"Ang Pag-Ibig bow"

318 4 2
                                    

Mga kalokohang
Ating nang naranasan
At ating naramdaman
Ang harutan
Na wala naman katotohanan
Ang landian
Na hindi naman pinaninindigan
Ang katangahang
Wala namang patutunguhan
At ang pagmamahal
Na dahilan kung bat ka nasasaktan
Pero bakit ka nga ba nagmamahal? Kung alam mong may posibilidad rin na sa dulo ikaw ang masasaktan
Ganito kasi yan
Nagmamahal ka kasi normal sa tao yan
Ang magmahal at mahalin ang pinakamasarap maranasan at maramdaman
Tao ka
Tao ka kaya wag mong pigilan ang tinitibok nyan
Oo ikaw na nakikinig
Pakingan ang nais kong iparating
Puso yan mahirap tapalan ng gamot kapag sinaktan
Kapag dinurog mo yan
Mahirap ng ibalik ang original form nyan
Kapag nasaktan yan kahit once lang
Nadurog na yan eh
Takot na yan magmahal kasi nagkaphobia na sya sayo
Kaya ginawa ang tulang ito
Para balaan kayo
Na hindi biro ang pagmamahal
Huwag nyong paglaruan kasi hindi yan laruan
Kung hanap mo laruan
Tumungo sa divisoria at maghalungkay ng laruang na hindi masasaktan
At kung landian lang hanap mo please lang wala kang karapatan
Dahil ang pagmamahal hindi yan panandalian
At huwag nyong gawing second option yan
Dahil kung mahal mo dapat wala ng second option pa
Dapat sya lang ang nilalaman nyan
Dahil once na may second option di love ang tawag dyan
At wala kang karapatan magmahal
kung walang kang paninindigan
Wag ka na lang magmahal
Please lang
Itigil mo na lang yan
Dahil sa pagmamahal lahat ng bagay nakasalalay
Ika nga nila handa kang magtake ng risk para sa mahal mo
para sa taong sinisinta mo
Dahil mahal mo yun e
Handa kang lumuha at sumaya na sya ang rason
Yung tipong handa kang masaktan at magpatawad na sya ang rason
Na sya yon
Kasi sya yung pinili mo
Na pangakuan na tutungo sa harapan ng ama
At papangakuan ng lahat ng bagay sa harapan nila
At patunayang pag ibig ang mangingibabaw sa relasyon nyong dalawa

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon