Wattpad Fools (2020)

28 2 2
                                    


I have two unforgettable pranks.

Una

Nag-start ito nang gumagawa kami ng designs, as President ay naglilibot-libot lang para ifacilitate iyong mga arrangements at ang program namin sa room, eh nabagot ako kaya tinawag ko yung pinakamokong na lalake sa classroom. Bakla siya kaya maraming trip.

Tinawag namin iyong lalakeng classmate namin na crush daw yung adviser namin eh parang yung anak naman talaga ang gusto niya at sinabihan siyang papupuntahin sa faculty dahil may ipapagawa daw si maam. Todo tawa kami nun nang umalis siya at pumunta sa faculty. Nasa may lobby lang kami at naka-abang sa railings para tingnan sa baba kung paparating na ba siya at nang makita naming lumabas siya na pulang-pula mula sa faculty ay agad kaming pumwesto sa likod nung cabinet sa may paanan ng stairs namin.

Nang dumating na siya ay lumabas kami kaagad ng classmate ko at sumigaw. Gulat na gulat siya na sumigaw din siya na parang yayanig sa building namin, ang nakakatawa pa ay may na-discover kami ng classmate ko, confirmed, bakla na bakla na bakla ang gwapo na aroganteng classmate namin haha.

Nagalit siya sa amin at sinabing inignora lang daw siya ni maam doon sa faculty pero kinulit niya kaya nalaman niyang hindi pala iyon totoo dahil sinabihan siya ni maam na

" Ano namang ipapagawa ko sayong tamad lang? " nahiya daw siya sa faculty.

Kaya nang malapit na ang lunch break ay pinuntahan kami ni maam at tinanong kung sino ang nagpadala sa mokong na bakla pala, siyempre loyal siya sa akin sharss..joke..siyempre walang basagan ng trip kaya sinabi niya na lang na hindi pala dapat si maam ang pinuntahan niya, ibang guro pala.

Pangalawa

Nung March ko lang ito ginawa, dahil sa quarantine ay na bored ako sa bahay kaya nag-open ako ng messenger at nakita ang friend kong nag-chat. Eh dahil bored, kahit na kamusta? ang kaniyang chat ay ni-replyan ko ng BF using haha, literal na napatawa ako while nag-aanticipate sa reaction niya.

Natulog ako pagkatapos nun at nang i-open ko ang phone ko ay bumulabog sa akin ang notification ng gc naming mga magpipinsan dahil binalita na niya. I am the type of girl kasi na walang time sa mga ganiyan at puro aral ang inaatupag kaya gulat na gulat sila nang malaman yun.

Bruha, may jowa ka na!?

Baliw, patay ka kay Tita at Tito

Natawa na lang ako sa mga chat nila at mag pinag-igihan pa ang acting na magkatawagan kami pag gabi, laging nagte-text not knowing na inereport nila ako kay Mama at Lola.

As in, pinuntahan talaga ako ni mama sa kwarto at naabutan pang tumatawa sa binabasang story, napagalitan ako guxx pero inexplain ko naman kay Mama na ganun nga, bored ako at walang magawa.

Epic lang kasi mas humigpit si Papa sa akin haha, minamanage na nila ang cellphone ko haha. Loyal po ako sa asawa ko dito.

That's it!

#notsogoodinprankshaha

***

#WattpadAThonChallenge
#WattpadFools








Date Started: April 05,2020
Date Finished: April 05,2020

Write- a-Thon ChallengeWhere stories live. Discover now