ELLEX'S POV:
Maaga akong umalis ng bahay. Hindi ako sanay gumising ng maaga kaya medyo wala pa ko sa mood.. Saturday ngayon at ito ang araw na pinag-uusapan namin.... kaya kahit tinatamad akong bumangon kanina ay tumayo nako..tsk! Nakakatamad mag drive!
Pasado alas otso ako nakarating.. Halos kalahating oras pala ko nag drive papunta dito.. hindi naman malayo, nahirapan lang talaga kong hanapin ang lugar nato..
"Goto ni mami!" basa ko dun sa nakapinta sa malaking kahoy... naka paint sya gamit ang mga pinaghalong kulay... na malamang sa malamang ay goto ang main food nila dito...
*Anong meron sa simpleng kainan nato!?
Paglinga linga ko kasi ay marami akong nakitang magagarang sasakyan sa labas, halos mag siksikan ito sa isang medyo malaki ding parking area sa may tapat ng kainan... Noong una akala ko parking space talaga yun para sa lahat ng gustong mag stop over para magpahinga sa pag da-drive.. Hanggang sa may nakita akong lalaking bumaba sa kotse na kasalukuyan ding doon naka park ang pumasok sa loob ng gotohan..
I let my curiosity lead me inside, Hanggang sa tuluyan akong makapasok...agad na sumalubong sakin ang masarap na amoy... nanuot ito hanggang sa kalamnan ko.
*Nagutom tuloy ako
Agad kong inilibot ang tingin sa paligid.. damn.. this place is amazing... It's look simple and cheap outside pero pag pasok mo naman ay mamangha ka...
Napakalamig sa mata ng kulay ng restaurant... Kung di ako nagkakamali ay forest style ito!
I saw different kind of plants na nasa paso, pero kahit ni isa wala akong makilala doon.. Marahil ay galing pa iyon sa ibat ibang bansa.
Nagpalinga-linga pa ko hanggang sa makuha ng isang halaman ang atensyon ko..
Nilapitan ko yun at matamang pinag-masdan iyon. Di ako pwedeng magkamali, isa itong uri ng halamang damo.
*Makahiya!
Madalas akong makakita nito sa probinsya namin kung saan nandoon ang napakalawak na lupain ng mga DEBIL, which is sa side ng mom ko, na ngayon ay napapabayaan na.
How could this grass look really beautiful!?*Amazing!
Nakalagay ito sa isang kulay kahoy na paso. Alam kong may korte sya pero di ko masyadong makita.. hanggang sa masagi ako ng isang waiter na dumaan sa likod ko at di sinasadyang medyo magalaw ko 'yon.
"Oh, sorry ma'am" hinging paumanhin sakin nung waiter.. tinanguan ko lang sya at nginitian niya naman ako bago tuluyang nagpatuloy sa paglalakad papunta sa side stance, kung saan palaging tinatayuan ng mga waiter..
Tumingin ulit ako sa damo at dun ko napansing tumiklop na pala ang mga dahon nito at lumabas ang tunay na hugis..
*Puso?
Tsk!
Di ko tuloy maiwasang ikumpara ang sarili ko doon.Tulad nang halamang iyon ay para rin akong ligaw na damo, naghahanap ng mapupuntahan.. matapang pero mahiyain tsk! *A bit smile*
Matinik, na pag hinawakan ay maaari kang masaktan o masugatan... madalas kung tumiklop hindi dahil sa hiya kundi sa takot, natatakot ako para sa sarili ko at sa kaligtasan ng mga mahal ko sa buhay... Tsk! Namalayan ko na lang na may luha na palang lumalabas sa mga mata ko... Ng maisip ko ang isang bagay na meron ang halamang iyon..Wala na kasing pwedeng makahawak o makalapit sakin kasi hindi tulad ng damong iyon ay kahit kailan di na ko magkakaroon pa ulit ng puso! Wala akong puso! Kapahamakan lang ang dala ko sa kanila!
YOU ARE READING
THE DEVIL INSIDE ME
Teen FictionShe's an evil girl who found a shelter in the dark! Dark that she never thought she would love. She's happy ruining others life just like what she did to her own. It's fun she thought, so she start controlling people around her and made a game. She'...