Chapter Five

6.1K 107 4
                                    

MULA SA gilid ng mata ni Hermione ay kitang-kita niya ang isang lalaki 'di kalayuan sa building nila. May hawak iyong camera at nakatutok sa kaniya. Nafru-frustrate na napatili siya sa isip. Hindi siya paranoid pero alam niyang siya ang pakay ng lalaking iyon. Hindi naman siya celebrity para bigyan pansin ng showbiz kaya nagtataka siya kung bakit ganoon na lang ang pagsubaybay sa kaniya ng mga reporter. Ngayon ay alam na niya ang nararamdaman ng isang taong biglang nawalan ng privacy. She sighed out of frustration.

"Just ignore them," solidong utos ni Siggy sa kaniya. Gaya ng dati ay hinintay na naman siya nitong lumabas. Ilang linggo na nitong ginagawa iyon sa kaniya. Simula noong makasama nila itong mag-mall ay naging regular na bisita na niya ito tuwing hapon. Noong una ay ilang na ilang siya, hindi dahil sa ayaw niya kundi palagi na kasi siyang inuulan ng tukso sa opisina ngunit kalaunan ay nasanay na din siya. Friendly naman kasi ang approach ni Siggy.

Eh, kaibigan nga lang ba talaga?

Sinulyapan niya ulit ang photographer. Nakababa na ang bintana ng kotse nito at malamang nakuha na ang gusto. Napa-iling ulit siya.

"Madaling sabihin sa 'yo dahil sanay ka na. Ano bang nahihita nila sa kakasunod sa akin? Walang interesting na nangyayari sa buhay ko para subaybayan nila. Baka mamaya sila pa ang ma-bored sa bahay-opisina kong routine." Hindi na talaga niya napigilang maiangal.

Siggy chuckled. "Masasanay ka din at magsasawa din sila."

Hindi nito napagaan ang pakiramdam niya. "Ayokong masanay at sana nga magsawa na din sila." Ikinabit na niya ang seatbelt at sumakay na din ito.

Bago nito paandarin ang sasakyan ay may inaabot ito sa kaniyang paperbag. She accepted the bag but gave him a questioning look. Naging habit na din yata nito ang bigyan siya ng kung ano-ano out of nowhere. Kapag tinatanong niya kung para saaan iyon ay palagi lang din nitong sinasabing token of friendship iyon. Noong una ay todo tanggi siya pero gaya ng araw-araw na pagsulpot nito sa office nila tuwing hapon, nakasanayan na din niya.

"You're really spoiling me. Sobra-sobra na, Siggy. Ano na naman 'to?"

Hindi ito nakatingin sa kaniya bagaman nakangiti. "Bahay at lupa."

She just chuckled. Kaya kasundo ito ng dalawa niyang mahaderang kaibigan dahil mabiro din ito. "Nasaan ang titulo?"

"Ipapa-LBC ko na lang bukas." He motioned his gift. "Buksan mo na."

Tiningnan niya ang regalo. Kaya naman pala hindi pa nito pinapaandar ang kotse. "Marunong ka pa sa 'kin. Mamaya na lang, nagmamadali ka ba?"

Natatawang napakamot ito sa ulo. "Gusto ko lang makita kung gusto mo."

Saglit na nag-isip siya. Ang totoo ay gustong-gusto na talaga niyang makita ang laman noon kaya lamang ay nahihiya siya sa binata. Baka naman sabihin nito ay atat siya sa mga ibinibigay nito. Then she smiled. "Sige na nga. Pero sana last na ito, Siggy, nakakahiya na sa 'yo. You shouldn't be giving me gifts."

"Don't be. Masaya ako kapag nakikita kitang nakangiti."

Hinugot niya mula sa paperbag ang regalo nito. Then she looked at him with an awe. Libro iyon, at sa pagkakaalam niya ay kakarelease lang noon. Next week pa nga niya balak mag-order dahil naubusan siya ng trade paperback. Mas handy kasi para sa kaniya ang ganoon kaysa sa hardbound na libro.

Maang na napatingin siya dito. "H-How...? I mean..."

"Naalala kita ng makita ko 'yan. Nabanggit mo kasing hinihintay mo ang trade paperback copy niyan. So, I bought it for you. Muntik pa nga akong maubusan ng stock niyan. Mabenta pala 'yan."

His Dream BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon