CHAPTER ELEVEN

1.9K 48 18
                                    

"So.. Saan mo ako dadalhin? Para sa 'date' kuno natin?" Tanong ko sakanya habang kumakain kami dito sa restaurant. I haven't had my breakfast kaya sabi ko, kain muna kami pero ako lang kumakain dahil coffee lang ang iniinom niya.

Binaba niya ang iniinom niyang kape at tumigin sa akin, "Where do you want to go?"

Ikaw nagyaya tapos ako pagdedesyunin mo? Sabog ka ba, Eifah?

"Sa kung saan magmumukha tayong masaya? at mukha tayong natural?" Patanong kong sagot. I thought may naisip na siyang lugar for us to have our 'date'.

Tumunog ang cellphone ko at nang tignan ko ay nakatanggap ako ng text from my secretary.

She's asking kung magbubukas ako ng clinic mamaya kasi daw may mga patients akong nagtatanong kung kailan sila magpapacheck up.

I replied na bukas ng umaga nalang. I'll go early nalang to make up all the absences.

Saktong pag-angat ko nang aking ulo ay nasalubong ko ang kanyang mga mata.

He's staring.. directly at me and it's too intense kaya't hindi ko napigilan ay nagiwas ako nang tingin.

"U-uhm, let's go to an amusement park nalang." Tumango siya at kinuha ang kanyang cellphone.

Siguro ay sasabihin niya sa mga magpi-picture sa amin.

Pero ayos lang kaya sa kanya? It doesn't suit him. Napatingin ako sa kanya at ngayon ko lang napansin ang kanyang suot ngayon.

Damn, white really suits him. Dagdagan pa nang maganda niyang katawan, I could barely see his chest because the first two buttons of his tucked white longsleeve polo is unbuttoned.

Seryoso ba ako? Pupunta kami ng Amusement Park nang ganito? I'm wearing a pale pink haltered dress na umaabot hanggang sa ibabaw ng tuhod ko ang haba.

The color complemented my pale skin, maraming nagsasabi na masyado daw akong maputi. Nakakatakot daw pag wala akong make up at medyo sabog.

One of my college friends told me na muntik na daw siyang atakihin sa puso nung nakita niya akong walang make up at sabog.

Nagkapatapong patong ata lahat nang gawain ko nung panahon na iyon. Kaya sobra siguro akong nag mukhang stressed.

Just because I chose to be a doctor, matalino na kaagad. Lahat tayo ay dumadaan sa paghihirap. I gave my best para makamit ko kung anong meron ako ngayon

Naranasan kong bumagsak, hindi matulog, hindi kumain.. I also got dissapointed at myself but after all the hardships, I graduated at ngayon ay nakakabit na rin ang 'Dr.' sa pangalan ko.

I am now Dr. Jina Sloane Vervas because I didn't give up on my dream.

Huminto ang kotse sa parking lot ng Enchanted Kingdom pero ni- isa sa amin ay hindi pa bumababa.

Bakit nga ba ito ang napili ko? We are too old for this! Puro pa mga teenagers at kids ang nandito tapos makikisiksik kami sa pila?

"We're here." Sinabi niya after minutes na nakatambay kami sa loob ng sasakyan. Akala ata nito lutang ako kaya hinintay niya akong bumalik sa realidad.

Hindi ko alam kung tatango ako at lalabas or pipili nalang ng ibang lugar para pagdausan ng photoshoot.

I am not good at this! Bakit ako lang ang pinagpapawisan sa date na 'to? He's the one who invited me to have a date!

Ilang minuto pa kaming walang imik nang ako na mismo ang bumasag ng katahimikan, "You were the one invited me to have a date. Why are you asking me where do I want to go?" Sabi ko sa kanya ng hindi siya nililigon.

I'm embarrassed because who wouldn't? Nagmukha akong excited nung sinabi ko 'yon.

"I just thought.. that you'd enjoy it more, if we go to the places you like.. so I asked where you want to go."

W-what?

Naginit ang mga pisngi ko sa aking narinig. Parang biglang nagkalagnat yata ako ngayon araw..

Bakit naman kasi kailangan niyang sabihin 'yon? Hindi ko tuloy alam kung paano ako sasagot sa sinabi niya.

"Fine, I'll decide where to go." Sabi niya at pinaandar ang sasakyan to I don't know where.

Basta ako? Hindi ko kayang magsalita at baka mautal pa ako.

We stopped by at a famous mall. Bumaba na kaagad siya at hindi na ako hinintay pang magsalita.

Sabagay kahit naman magsalita ako, wala rin akong masasabing matino. I still can't move on.

But why at the mall? Not that I'm complaining but he said na isasabay na ang photoshoot for our wedding and where are the photographers?

"We'll reschedule it." Napalingon ako sa kanya ng sabihin niya 'yon. Did he just read my mind?

"I-If It's rescheduled, saan naman ang photoshoot?" I was still looking at him habang nagpapalakad-lakad kami dito sa mall. I definitely don't know where are we going but as I've said, siya ang nagaya, siya ang magisip.

Hindi niya ako pinansin at bigla nalang siyang pumasok sa isang Italian Restaurant.

Aba't namumuro na 'tong lalaking 'to.

Imbes na magalit at magmukha pa akong immature, labag sa kalooban kong hinayaan nalang at sumunod sa kanya papasok.

We sat down and he started ordering foods nang hindi tinatanong kung anong gusto ko kaya't ako na ang kumukha ng attention ng waitress to tell my order.

"Uhm, miss. I'll only take pasta and fruit shake." I said then smiled at her.

"What pasta cuisine, Signora? We have Spaghetti Alle Vongole—"

"She's allergic to seafoods." Sabi niya nang nakatingin pa rin sa menu ng Italian Restaurant na 'to.

"That's all. Don't take her orders. I already ordered for her." then he closed the menu and looked at the la cameriera (waitress).

I.. I can't believe this..

"How.. did you know that I'm allergic to Seafoods?" He looked at my shocked face and directly stared at my eyes. I thought he's going to answer my question but he just stared at me without emotions.

Did he hire an investigator to know everything about me?

My hands are trembling. I don't know if I'm scared or angry. I just wanted to know why did he do that.

***
A/n: Hello! Sorry ngayon lang ako nakapagupdate. (15287)

Sorry talaga :< I got busy with everything about school like, the enrollment etc.

Magiging walang hiya na rin ako kasi I'm going to plug my (not so) art account. I recently got into digital art kaya bigla akong napaisip na gumawa ng art account. So, follow my art account at instagram @/ch_ion.e

Beginner palang ako so if you have tips, please share it to me :<

Don't forget to Vote and Comment! Support an amateur writer like me!

Chained Up [ ON - HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon