Kabanata 8
Ginamot ni Gregory ang sugat ko sa pisngi. Mabuti at tulog ang anak ko dahil baka iiyak iyon kapag nakita ako sa ganitong kalagayan.
"Tingnan mo ang ginawa ng Jacob na iyon sa pagmumukha mo. Tanginang lalaking iyon," narinig kong bulong niya habang nilalagyan niya ng bulak ang pisngi ko.
Napapikit ako dahil sa hapdi pero ininda ko iyon. Kasalanan ko rin naman na nangyari ito sa akin dahil lumabas ako sa gabi.
"O-Okay na. Ako na ang bahala," pagpigil ko sa kanya pero napasigaw ako sa hapdi nang idiniin niya ang bulak sa sugat ko.
"Shut up or you will never see your daughter again," banta niya kaya itinikom ko na lang ang aking bibig.
"Ipapa-enrol ko si Grazer sa isang paaralan. Make sure you will always be there for her since I have work," sambit niya matapos niyang gamutin ang sugat ko.
Hindi na ako nagprotesta at sumang-ayon na lang sa gusto niya. Magandang ideya iyon dahil nasa tamang edad na rin naman ang anak ko para mag-aral.
Aalis na sana si Greg nang hinawakan ko ang laylayan ng damit niya. Gulat niya akong binalingan at bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa damit niya.
"What?"
"S-Salamat sa pagligtas sa akin, Gregory," pasasalamat ko.
"Tsk."
Hinila niya ang damit niya mula sa kamay ko at umalis na. Nang ako na lang ang mag-isa sa sala, naibagsak ko na lang ang balikat ako at napasapo sa aking noo. Muntik na. Muntik ko nang hindi makita ang mundo dahil akala ko ay katapusan ko na.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa boses ng anak ko. Napangiti ako nang marinig ko ang mga yapak niya patungo sa akin.
"Mommy, wake up! I am going to school! Daddy bought me a bag!" sunod-sunod na sambit ni Grazer.
Inimulat ko ang aking mata at tumagilid ng higa. Umawang ang labi ko sa gulat nang makita ko na bihis na bihis na ang anak ko. Talaga bang mag-aaral na siya?
Bumangon ako at inayos ko ang buhok ko. Ang dali lang ng panahon. Parang kailan lang ay naglalaro pa ng mga manika ang anak ko. Ngayon, may dala na siya na bag at excited na mag-aral.
Kailangan ko rin ma-contact si Jerah dahil gusto kong ipadala niya sa akin ang mahahalagang dokyumento ko. Paniguradong hinahanap na ako no'n dahil umalis ako na walang paalam. Hindi ko rin alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya kasi kahit ako ay hindi alam paano napunta sa Pilipinas.
At saka, mukhang magtatagal ako rito dahil mag-aaral na ang anak ko. Hindi naman puwede na iiwan ko siya rito. At isa pa, kailangan ko rin maka-usap nang maayos si Gregory para sa pag co-parenting namin kay Grazer. Gusto ko na ma-settle na walang gulo na magaganap.
"Anak..." Lumipat ang tingin ko sa buhok niyang naka-braid. "Sino ang gumawa sa iyo ng ganiyan?" Tinuro ko ang buhok niya.
Hinawakan niya ang buhok niya. "Mommy, si Ate Dina!"
Kumunot ang noo ko. Dina? Sino iyon? Ibinaling ko ang tingin ko sa pintuan at nakita ko na naroon ang isang babae na naka-uniporme ng pangkasambahay.
"Good morning po, Ma'am. Ako nga po pala si Dina. Ako po ang magiging yaya ni Grazer," pakilala niya sa kanyang sarili at ngumiti.
Ah, yaya pala.
Hindi siya katangkaran na babae pero masasabi ko na hindi nalalayo ang edad namin. Maikli ang kanyang buhok at bilog ang kanyang mga mata. Ang kanyang ngiti ay nakakahawa kaya wala akong mahanap na negative vibes sa aura niya.
BINABASA MO ANG
Runaway #3: The Runaway Mom (COMPLETED)
RomansRunaway Series 3 Book cover illustrator: Christine Erica Bacal