Kabanata 3

58.5K 1.9K 105
                                    

Kabanata 3

"Oh, you're awake!"

Mabilis kong tiningnan ang nagsalita. Nakita ko si Gregory na nakasandal sa may pinto. May dala siyang mug sa kanyang kamay. Kumunot ang noo ko dahil nalito ako. Bumalik ang tingin ko sa anak ko na ngayon ay nakayakap pa rin sa akin.

"A-Ano..."

Hindi ko maituloy ang sasabihin dahil sa malamig na tingin ni Gregory. Naalala ko kung ano ang nangyari kagabi. Siya ba ang nagligtas sa akin?

Umayos siya ng tayo at saka itinuro ang labas. "Let's eat. Nagluto ako."

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at saka inilibot ang tingin sa buong kuwarto. Nasaan ako? Hindi ganito ang condo unit ko, eh.

Ipinilig ko ang ulo ko at tumayo. Binuhat ko ang anak ko at lumabas sa kuwarto. Nakita ko si Gregory na nakatalikod sa amin. Hindi ko maiwasan ang mapatingin sa paligid nang makalabas sa kuwarto.

"Mommy! He is daddy!" masiglang sambit ng anak ko na ikinagulat ko.

Nang tingnan ko si Gregory ay nakatingin na siya sa amin. Hindi ako makapagsalita dahil sa kaba ngunit sobrang gaan sa pakiramdam na naibalik na sa akin ang anak ko...o ibabalik nga ba?

Nakatingin lang ako kay Gregory na ngayon ay hinahanda na ang kanyang niluto na pagkain. Napansin ko na masasarap ito at lutong pinoy. Nakita ko rin na nagtimpla siya ng gatas at inilapag sa tabi ng walang laman na plato.

"Let's eat," ani Gregory sa mababang boses.

Bumaba si Grazer mula sa pagkabuhat ko at lumapit kay Gregory na siyang ikinagulat ko.

"Daddy, I want chicken! I hope it's okay, Daddy!" malambing na sambit ng anak ko at saka ako nilingon. "Mommy, I am so happy!"

Ilang araw na ba ang nakalipas? Bakit ganito agad ang anak ko sa kanya? Ano ang ginawa niya para mapaamo ang anak ko?

Napalunok ako at saka lumapit na rin sa hapag. Naghila ako ng upuan at saka nagbaba ng tingin sa pinggan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa lalaking nasa tapat ko na ngayon ay nakatingin na sa akin. Si Grazer ay nasa tabi niya, kumakain na ng fried chicken.

"Eat."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko na nagsalubong na ang kilay niya.

"What?" Nagsalubong lalo ang kilay niya dahil sa tingin ko.

Umiling ako at nagsimula nang kumuha ng pagkain. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Ang nasa isip ko ngayon ay kung paano ko siya kakausapin after 5 years of running away from him. Ayokong malayo muli sa anak ko. Kahit kunin na niya ang lahat sa akin, huwag lang ang anak ko.

"Mommy, Daddy sang a lullaby last night. He knows how to sing, Mommy!" kuwento ni Grazer habang may laman pa ang kanyang bibig. Binalingan niya si Gregory. "Daddy! Mommy said that you're malayo po! That's why I didn't see you."

Halos hindi ko maisubo sa bibig ko ang kanin dahil sa sinabi ng anak ko. Iyon lang ang tanging naging palusot ko upang hindi na siya muli magtanong tungkol sa Daddy niya.

"Really?" sarkastikong ani Gregory. "I didn't know about that."

Nag-iwas na lamang ako ng tingin at nag-focus na lang sa pagkain. Magpapalakas muna ako ng loob bago ko siya kakausapin. Marami akong tanong sa kanya lalo na't ngayon lang siya nagkaroon ng interes na kunin ang anak ko na malaki na.

Nang matapos na kaming kumain, nagboluntaryo ako na maghugas ng pinggan pero inagaw lang ni Gregory ang pinggan ko na hawak at kumuha ng gloves. Wala akong magawa kundi ang hayaan siya.

Lumapit ako sa anak ko at niyakap siya ulit. Hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako lalo na't may posibilidad na malalayo muli siya sa akin.

"Mommy, hindi na ba aalis si Daddy?" tanong ng anak ko sabay angat ng tingin sa akin.

Pinanganak at lumaki si Grazer sa Australia. Ngunit kahit English ang naging native language niya, tinuruan ko pa rin siya sa lenguwaheng Filipino ngunit may pagkabulol nga lang.

Nagtagal ang tingin ko sa kanya. Hindi ko maiwasan ang malungkot dahil alam ko kung gaano kasabik magkaroon ng kompletong pamilya si Grazer at pinagkait ko iyon sa kanya. Siguro maintindihan din ng anak ko ang lahat kapag nasa tamang edad na siya. Sa ngayon, hahayaan ko muna siya sa mga paniwala niya.

***

"Greg..."

Natigilan si Greg sa pagbuklat sa isang magazine nang makita niya akong nakatayo sa harapan niya. Napansin ko na kami lang ang nandito sa sala kaya medyo kinabahan ako. May condo unit ba siya sa Australia?

"H-Hindi ko alam kung ano ang plano mo pero huwag mo sanang ilayo sa akin ang anak ko," panimula ko.

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin, nakikinig.

Nagpatuloy naman ako. "Siguro ginawa mo lang ito kasi pinigilan ko ang kasal ninyo ni Khadijah at kahit anong sorry ko ay hindi ko na mababalik sa dati ang lahat. Kung puwede–"

"Hindi."

Napaatras ako ng isang beses nang tumayo siya at humakbang palapit sa akin. Nag-iwas ako ng tingin nang magtama ang paningin namin.

"I don't have time for revenge, Honey." Napatalon ako sa gulat nang maramdaman ko ang kanyang kamay sa pisngi ko. "I just want to be with my daughter."

Napatingin ako sa kanya at nagsimula nang nanubig ang mga mata ko. "P-Pero puwede naman natin itong pag-usapan, Gregory. H-Hindi ko siya ipagdadamot sa iyo. Huwag mo lang siyang ilayo sa akin."

Iyon na lang ang tanging option para makasama ko ang anak ko. Kung gusto niya ay hati kami sa oras, ayos lang. Basta huwag lang niyang ilayo sa akin ang anak ko.

"Malayo ang Australia sa Pilipinas at tingin ko, mas magandang pag-usapan muna natin ang tungkol sa kanya dito sa Australia," dagdag ko pa.

Nagulat ako nang mahina siyang tumawa. Inangatan niya ako ng kilay at saka ngumisi nang nakaloloko. Bigla tuloy akong napalunok.

He leaned closer to me and smirked. "What are you talking about, baby?"

Lumayo siya sa akin at saka ngumising lumapit sa mahaba na kurtina. Napapikit ako nang bigla niya itong hinawi kaya nasikatan ako ng araw. Kumalabog nang mabilis ang puso ko nang mapansin ko na iba ang paligid sa labas.

Napatingin ako kay Gregory. "This is not Australia."

Tumango siya at umangat ang gilid ng kanyang labi. "Yes, welcome to the Philippines, Honey."


***  

A/N: Straight update tomorrow. Sorry everyone. This will be the last time na i-edit ito. Kapagod eh. Haha lapag ko na lang ulit lahat! 

Runaway #3: The Runaway Mom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon