Kabanata 9

53.9K 1.4K 42
                                    

Kabanata 9

[FLASHBACK]

Mag-isa lang akong nakatira sa inuupahan ko. Matapos akong pinalayas ng aking tiyahin ay naging mas mahirap sa akin lalo na't may bata na sa aking sinapupunan. Kahit buntis ako ay nagtatrabaho pa rin ako sa aking sarili at nag-iipon upang may ibabayad kung sakaling manganak ako.

"Ma'am, puwede bang sa susunod na buwan na lang ako magbabayad ng upa? Hindi pa kasi sapat ang pera ko," pakiusap ko sa may-ari ng kuwarto na inuupahan ko.

"Aba! Namimihasa ka na!" singhal niya sa akin. "Sige! Huli na ito at kapag hindi ka pa rin nagbabayad, talagang aalis ka na rito. Wala na akong paki kahit buntis ka! Bwisit!"

Bigla akong naawa sa aking sarili. Naubos ang pera ko at hindi ako pinatrabaho ng may-ari ng karenderya dahil malaki na ang tiyan ko. Naisip ko rin minsan na ipalaglag ang bata para hindi na ako maghirap pero hindi ko magawa dahil mahal ko ang bata na ito kahit hindi pa siya lumabas sa mundong ito.

Habang nag-aayos ako sa aking hinihigaan, biglang may kumatok sa pinto ng aking kuwarto. Kinakabahan ako dahil wala naman akong inaasahan na bisita. Lumapit ako sa may pinto at saka bumuga ng hangin. Hinawakan ko ang dook knob at saka binuksan ang pinto. Pagbukas ko, nagsalubong ang kilay ko nang bumungad sa akin ang hindi pamilyar na mga tao.

"Sino kayo?" tanong ko at naalarma.

Humakbang ang lalaki na makisig.

"Hi, Honey Lou Andrade. I am Brent Young and I want to talk to you," pakilala niya sa kanyang sarili sabay ngiti.

Nagdadalawang-isip ako kung papapasukin ko ba sila sa kuwarto ko o hindi. Ayaw ko rin gumawa ng eksena dahil baka matalsik ako ng wala sa oras.

Sa huli, nilakihan ko ang pagbukas ko ng pinto at pinapasok ko sila.

"Maupo kayo. Pagpasensyahan niyo na. Hindi po kagandahan ang kuwarto ko."

Umupo ako sa kama ko at sila ay sa maliit ko na sofa. Malaki naman ang space ng kuwarto ko. May sariling hapagkainan at maliit na sala na siyang inuupuan nila ngayon. Ngunit saglit lang ang pag-upo ng kasamahan ng makisig na lalaki dahil pinalabas niya ang mga ito.

"Si Gregory ba ang ama ng magiging anak mo?"diretsang tanong niya na ikinasinghap ko.

Kinuyom ko ang aking kamao sa aking hita at nag-iwas ng tingin.

Humugot siya ng malalim na hininga. "Hindi ako nandito para husgahan ka. I am here because I need your help."

Napatingin ako sa kanya. Ano ang ibig niyang sabihin? Help? Saan? Kay Gregory?

Umiling ako. "Wala akong maitutulong sa iyo. Tahimik na ang buhay ko."

"Khadijah is getting married again," pagkuwento niya. "Magpapakasal na siya ulit kay Gregory."

"W-Wala na akong paki."

"I will help you. Tutulungan kitang makaalis ng bansang ito at mamuhay ng tahimik. Please help me."

Bigla akong nabuhayan sa kanyang sinabi. I am desperate to leave the country. Sawa na ako sa ganitong buhay. Gusto kong mamuhay nang tahimik kasama ng magiging anak ko.

"Ano ba ang maitutulong ko?" tanong ko sabay haplos sa aking tiyan.

Nakita ko na nagbaba siya ng tingin sa malaki kong tiyan bago ako tiningnan.

"Help me stop the wedding."

And just like that, pumayag ako at nagtagumpay naman. Nakalabas ako ng bansa at doon ko ipinanganak si Grazer. Hindi ako binalewala ni Brent dahil tinulungan niya ako magkaroon ng sariling condo unit at binigyan niya ako ng pera. Hindi nasayang ang lahat dahil nakaalis ako at namuhay nang tahimik.

***

"Hindi ba may lakad ka pa?" tanong ko kay Gregory nang makalabas na kami sa paaralan.

Tapos na naming mapa-enrol si Grazer at akala ko ay hindi kami sasabay sa kanya dahil may lakad pa siya pero nakita ko na lang ang sarili ko na sumusunod sa kanya patungo sa parking lot. Binuksan niya ang backseat at pinauna si Dina bago binuhat ang anak ko para makapasok sa loob.

"Daddy! Chicken!"

"Anak, may lakad ang daddy mo. Ako na lang ang magluluto pagdating natin sa bahay," mahinahong sabi ko sabay sulyap kay Gregory na ngayon ay nakakunot na noo habang nakatingin sa akin.

Baka kasi makaabala kami lalo na't may lakad si Gregory at ang girlfriend niya.

Lumungkot ang mukha ni Grazer at niyakap ang maliit na bag.

"Cut it out, Honey. You're making her sad," ani Gregory at binuksan naman ang front seat. "Pumasok ka na. Kakain tayo."

"Kasama ako, Sir?" nagtatakang tanong ni Dina at itinuro ang sarili. "Bababa na lang ako, Sir. Bigyan niyo lang ako ng pamasahe para makauwi ako at makapaglaba rin ng damit."

Napatingin ako kay Dina at hindi agad nakapasok sa loob dahil sa kanyang sinabi.

"You're coming with us," malamig na sambit ni Gregory at sinenyasan ako na pumasok.

Huminga ako nang malalim at umupo na sa front seat. Sinara ko ang pinto at saka nilagyan ang sarili ng seat belt.

***

"Daddy! I want jollibee!" excited na sambit ng anak ko habang nagmamaneho si Gregory.

Nilingon ko ang anak ko sa backseat at saka nginitian siya. Hindi ko alam kung pupunta ba si Gregory sa Jollibee. Mas gusto niya kasi sa mga mamahaling restaurant at hindi masyadong crowded. Pero sana ay pagbigyan niya ang anak ko.

"Alright."

Nagulat ako sa sinagot ni Gregory at napatingin ako sa kanya. Mukha siyang good mood ngayon.

"Ma'am Honey, may kamukha ka pong model," biglang sambit ni Dina sa likod.

Nailipat ko ang tingin sa kanya dahil sa kanyang sinabi.

"Huh?"

"Totoo po! Ang ganda talaga ng buhok mo, Ma'am, lalo na ang mga mata mo!" pagpuri niya. "At saka bagay po kayo ni Sir."

Namilog ang mata ko sa sinabi niya at biglang nag-init ang pisngi. Inayos ko ang pag-upo ko at saka tumingin sa may bintana. Narinig ko rin ang pagtikhim ni Gregory na mas lalong ikinainit ng pisngi ko.

Wala bang kaalam-alam itong si Dina? Hindi kami ni Gregory!

Hindi na lang ako nag-react at saka ipinikit ko na lang ang aking mga mata. Ang laki ng syudad at halos hindi ko na maalala kung kailan ako huling nakapunta rito. May mga bagong buildings at kadalasan sa kanila ay mga hotels and malls.

Niliko ni Gregory ang kanyang kotse nang makarating kami sa mall. Nag-drive siya muli patungo sa parking lot ng mall na nasa second floor.

"Mommy! Lots of cars!" manghang sambit ni Grazer at inilagay ang kanyang palad sa glass ng bintana. "Mommy!"

Natawa ako kay Grazer at saka ibinaling ang tingin kay Dina na ngayon ay nakangangang nakatingin sa may bintana. Napangiti na lamang ako. Kay gandang tingnan na ang inosente niya sa maraming bagay.

Nang makapag-park na si Greg ay bumaba na kami at dumiretso sa entrance patungo sa loob ng mall. Halos habulin ko na si Grazer dahil nauna itong tumakbo papasok sa loob. Halos madapa rin siya kaya nag-aalala ako.

"Grazer!" sigaw ko nang akmang hahabulin muli nang biglang hinawakan ni Gregory ang palapulsuhan ko. Napahinto ako at napatingin sa kanya.

"Let her. Nandiyan naman si Dina at nasa paligid lang ang mga tauhan ko," aniya sa kalmadong boses sabay tingin sa akin. "Can we talk?"

"H-Ha?"

Hinila ko ang kamay ko para makawala sa kanyang pagkahawak ngunit hinigpitan niya ito na ikinalunok ko.

"Honey..."

Tumango ako. Kung ano man ang pag-uusapan namin ay makikinig ako. Gusto ko rin naman siyang kausapin tungkol kay Grazer at kukunin ko sa kanya ang mga importanteng documents ko. 

Runaway #3: The Runaway Mom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon