iinit ng kaniyang pisngi.

"P'wede ba kitang makausap?" Direktang wika niya. It's now or never.

Naguguluhan man ay tumango ito. "Dito tayo."

Laking pasalamat niya ng dalhin siya nito sa may dulo ng shop. Sa lugar na madalas nilang p'westuhang dalawa. Pagkaupong-pagkaupo ay pinagsalikop niya ang kaniyang mga kamay. She was tensed. At nakaka-tense naman kasi ang titig nito. Tila hinihintay nito ang sasabihin niya.

"Iniiwasan mo ba ako, Siggy?" There she said it.

"What?!" Bahagya pang napalakas ang tinig nito. Matapos sulyapan ang tao sa paligid niya ay ibinalik nito sa kaniya ang atensiyon. "Bakit naman kita iiwasan?"

"Ewan ko. Hindi ko alam. It's just that this past few days you seems different. Palagi ka na lang tahimik tapos parang ang lalim-lalim ng iniisip mo. It's just that... It's..." Nakagat niya ang pang-ibabang labi.

Hind ito nagsalita tila hinihintay ang sunod pa niyang sasabihin. Napayuko siya.

"I miss the Siggy I know." Wika niya na halos pabulong na. Halos mabingi na siya sa lakas ng tibok ng puso niya. Naramdaman na lang niya ang pag-angat ni Siggy sa kaniyang mukha. She was welcome by his warm smile. A smile that made her heart leap.

"Namimiss mo ako?" Pilyo ang pagkakangiti nito.

Frustrated na napaungol siya. "You're enjoying this." Akusa niya.

"Kinda." Maiksing sagot nito na lalo niyang ikinaungol. "I miss you, too, Hermione." Balik nito sa kaniya bago pa muli siyang nakapag-protesta. "God, I miss you, woman. Alam mo ba kung gaano kahirap ang bigyan ng pahinga ang sarili kong mahalin ka. Humingi nga ako ng time out para mahalin ka pero sa tuwing ngingiti ka naman babalik na naman ako sa court para muling sumugal sa pagmamahal mo."

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Time out? So kaya ka weird nitong mga nakaraang linggo ay dahil sa time out na iyan?"

Seryosong tumitig ito sa kaniya. "Kailangan ko munang bigyan ang sarili ko ng pahinga dahil baka bigla na lang akong mabaliw sa kakaisip sa 'yo at bigla na lang kitang ipakidnap. Hindi madaling makita kang kasama ka ng lalaking 'yon. Matapos ka niyang saktan at paiyakin, he did not deserve your love."

As much as she was enjoying his confession, mas lalo lang siyang nalilito. "Sandali nga lang, nakita mo kami ni Jace? Saan? Kailan?"

Madilim ang ekspresyon nito na tila ba ayaw nang maalala pa ang mga sinabi niya. "Last last week, sa CiBo."

"Nakita mo kami? Bakit hindi kita nakita?"

Sumimangot ito. "Hindi ako gaanong ka-masokista, Hermione. Selos na selos ang puso ko ng makitang may pahaplos-haplos pa siya sa pisngi mo. Alam kong mahalaga sa iyo ang oras na iyon kaya pigil na pigil ko ang sarili kong sugurin siya at agawin ka mula sa kaniya."

Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya napigilan ang mapangiti. Kusang umangat ang kamay niya upang haplusin ang pisngi nito. "Eh, sana lumapit ka na nga. Nakipagkita siya sa akin kasama ng fiance niya, gusto nilang humingi ng tawad sa akin dahil pakiramdam nila ay nasaktan ako at according to Millie's words ay wala silang karapatang lumigaya kung may tao namang nasasaktan. And I do forgive them with all my heart. Mabait si Millie. Naka-move on na ako." Pagkasabi noon ay ngumiti siya. "At saka hindi mo naman ako kailangang agawin. I'm willing to be yours, Sigifredo Cortez. Iyon ay kung willing ka lang naman."

Nanlaki ang mata nito. "Heck, woman! Alam mo ba kung ano 'yang inaalok mo?"

Buong pusong tumango siya, sinalubong ang mga titig nito. "Alam ko."

Pinakatitigan siya nito. "Walang bawian ito, wala ding urungan. Alam kong hindi ko kayang palitan ang anim na taong pagmamahal mo para sa kaniya pero handa akong ialay ang buong buhay ko para patunayang kaya kitang mahalin ng higit sa pagmamahal niya."

Dama niya ang sinseridad sa tinig nito. At sa simpleng katagang iyon ay bahagyang namasa ang pisngi niya. She smiled at him. "Ngayon ako naniniwalang wala sa tagal ng panahon nasusukat ang pagmamahal, Siggy. You've been there for me for those time that I thought nobody would love me. You've been there to protect me. Pinagdasal ko kay Lord na i-heal niya ang puso ko, then I knew He sent you. Matapang mong tinawid ang pagitan ng mga tren para lang masagip ako. Pero sa mga oras na iyon sinagip mo na din pala ang puso ko." Ramdam niya ang pagbagsak ng kaniyang luha. Kita niyang bahagya na ding namamasa ang mga mata nito. Sabi nga nila hindi karuwagan ang pagpapakita ng emosyon, hindi iyon nakakabawas ng pagkalalaki. At dahil sa mga luhang iyon, sa katapangang iyon mas lalong lumalim ang pagmamahal niya sa binata. Sino ba naman talaga ang hindi magmamahal sa isang kaya nito.

"I'm looking forward spending the rest of my life with you. I love you, Siggy."

Tuluyan nang pumatak ang luha nito. And without a word Siggy grabbed her and kissed her deeply. His lips was full of love, he was so gentle that she thought it would melt her. Napakapit pa siya sa T-shirt nito nang maghiwalay sila. Kapwa naghahabol ng hininga silang dalawa. Masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya pagkatapos ay hinalikan ang kaniyang mga mata.

"I love you more, Hermione. Mahal kita higit pa sa kayang ipaliwanag ng mga salita ko. Noong unang makita kita na may malungkot na mga mata, ipinangako ko na sa sarili kong papawiin ko ang lungkot sa mga mata mo. I even vow to protect you. Kaya kong maghintay para sa pagmamahal mo dahil alam kong wala na akong ibang kayang mahalin ng ganito kundi ikaw lamang."

She playfully smiled. "May nakapagsabi nga sa akin na kaya palagi kang nale-late sa board duty mo ay dahil sa kakahintay mo sa akin sa LRT."

Gumanti ito ng ngiti. "Guilty as charged. So you see, ang tagal na kitang minamahal."

She chuckled. "Huwag kang mag-alala kaya ko namang bumawi."

"Simulan mo na kaya ngayon." Biro nito habang itinuro ang mga labi. Hindi na siya nagpakipot pa. She willingly oblige. Nang mahiwalay ay naghihiyawan na ang halos kalahati ng tao sa Tea Fairy.

Isang flash ng camera ang nagpalingon sa kanilang dalawa. Fawn was grinning from ear to ear.

"Magandang ipang-inggit ito sa mga kaibigan mo, Siggy. Hindi nila nasaksihan ang moment na ito!" Natutuwang wika nito. Sabay na lang silang natawa. Kasabay noon ay ang pagyakap muli sa kaniya ng binata. Sabi nga: God can heal a broken heart but you have to give Him all the pieces.

"You're my answered prayer. I love you, Hermione." Buong pusong bulong nito.

"And you're the restored pieces of me, Siggy. I love you, too. Thank you for loving me." Kusa na siyang humalik dito. Ah, love!

His Dream BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon