ELLEX POV:
Galitin ko kaya to! Haha..
Siguro mas gaganda ang game...pag ginalit ko sya..Ini-start ko yung kotse at I drinive papunta sa pwesto nila...
"Peep" napalingon sakin yung spy. Yung tingin niya sakin sobrang talim.. sa sobrang talim pakiramdam ko kaya akong sugatan nun.. haha.. yan nga! gustong gusto ko yang ganyang tingin!..
*Evil smile*
Habang papalabas ako.
Unti-unti syang lumingon sakin..
Biglang nagbago yung expression niya... Mula sa pagiging matalim ay lumamlam iyon... wow! Magic, ang bilis nun a..."Anong kailangan mo Ms. MORT" haha.. got yah! Confirmed ! sya nga yun!
"Pano mo nalaman kung sino ako?" Walang emosyong tanong ko..
"Nakita ko sa ID mo.." talaga lang ha..?
"Ang talas ng mata mo kung ganun!" Hinuli ko yung tingin nya... hindi naman sya umiwas pero ramdam ko ang pagiging balisa niya!
*sobrang likot ng mga mata mo bobo*
"Anong kailangan mo?" Sinusubukan niyang ibahin ang topic..
Ok then, let's change the topic..
"Wala naman, may daga kasi akong GUSTONG PATAYIN..perwisyo e... sa tingin ko dito yun napadpad e.. dito lang siguro yun nagtatago malapit sa kotse nyo.." makahulugan kong sabi... lumuhod ako at kunyari ay tiningnan ko yung ilalim ng kotse nila....
Pagtayo ko nagkasalubong ang tingin namin nung babae.. nabasa ko sa mga mata nya na para bang nagpapasalamat sya!
Tsk! Di ko kailangan ng pasalamat nya! Hindi ko naman Yun ginawa para iligtas sya, sadyang may kailangan lang akong kumpirmahin sa lalaking kasama niya...
"Nahanap mo ba?" Tanong niya, I just shrug my shoulder...
"Sa tingin ko may pusa namang nagagawi sa parking lot na'to... sila na lang siguro ang papatay nun para sayo" hindi nya pinuputol yung tinginan namin... tingin ko may kino-kumpirma sya galing sakin..
"Hindi, mas gusto ko kasing ako mismo yung papatay..... sa DAGA..." diniinan ko yung salitang daga... at dun niya pa lamang iniiwas ang tingin niya...
Dahan dahan syang napalunok..
"Sa tingin ko kailangan kong ipakilala ang sarili ko sainyo, para naman mag-karoon ako ng kaibigan dito.. Wala kasing gustong maki-pagkaibigan sakin e, ako nga pala si ELLEX, ELLEX LEIGEL DEBIL MORT" inilahad ko ang kamay ko sa kaniya, tiningnan niya pa muna yun at parang nag-dadalawang isip pa sya kung tatanggapin niya ba yun o hindi.. sa huli nakipag shake hands pa din sya..
Pinag-papawisan at nanlalamig ang malambot niyang kamay.."I'm Earl Justin Torillo, and this lady beside me is my girlfriend... Artheris Heartlington" hinigit nya si Artheris sa tabi niya... Inilahad ko din Ang kamay ko sa kanya...
"N-nice to meet you Ellex" utal niyang tugon.. nainis ata si Earl sa inasal ni Artheris kaya diniinan nito yung pagkakahawak niya sa babae.. kita ko sa mukha niya na nasaktan sya sa ginawa sa kanya nang gagong to, pero imbis na dumaing ay ngumiti sya ng bahagya ngunit halatang pilit...
YOU ARE READING
THE DEVIL INSIDE ME
أدب المراهقينShe's an evil girl who found a shelter in the dark! Dark that she never thought she would love. She's happy ruining others life just like what she did to her own. It's fun she thought, so she start controlling people around her and made a game. She'...