Chapter nine

16 2 0
                                    

ELLEX POV:

Sunday night/ 11:42 pm

Hating gabi na pero di parin ako makatulog. Di ko alam kung ano ba talaga ang tunay na buma-bagabag sakin. Dahil ba to sa takot  nung akala ko ay may nangyaring masama kay Deigha o dahil sa naramdaman kong malakas na kabog ng dibdib ko nung halikan ko si Harvey sa pisngi...

Ipinilig ko ang ulo ko at mariin na pumikit.

*Bakit ko ba yun ginawa!?

Tsk! Wala namang masama sa ginawa ko, paraan ko lang yun ng pagpapasalamat sa kaniya, sa pagliligtas niya sakin nung sabado..
Nasa kaniya na lang yun kung mamasamain niya o binibigyan  ng ibang kahulugan.

Napahawak ako sa labi ko, habang yung isang kamay ko naman ay abala sa pag haplos ng dibdib ko..

*Parang binobomba ang puso ko..

Iminulat ko ang mata ko at tanging kisame lang ang nakikita ko at maliban dun ay wala na.

Ilang minuto akong nakatingin dun hanggang sa may bigla na lang lumabas na imahe ng isang duguang lalaki, habang masamang nakatingin sa mga mata ko at nakakapangilabot ang paraan niya ng pag ngisi sakin..

Malabo ang image at bukod pa dun ay naliligo ang mukha niya ng dugo kaya di ko sya makilala...

Huminga ako ng malalim, mariing pumikit at muling nagmulat.
Pilit kong inaaninag ang mukha niya pero Hindi ko talaga mai mwestra ang hitsura niya...

Naging tuliro ang isip ko..

*Hindi totoo ang nakikita mo ellex!
You're just imagining things..

Pero mukha talaga syang totoo, umupo ako sa kama at tiningala iyon...

Kailangan kong alamin kung sino yun!

Sa kalagitnaan ng pagtitig ko sa kaniya ay bigla na lamang may pumatak na malamig na likido sa mukha ko... pinahid ko yun gamit ang isang daliri ko. Naghanap ako ng liwanag para sana alamin kung ano yun, pero nabigo ako. Sobrang dilim ng kwarto ko at kahit konting liwanag ay wala akong nakita.

Isang paraan na lang ang alam ko.
Inilapit ko ang daliring pinangpahid ko sa ilong ko at inamoy iyon...

DUGO!

Nanigas ako sa kinauupuan ko at ultimong pag galaw ng mata ay di ko magawa...

Paulit ulit na lang..

Gabi-gabi na lang bang ganito!?
Kailan ba to titigil?
Kailan ba ko makakatulog ng mahimbing?

Minsan natatakot na kong matulog kasi kahit ang panaginip ko ay pinapasok nila ng walang pangundangan...

Para sakin isa yung bangungot!
Bangungot na kahit gising ako ay tatakutin ako..

"Mom---dad"  mahinang bulong ko bago ko maramdaman ang pagbigat ng katawan at ng talukap ko..

*Pls...help me!*

Unti unting lumapat ang katawan ko sa malambot na kama, at tuluyan na kong nakatulog......

Zzzzzzz....
Zzzzz...
Zzz..
Zz.
z

. . .  K   I   N   A   B   U   K  A   S   A   N  . . .

Kadarating ko lang sa parking lot nang school at gaya ng nakasanayan ay late na naman ako.

Pagkatapos kong mag park ay agad akong bumaba at tinungo ang classroom ko..

Pagdating ko ay sarado ang pinto, at sa tingin ko naman ay nagsisimula na ang klase..

Nasa tapat nako ng pinto at balak ko pa lang sanang pihitin ang  door knob ng kusa iyong bumukas at tumambad sakin ang napakatahimik naming room..

THE DEVIL INSIDE MEWhere stories live. Discover now