𝟓𝘵𝘩 𝘊𝘰𝘯𝘧𝘦𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯

15 1 0
                                    

Tumango ako kay Anne nang ipakita niya sakin ang black mini dress na kinuha niya sa isang rack, "Ayan, maganda. Isukat mo kaya, beb?" Nakangiti kong sabi habang nakatingin parin siya sa salamin. Dahil petite si Anne, tingin ko tamang tama lang sa kanya yung dress na hawak niya. Actually, maputi din siya so confident akong babagay yun sa kanya. Sakto lang din ang design ng dress, hindi siya overly fitted at hanggang tuhod ang haba nito.

Nasa Mall kami ngayon para maghanap ng damit na isusuot namin sa Year end party ng school. "Ang ganda nyan sayo, Ate Anne!" Masiglang sabi ni Aira habang nakatingin kay Anne, "Isukat mo na dali!" Kasama din namin ang kapatid ko para maghanap ng isusuot niya sa Christmas party nila. Sana all may christmas party. Grade 6 palang kasi si Aira, ilang taon din ang agwat ko sa kanya kaya babyng baby ni mama. Nakakamiss tuloy maging elementary student, yung tipong isa sa mga pinoproblema mo lang ay ang pagpili ng isusuot sa Christmas at Closing party dahil gusto mo magpaimpress sa mga kaklase mo.

Ngiting ngiti naman si Anne, "Thanks! Binola niyo pa ko ah, susukat ko na nga." Sinamahan naman siya ni Aira magsukat sa fitting room. "Sama ako, Ate Anne!" Aba, iniwan pa ko nung dalawa.

Naglibot libot muna ako sa shop para maghanap ng para sakin habang naghihintay ako sa kanilang dalawa. Besides, hindi lang naman sila ang bibili ngayon, ano. Aattend din naman ako kaya kailangan ko din pumili ng sakin. I wonder kung babagay din sakin ang dress or jeans and tee nalang kaya? Hmp. Let's see.

Dahil wala pa akong nakikita na gusto kong isuot sa mga rack ng damit dito sa shop, naisipan kong kamustahin muna si Lance. I grabbed my phone and typed, 'Hey?' and immediately sent it to him.

Wala pa sigurong isang minuto ay nagreply na siya ng, 'Hey, babe, what's up?' Napangiti naman ako dahil don. Napapadalas kasi ang pagtawag niya sakin ng babe nitong mga nakaraang araw. Does that mean yun na ang term of endearment namin? Pwede ko din kaya siyang tawaging babe?

I smiled on the thought of it and then I dialed his number, 'Hello, babe?' Narinig kong sabi niya sa kabilang linya. Umupo muna ako sa lounge area ng boutique, "Hi, Lance, busy ka ba? May itatanong lang sana ako sayo," panimula ko habang nakangiti.

Nakita ko namang lumabas ng fitting room sina Anne at Aira, nakasuot na kay Anne yung dress na kinuha niya kanina sa isa sa mga clothing racks at gaya nga ng sinabi ko sa kanya kanina, talagang bumagay yung kulay at design nito kay Anne. Ngiting ngiti silang dalawa habang tinitingnan sa salamin yung dress na suot niya.

"Hindi naman, nasa bahay lang din ako ngayon. Ano nga yung itatanong mo, Anya?" He answered on the other line. He sounded a bit muffled, mukhang kumakain siya habang nagsasalita.

Nakita ko namang sumenyas na sila Anne at Aira para lumapit ako sa pwesto nila. I approached them before replying to him. "Ah, well it's actually not that important, namimili kasi kami ngayon sa Mall ng isusuot sa YEP, tsaka gusto lang din kita makausap," masigla kong sabi. Hindi ko alam kung normal pa bang ganito yung maramdaman na excitement kapg kausap ko siya. Sa sobrang excitement at saya ko, hindi ko na nga lang namamalayan na nakangiti na pala ako madalas kapag magkausap kami o kahit naiisip ko lang siya. Am I falling already?

Alam kong nakangiti siya habang nagsasalita sa kabilang linya, "I missed you already, Anya." Malambing niyang tugon sakin. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangiti siya dahil na nga din sa napapadalas naming pagsasama, nakakabisado ko na siya.

I replied, "I missed you, too, Lance." Or am I just really into him?

"What do you think, beb? Bagay ba sakin?" Hindi ko naman namalayan na nakaharap na pala sakin si Anne habang pinapakita ang dress niya. Ngumiti ako sa kanya bago nagsalita, "It suites you well, Anne." Sumenyas muna ako sa kanyang may kausap ako sa phone kaya tumango lang siya.

𝘾𝙤𝙣𝙛𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣𝙨 𝙤𝙛 𝙖 𝙎𝙞𝙙𝙚𝙘𝙝𝙞𝙘𝙠 Where stories live. Discover now