Mariz' POV
Grabe ang tawa ko kanina! Ang saya talaga pagtripan ng babalu na yun! Sa kapangitan niya at pagkapahiya sumasaya ako eh. Talsikan pa niya ng laway niya yung kaklase namin kanina buti tinakot ko yun at hindi siya nasuntok *Yiii. Pinagtanggol* HUH? Hindi ah! Ako lang dapat kasi ang karibal niya no... Tsaka hindi rin naman sila magsusuntukan. Takot ma-guidance mga yun. Mga weak. Ampupu.
Takot masampolan ng mga words of wisdom at kung ano ano pang kaekekan yung mga kaklase ko na to eh.. At wala akong pakialam. Eto ako ngayon pupunta sa cafeteria kems! Sa canteen lang! Hindi naman pang sosyal ang school na ito! At hindi ako bagay dito. Gaga kasi yung nanay ko nagtitipid kaya niya naman ako pag aralin sa mamahaling school. Mayaman naman kami kaso dapat daw magpakum BABA. Pero mahal ko naman ang nanay kong kuripot kahit ganun siya.
" Pabili nga po ng skyflakes, panawid gutom!" Ako sabay abot ng barya kay manong taba. Wala akong pera eh. Napaka-kuripot kasi ng nanay ko. Bente lang binigay. Wala ka namang paki. ATLEAST, may bente. Na nabawasan na. Tsss.
(J&G: Hindi lang kasi bagay sa kagandahan mo ang maging poor)
Kyaaaaaaaah?! Malaking karangalan napansin ni author ang aking kagandahan. Kampi na siya sakin.. Thank you.. author :)
(J&G: Mabait ako ngayon eh, nakita ko sa kras)
Sana palagi mo siyang makita para palagi kang mabait..
(J&G: ASA NAMAN TAYO. TSS)
Geh na author.... ayy.
Napatigil ako ng biglang may naka bangga sakin. Mali mali may bumangga pala sakin..
"Araaaay! Bwiset ah! Ang laki laki ng daan tatanga-tanga kapa!" me
"Buti nga sayo! Ang yabang mo kasi hindi ka naman kagandahan. HAAAAAAA. HAAAAAAA" Futa ang bahoo! ng hininga nito talaga :/ At ang yabang ha? Well, sino pa ba ang mabaho sa storyang ito? Wala namang iba kundi ang epal kong classmate tss..
"Wow! At sayo pa talaga nanggaling yan. Tumingin ka muna sa salamin dre. Mas malala kasi yang mukha mo eh. Ay teka! Kawawa naman pala yung salamin! Mababasag lang. Kasi yang mukha mo eh. Ewan ko ba.... Pangit mo kasi baka hindi mopa alam. Nung nagsabog si God ng kayabangan at kapangitan sa Earth gising na gising ka at tuwang tuwa kapa. Ayun sinalo mo lahat." --ako
Hah! Akala mo huh. Hindi ako magpapatalo sa isang to.
"Wooooooohh" sigaw ng mgat tae. I mean... tao sa paligid namin.
Tuwang tuwa sila at ang mukha ng pangit na to lalo pang pumangit... epic face.
Nagulat ako nung hinigit niya yung kamay ko. YUUUUUUCCCCCK!!!!
Penge alcohol.
Dinala niya ako sa likod ng school.
Waaaaaah? Anong gagawin niya sakin? Ito naba ang katapusan ko?

VOCÊ ESTÁ LENDO
Ang Epal kong Classmate
DiversosAng story na ito ay bawal sa mga ma "baba" it.... err maba "bait" na tao. Puro masamang bagay ang nakasulat. Wag kanang magtangkang basahin pa.